His Lovely Girl

2.9K 98 1
                                    

JOHN ROBERT -MAKI

May punto sa buhay ni Maki na kinailangan niyang mamili: ang maging rock star o maging classical pianist. Pinili niyang maging rock star kahit pa naging dahilan iyon upang magalit at magkahiwalay sila ng kanyang ama na isang tanyag na piyanista.

She was happy with her chosen life. Kasama ang kanyang banda, nakamit nila ang tagumpay at kasikatan sa mundo ng musika. Nakompleto pa ang kanyang kaligayahan nang magkita uli sila ni John Robert, ang lalaking minsan niyang minahal nang tahimik sa malayuan. Ang akala niya ay nawala ang dating damdamin niya para dito, hindi pala. Naging malapit sila sa isa't isa. Lalong nahulog ang loob niya rito. At natupad ang pangarap niya nang mahalin din siya nito. Pakiramdam niya ay siya na ang pinakamasayang tao sa mundo.

Ngunit natuklasan niyang hindi pala totoo ang lahat ng ipinakita nito. May iba palang hangarin ito sa pagpapaibig sa kanya...

Lollipop BoysWhere stories live. Discover now