4

2K 141 5
                                    

NAPAPITLAG si Jillian nang walang ano-ano ay ibinagsak ni Tita Angie sa harap niya ang tatlong tabloids. Nasa opisina siya nito nang araw na iyon dahil ipinatawag siya nito.

Nagtatakang binuklat niya sa entertainment section ang isang tabloid. Matagal na siyang hindi nagbabasa ng mga tabloid. Madalas kasi ay naiinis lang siya kapag may mga mapanirang tsismis na lumalabas tungkol sa kanya o tungkol kay Enteng.

Ano nga ba ang relasyon ni Paul Vincent kay Jillian Belgica? Magkaibigan nga lang ba talaga sila? Iyon ang nakalagay na titulo ng isang artikulo. May kuha rin silang larawan doon ni Enteng habang pasakay sila sa kotse nito.

Nakalagay sa artikulo na nakabantay palagi si Enteng sa mga shooting niya. Kahit saan daw siya pumunta ay kasama niya ang lalaki. Binibigyang-kulay ng lahat ang mga pangyayari. Hindi raw gawain iyon ng isang kaibigan sa kapwa kaibigan.

"Hindi ko po ito kasalanan, Tita," aniya. "Siya po ang mapilit na magtungo araw-araw sa shooting namin."

Her manager sighed. "I know. Lagi ko na rin siyang pinagsasabihan na huwag kang puntahan pero matigas ang ulo niya. Sinasayang niya ang bakasyon niya."

Dalawang linggo na nilang ginagawa ang pelikula at dalawang linggo na ring palaging nasa set si Enteng. Sanay na sanay na nga ang mga kasama niya na naroon ito. It was like he was part of the movie already.

Kahit na palagi niyang sinasabihan ito na hindi siya nito kailangang bantayan, hindi pa rin niya mapigilang maging masaya. Nakikita niya ito araw-araw, nakakasama, at nakakausap. Palaging maraming pagkain sa set dahil dito. Alagang-alaga siya nito.

Hindi siya nagkamali sa pagtitiwala kay Direk Simon. Hindi nito hinahayaang maging pangit o mahalay ang mga kuha niya. Pinoprotektahan nito ang katawan niya. Her fellow actors were all veterans. Marami siyang natututuhan sa mga ito. Kahit ang mga ito ay tinutukso sila ni Enteng na baka nagbabago na ang relasyon nila. She just always smiled. Sawa na siyang sabihing kapatid lang ang turing niya sa binata.

Isang linggo nang maugong ang balita tungkol sa kanila ni Enteng. Hindi niya pinansin noong una. Ang akala niya ay kusang mamamatay iyon. Ngunit lumalala na ang lahat. Kaya nga kinakausap na siya ni Tita Angie.

"Mamamatay rin ho 'tong mga tsismis," wika niya. "Don't stress yourself too much."

"Hindi lang naman 'yan ang dahilan kung bakit kita ipinatawag dito. Bumababa ang ratings ng primetime show mo. I'm receiving endless e-mails and petitions from your fans. They are all convinced that this current movie you're doing is a bad idea. Nagagalit din sa 'yo ang ilang fans nina Isabela at Paul. Lumalandi ka na raw. May impresyon sila na inaagaw mo si Paul."

Nalukot ang mukha niya. Isabela Lim was Paul Vincent's TV love team. Maraming fans ang mga ito. Umaapaw raw ang chemistry ng mga ito sa screen. Kapag magkatambal ang dalawa sa isang proyekto ay siguradong sure hit iyon.

She never liked Isabela Lim. Kahit ano ang pilit niya ay hindi niya magawang makipagplastikan sa babae. Mabigat na mabigat ang loob niya rito. Babae rin siya at alam niyang malaki ang pagkagusto nito kay Enteng. Kung makaasta rin ito minsan ay tila pag-aari na nito si Enteng. Sa mga interview ng dalawa ay palagi itong masyadong malambing. Enteng indulged her. Kailangan iyon para sa publicity. Nang tanungin niya ang kanyang kaibigan kung may relasyon ito kay Isabela, "We're not official," ang sagot nito.

Ikinatuwa niya iyon kahit pa may ibang kahulugan ang naging sagot nito. Maaaring may casual relationship ang dalawa.

"What do we do now?" tanong niya kay Tita Angie.

"Huwag muna kayong magpakita nang madalas na magkasama sa publiko," sagot nito.

"Pero si Enteng naman po ang mapilit lagi," pangangatwiran niya.

Lollipop BoysWhere stories live. Discover now