8

1.4K 111 5
                                    

KAHIT ngumunguya ay pilit na nginitian ni Rainie ang mga kasalo niya sa mesa. Kasalo niya ang mga Lollipop Boys sa pagkain ng hapunan. Kagaya ng nakasanayan niya, nagpapasubo siya kay Maken. May plato sa harap niya ngunit wala iyong pagkain. Hinayaan niya si Maken na magpakain sa kanya.

Nais niyang matawa sa ekspresyon ng mukha ng mga kasama nila. Tila namamangha ang mga ito sa nakikita sa kanila. Ano ba ang nakakamangha roon? Sinusubuan lamang siya ni Maken.

"Unbelievable," bulong ni Enteng.

"Adorable," sabi naman ni Nick na nangingiti habang nakatingin sa kina Rainie at Maken.

"Cute," ani Rob.

Hindi pinansin ni Rainie ang mga kasalo sa mesa. "More fish," sabi niya kay Maken. Kaagad nitong dinamihan ang isdang nasa kutsara at isinubo iyon sa kanya.

Iniumang ni Vann Allen sa bibig ni Maken ang isang kutsarang punung-puno ng pagkain. "Ah," anito. Isinubo ni Maken ang pagkain. "Kumain ka rin naman. Baka manghina ka at hindi makasayaw niyan. Mahal na mahal mo talaga itong si ulan, ano?"

Natawa nang malakas si Rainie. Mabuti na lamang at nalunok na niya ang kinakain, kung hindi ay nagtalsikan na ang mga iyon palabas ng kanyang bibig. Alam niyang makakasundo niya ang Lollipop Boys. They were fun to be with, lalo si Vann Allen na tila likas ang pagiging masayahin.

Pagkatapos kumain ay nagtungo sina Rainie at Maken sa hardin. Naglatag ng blanket sa damuhan si Maken at tumingin sila sa langit.

"Ang pangit ng langit dito. Hindi ko masyadong makita ang mga stars," reklamo ni Rainie.

"Oo nga, eh. Itinawag ko na pala kay Tito Fred na nandito ka. Pinapauwi ka na niya sa hacienda. Nami-miss ka na rin niya, eh."

Lumabi siya. "Dito muna ako. Ayaw mo na ba 'ko rito? Ayoko pang umuwi sa hacienda. I can be your PA."

Na-miss din niya ang kanyang ama ngunit mas na-miss niya si Maken. Nadalaw na kasi siya nang ilang ulit ng dad niya sa Amerika. Si Maken ay hindi niya nakita at nakasama nang matagal.

"Sigurado ka?"

"Yes. Hundred percent sure."

"You have no idea how busy we are. Baka mainip ka lang. Baka mainis ka dahil hindi kita maaasikaso. Nang malaman kong magbabakasyon ka rito, humingi ako ng bakasyon kay Tita Angie. Hindi puwede, eh. Marami siyang tinanggap na mga project."

"Okay lang talaga. I'd be very happy to follow you around. Gusto ko ring makita kung paano ka magtrabaho. I always find things to amuse me. Just let me be with you."

Hinila siya nito at niyakap. "Masaya ako. Masaya ako na nandito ka. Sige, dito ka muna. Kakausapin ko si Tita Angie para makasama ka sa amin kahit saan."

"My shiny Maken," bulong niya. "You are so up there. I'm so proud of you."

"Thank you."

Nais manatili ni Rainie sa puwesto nila ngunit hindi maaari. May rehearsal pa raw si Maken kasama ng mga boys. Guest daw ang mga ito kinabukasan sa isang variety show.

Pinanood niya ang Lollilop Boys habang nagre-rehearse. Ang galing-galing ni Maken. Hindi siya magsasawang panoorin ito. Hindi lang si Maken ang masarap panoorin, pati na rin ang mga kasama nito. They were not just pretty faces. May substance ang mga karakter ng limang lalaki. They had the talent. They obviously loved what they were doing. They were great.

NANG mga sumunod na araw ay sumama si Rainie sa mga lakad ng Lollipop Boys. Nalulula siya sa dami ng commitments ng grupo. Nalulula rin siya sa suportang ibinibigay ng mga tao. Minsan ay nabibingi siya sa lakas ng tilian ng mga babae at mga bakla. Walang palya ang lakas ng tilian saanman magtungo ang Lollipop Boys.

Lollipop BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon