51

340K 6K 337
                                    

"Eat, Cassidy," marahang sabi ni Aaron habang tinutulak papunta  ang tray na may lamang kanin at ulam

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Eat, Cassidy," marahang sabi ni Aaron habang tinutulak papunta  ang tray na may lamang kanin at ulam.

Umusog ako sa dulo ng kama at hindi man lang ito tiningnan.

Bumuntonghininga siya at tinabihan ako."I'm really sorry. I'm sorry I scared you, but I'm not sorry I kidnapped you. Lahat gagawin ko mailayo ka lang kay Drei," madamdaming saad niya.

Matalim ko siyang tiningnan ngunit iniwas ko rin agad ang mga mata ko.

"I tried to stop but you make it so damn difficult. You make it so damn difficult for me to let you go."

Lumakas ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Isinubsob ko ang ulo ko sa dalawang tuhod ko na ngayon ay yakap ko. Naramdaman kong hinahaplos ni Aaron ang buhok ko.

"Sa akin ka nalang ulit." Gumaralgal ang boses niya.

Lumubog ang puso ko sa kinalalagyan nito nang makita ko ang lungkot sa mga mata niya. Nanikip ang dibdib ko sa isiping 'yon.

"You'll be the end of me, Cassidy," bulong niya bago yumuko at kinintalan ako ng halik sa mga labi.

Napapikit ako. I wanted to push him away but at the same time, I want to pull him closer.

Pinigilan ko ang sarili kong tumugon, but just like before, I was drowned in his hypnotizing kiss. I wrapped my arms around his neck and savored the moment.

Alam kong mali itong pagkakataong 'to. Mali 'tong ginagawa namin. But why does the wrong thing feel so right? Why do I find the feeling of his lips on mine so appealing?

He ended the kiss and looked at my eyes. He was searching for something. Then he groaned. "Damn."Pinagdikit niya ang mga noo namin.

"Your kiss still has the same effect on me. You were gone for five fucking years and I am still smitten by you," bulong niya.

Nag-iwas ako ng tingin at tumayo para makalayo sa kanya. Hindi ko nagugustuhan ang pagbilis ng tahip ng dibdib ko. I felt this before and I don't need to think hard to know what this means.

"Mahal na mahal kita," sabi niya nang hinila niya ang kamay ko.

Pinigilan ko na 'yong sarili kong yakapin siya nang mahigpit at muli siyang halikan. Tama na, Cassidy. It's not healthy anymore.

Nagpakawala ako ng buntonghininga bago ako nagsalita. "Hindi kita mahal."

Bumagsak ang mga balikat ni Aaron kasabay ng pagbitiw niya sa kamay ko. Walang sabi-sabing lumabas siya ng kuwarto.

I wanted to follow him but there was something holding me back. Hinayaan ko nalang. Hanggang sa narinig ko na ang pagbagsak ng front door. Lumabas siya ng bahay. Uuwi naman siguro 'yon agad.

Pero alas-dose na ng hatinggabi ay wala parin siya. Kanina pa ako kinakabahan pero kinukumbinsi ko ang sarili ko na walang masamang nangyari sa kanya. Dalawang oras na akong naghihintay rito sa tapat ng bahay pero walang Aaron na nagpakita.

Owned by a Billionaire (Monteverde Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon