2

2.2K 167 7
                                    

"THIS is the something new that I have been waiting for," bulong ni Jillian sa kanyang sarili bago siya humigop ng mainit na kape. Alas-dos na ng madaling-araw at nasa sala siya ng unit niya. Binabasa niya ang isang script na ibinigay sa kanya ni Direk Simon kanina.

Ang nasabing direktor ay sikat na sikat sa paggawa ng mga independent film na humahakot ng mga parangal sa iba't ibang local at international award-giving bodies. She was flattered that he considered her to be one of his leads on his next independent movie project. Nabanggit na raw nito kay Tita Angie ang tungkol sa proyektong iyon. Nagdadalawang-isip daw ang manager niya kaya dumirekta na lang ito sa kanya.

Direk Simon really wanted her to play the lead role. He said she was the most perfect actress for it. Kahit ang scriptwriter daw ay siya ang visual inspiration habang ginagawa nito ang script na hawak na niya ngayon.

Malapit na niyang matapos ang pagbabasa. Napakaganda ng kuwento. She wanted to do the project. Alam niyang baka hindi pumayag ang manager niya ngunit magpipilit talaga siya. Pagsisisihan niya nang husto kung hindi niya magagawa ang proyektong iyon.

Alam niya kung bakit nagdadalawang-isip ang manager niya. Lihis sa imahe niya ang naturang project. Natatakot siguro ito na baka mabawasan ang mga tumatangkilik sa kanya. Sa isang banda naman, aangat ang lebel niya bilang aktres kung makakatrabaho niya si Direk Simon. He was one of the most brilliant director in the Philippines.

Nakahanda siyang ibigay ang lahat ng kailangan sa eksena. Paghuhusayin niya nang husto ang pagganap. Higit pa sa isandaang porsiyento ang ibibigay niya. She was willing to risk everything.

Maybe she saw the project as an escape. Makakalabas na rin siya sa wakas sa sweet girl image niya, sa kahon niya.

Pagkatapos niyang basahin ang script ay dinampot niya ang kanyang cell phone at tinawagan si Enteng.

"Where are you?" bungad niya nang sagutin nito ang tawag niya.

"Hello to you, too," he said in a light tone. Kahit na ganoon ay bakas pa rin ang pagod sa tinig nito. "I'm on my way home. Why?"

"Puwedeng dumaan ka sandali sa condo ko?" Nakagat niya ang kanyang ibabang labi pagkatapos. Pagod ito ngunit iniistorbo niya. Ito lang kasi ang pinagkakatiwalaan niya at ang siguradong makakatulong sa kanya.

"Sure. I'll be there," tugon nito na walang kahit na anong pag-aalinlangan.

It was one of the things she loved about Enteng. He always indulged her. Hanggang kaya nito, hindi siya nito pahihindian.

"Thank you so much," sabi niya bago niya tinapos ang tawag.

Hindi siya gaanong naghintay nang matagal. Binuksan agad niya ang pinto ng unit niya nang may kumatok. Nginitian niya nang matamis si Enteng. He looked tired but he was still gorgeous.

"Pasensiya na kung naistorbo kita," aniya. "Kailangan lang talaga."

"It's okay," anito habang umuupo sa sofa niya. Nakihigop ito sa kape niyang hindi pa niya nauubos. "Problema?"

Umupo siya sa tabi nito. "May ikokonsulta ako sa 'yo," aniya habang iniaabot niya rito ang script na kanina ay binabasa niya. "Independent film ni Direk Simon. I think it's good. Can you spare some time to read it? Then tell me if it's wise for me to do it."

Hindi nito binuklat ang script. "Sure. Pero bukas na lang. Direk Simon is a great director. He's known internationally. If only for that, this indie movie would be good for you."

Nagliwanag ang kanyang mukha. Lumaki ang pag-asa sa dibdib niya. Mukhang magagawa niya ang pelikulang iyon.

Tumayo na ito at hinagkan ang kanyang noo. Hindi niya napigilan ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya dahil doon. It was always like that. Kahit simpleng pagdidikit lamang ng mga balat nila ay nagdudulot na ng kaguluhan sa sistema niya. She knew it was just a brotherly kiss but she could not help wishing it was something more.

Lollipop BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon