1

2.1K 92 2
                                    

KINAKABAHAN si First Nicholas ngunit ayaw niya iyong ipakita. Lalaki siya at walang lalaking duwag. He tried to keep a brave face while watching his mother fill up a form. Ang sabi ng nurse na nakausap nila, consent form daw iyon. Kung hindi raw iyon pipirmahan ng kanyang mama ay hindi siya tutuliin ng doktor.

Yes, he would undergo circumcision. He was nine years old. Alam niyang may mga kaklase siya sa eskuwelahan na magpapatuli na rin. At ayaw niyang maging tampulan ng tukso dahil lamang hindi pa siya tuli.

Noong sabihin niya sa kanyang mama na nais na niyang magpatuli ay paulit-ulit siyang tinanong nito kung sigurado siya. Puwede pa naman daw silang maghintay nang isa pang taon, tutal ay bata pa siya. Iginiit niyang handa na siya.

He was nervous—very, very nervous. It was one of those few times he wished his father was there to support him. His mother was very supportive, but she was a girl. Hindi nito alam at hindi nito naiintindihan ang nadarama niya.

As a man, he had to be brave. Ganoon daw dapat ang mga lalaki. Kahit ano raw ang harapin niya, dapat ay maging matapang siya.

Lahat ng lalaki ay dumaraan sa pagpapatuli. It was a part of puberty. It was not a big deal. Pero aminin man niya o hindi, kinakabahan siya.

Napalingon siya nang may tumabi sa kanya na isang batang babae. Sa palagay niya ay kaedad niya ito. May kalung-kalong itong isang kahon ng tissue paper. Namumula ang mukha nito at naluluha ang mga mata. Panay ang punas nito sa ilong.

Umisod siya nang kaunti palayo rito. Ayaw niyang mahawa ng sipon at lagnat. After all, it was summer, the most fun season of the year. Istupido lang ang batang nagkakasakit tuwing summer.

Ngunit hindi pa rin niya maiwasang sulyapan ang batang babae. She was cute. Maganda ang mahaba at itim na itim na buhok nito. Medyo may-kapayatan ito.

Napatingin ito sa kanya. Her watery eyes were like those of a puppy. They were lovely.

"You are staring," puna nito.

Her voice was lovely, too. He cleared his throat before speaking. "Are you sick?" he asked the obvious.

Suminga muna ito sa tissue paper bago sumagot. "Obviously."

"Who gets sick on summer?" hindi niya napigilang sabihin. Nagkakasakit siya tuwing tag-ulan lang.

"Me. I didn't ask for this, okay? It's not like I wanted to be sick during summer. Nagkataon lang na dinapuan ako," mataray na sagot nito.

Bago pa man siya makatugon ay may nakangiting nurse na lumapit sa kanila. Nilagyan ng nurse ng thermometer sa kilikili ang batang babae, pagkatapos ay inabutan naman siya ng medicine cup na may isang tableta at isang drinking cup na may tubig.

"What's that?" tanong niya sa nurse habang nakatingin sa tableta.

Tinabihan siya ng nurse. "Gamot para sa pain. Inumin mo para hindi masakit mamaya."

"You will not use an anesthesia? Iyong itinutusok tulad ng sa dentist?" nag-aalangang tanong niya. Ang sabi ng mga kaibigan niyang tuli na ay may ini-inject pang anesthesia bago gupitin ang balat ng "bird" niya. His mother explained that the doctor would not totally cut the thing off. The doctor would just cut the skin, and then stitch it. He asked his mother why it was necessary. She said it was more hygienic.

"May anesthesia talagang ituturok bago ka tuliin. Mamaya pa tatalab itong iinumin mo. Iinumin mo na ngayon para kapag lipas na ang effect ng anesthesia ay may panlaban ka na agad sa pain."

Ininom na niya ang tabletang ibinibigay nito. Ang batang babae ay inakay na ng nurse patungo sa isang silid. Siya ay dinala sa ibang silid.

Isang matandang lalaking may maaliwalas na mukha ang nakita niya roon. Napansin niyang may maliit na kama roon na napapalibutan ng mga berdeng kurtina.

Lollipop BoysWhere stories live. Discover now