2

1.3K 98 3
                                    

NAPUNA kaagad ni First Nicholas ang pamumugto ng mga mata ng kanyang ina. Pinigil niya ang sariling mapasimangot. Alam na niya kung bakit namumugto ang mga mata ng ina. Hindi na ito natuto. Ilang ulit nang sinaktan ng kanyang ama ngunit sige pa rin nang sige ang kanyang ina.

"He made you cry again," he stated.

God knew how much he loved his mother. Dahil mahal niya ang ina, ayaw na ayaw niyang nasasaktan ito. Ayaw na ayaw niyang may nananakit dito—kahit pa ama niya ang taong iyon. Ngunit paano niya poprotektahan ang ina kung ito mismo ang gustung-gustong i-expose ang sarili sa pananakit ng ibang tao?

"Nick, please..." anito sa pagod at nakikiusap na tinig.

Hindi siya nagpaawat. Minsan, mahirap talagang magpalaki ng magulang. "Kailan ka matututo, 'Ma? Kapag wala ka nang natitirang respeto sa sarili?"

"I love him, anak. Kahit anong pilit ko, hindi ko mapigilan." Namamasa at namumula na naman ang mga mata nito. Naawa siya rito. Bakit naging dakilang martir ang kanyang ina?

"He won't leave his wife for you, 'Ma. Hindi noon, lalong hindi ngayon."

"Habang may buhay, may pag-asa. You are his only son. Ikaw ang panganay niya." Base sa tinig ng kanyang ina, halatang mahigpit na nakakapit ito sa pag-asang iyon.

Napailing siya. Hindi niya alam kung matatawa o maiiyak siya. Binitiwan niya ang hawak na kubyertos. Nawalan na siya ng gana sa pagkain. Nais niyang iuntog sa pader ang kanyang ina upang magising na mula sa kabaliwan nito.

He was hurting already. It was just making him hate his father more.

"He would never, 'Ma. Ako ang panganay niya at nag-iisang anak na lalaki pero hindi iyon mahalaga. He would never leave his wife and daughters.

"Bakit ba patuloy mo siyang tinatanggap? Bakit patuloy mo siyang hinahayaan na saktan ka? Nandito lang siya sa buhay natin kapag may kailangan siya. Hindi tayo ang priority niya. Mahalin mo naman ang sarili mo, 'Ma. Maawa ka naman sa 'kin." Halos lumuhod na siya rito sa pagsusumamo.

Kailan ito magigising? Bakit may mga taong baliw sa pag-ibig tulad ng kanyang ina?

"Anak, please..."

Tumayo na siya at walang salitang iniwan ang ina. Bahala itong magpakatanga.

Naglakad-lakad siya sa labas. Hindi niya nakalimutan ang usapan nila ni Michelle na lilipat siya sa bahay ng mga ito. Magbabawas muna siya ng galit at lungkot bago siya lilipat sa kabilang bahay.

Siya ang panganay na anak ng kanyang ama ngunit hindi ang kanyang ina ang pinakasalan nito. Nakatakda na kasi ang kanyang ama na magpakasal noon sa babaeng asawa na nito ngayon.

He was a product of a one-night stand.

Mula pagkabata ay hindi siya nagkaroon ng normal na pamilya tulad ng iba. Ang kanyang ama ay paminsan-minsan lamang dumadalaw sa kanya. Minsan, animo totoong mag-asawa ang kanyang ina at ama. Noong katorse anyos siya, sumugod sa bahay nila ang tunay na asawa ng kanyang ama. Naeskandalo sila. Inaway nito sa harap niya ang kanyang ina.

"Kabit ka!"

Tumatak sa isip niya ang mga salitang iyon. Oo, kabit ang kanyang ina dahil patuloy itong nakikipagkita at sumasama sa kanyang ama kahit alam nitong may pamilya na ang huli. Nasasaktan siya nang husto para sa kanyang ina. Sa nakikita niya, hindi mahal ng kanyang ama ang kanyang ina. Ang kanyang ina naman na nuknukan ng tanga ay patuloy na umaasa na iiwan ng kanyang ama ang asawa nito upang manatili nang permanente sa kanila.

He firmly believed it would never happen. Kung talagang mahal ng kanyang ama ang kanyang ina, matagal na sana nila itong kapiling.

Ang masaklap sa lahat ay kamukhang-kamukha niya ang kanyang ama. Palaging sinasabi ng kanyang ina na halos pareho sila ng pag-uugali. Ang totoo, natatakot siyang maging katulad ng ama. Ayaw niyang maging katulad ng kanyang ama.

Lollipop BoysWhere stories live. Discover now