3

1.6K 108 6
                                    

HINDI mapigilan ni Rainie na pagmasdan nang matagal si Maken habang tumutugtog ito ng gitara at inaawitan siya. He was so amazing. Ang galing-galing nitong tumugtog at kumanta. She missed his voice so much.

Nasa labas sila ng kanilang bahay nang gabing iyon. May isang malaking papag sa hardin. Nakahiga roon si Rainie habang nakaupo naman si Maken. Napakaraming bituin sa langit. They were beautiful. Doon lamang niya nakikita nang malinaw ang kinang ng mga bituin. Sa siyudad kasi ay nasasapawan ang mga iyon ng mga kinang ng ilaw.

Ngunit mas masayang pagmasdan si Maken. Parang mas makinang pa ito kaysa sa mga bituin.

"You were great," sabi niya nang matapos ito sa pagkanta. "You improved a lot. You can be a bright star if you want to, you know."

Natawa si Maken. "Hindi iyon mangyayari."

Tumingin siya sa mabituing langit. "Why not? You are so talented."

"Malabo 'yang sinasabi mo. Ang tanging pangarap ko lang ay maging kompositor. Hindi ko pinangarap maging isang makinang na bituin."

She smiled while looking up at the stars. She could easily imagine him up there shining. Everyone would love him. Girls would go gaga over him. A talented man like him deserved to be on top. He should shine.

Her smiled vanished when she realized something. She realized she was selfish. Hindi niya inakalang napakadamot pala niyang tao. "Maken?" tawag niya.

"O?"

"I don't want you to be a star. Oh, well, I want you to be a star but my personal star. I want you to shine just for me. You are my Maken. Ayokong i-share ka sa iba. Ang damot ko, 'no?"

Natatawang pinisil nito ang ilong niya. "Bratinella ka talaga. Tama ka, ang damot mo." Wala naman siyang nahimigang inis sa tinig nito. Tila naaaliw pa nga.

"Gusto ko, ako lang ang darling brat mo," aniya na bahagyang nakalabi.

Kitang-kita ni Rainie ang panlalaki ng mga mata ni Maken. She giggled softly. Ang akala siguro nito ay hindi niya alam ang lihim nitong tawag sa kanya.

"P-paano..."

She grinned. "Nakita kong pakalat-kalat sa bahay n'yo ang isang picture ko na ibinigay ko sa 'yo dati. May nakasulat na 'my darling brat' sa likod. I'm gonna be your darling brat as long as you're my Maken. Deal?"

Napailing si Maken. "Para kang sira. Puwede ba 'yon?"

"Oo naman."

"Tuturuan mo pa akong maging maramot. Marami pang mga darating sa buhay natin. Marami ka pang mga makikilala na mas espesyal sa 'kin. Sino lang ba ako? Nakakagulat nga na hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo mo sa akin. Gusto ko ngang sanayin ang sarili ko na tawagin kang 'Señorita,' ayaw mo naman."

"Don't you think it's amazing that we have this kind of connection? Kahit matagal tayong hindi nagkita ay gaya pa rin tayo ng dati. It's like, you've always been a part of me. Siguro, ikaw ang soul mate ko."

"Soul mate? Walang kaso sa 'yo kahit na ganito lang ako?"

"Ganyan na ano?"

"Mahirap. Trabahador ng dad mo. Hindi tayo magkapantay."

Bumangon si Rainie at pinitik ang ilong ni Maken. "Kailangan ba pantay para maging soul mates? Halos pantay na tayo sa tangkad, ah. Ang bagal mo kasing tumangkad, naabutan tuloy kita. At kailan ako naging matapobre? Brat lang ako."

"Salamat, Rain."

"For what?"

"Sa pagiging soul mate ko."

Lollipop BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon