Chapter 34

95 7 0
                                    

Isang linggo nalang bago ang kasal namin ni Mikko. Dalawang taon na nga ang lumipas mula nung nag propose sya. Pinag usapan namin na dapat ay maayos na ang financial namin bago kami ikasal. At malapit na ngang mangyari ang mga bagay na sabay naming plinano.



Patapos na ako sa duty ko, susunduin ako ni Mikko papunta sa The Bridal Room sa Parañaque, Manila. Nag aayos na akong gamit nang lapitan ako ni Drake.



"Uy, Ms. MT, ikakasal kana next week ah." Sabi ni Drake ng may lungkot at saya.




"Oo nga e, alam mo ba tagal kong pinagdasal 'to. Dadalhin pala ako ni Lord sa mas magandang ending, ay hindi. Magsisimula palang." Paghalakhak ko.



"Oo nga. Masaya ako na masaya ka Ms. MT." Sabi ni Drake.



"Parang hindi ka nga masaya e." Sabi ko habang patapos na sa pag aayos ng gamit ko.




Hinawakan nya ang kamay ko na dahilan ng pagkabigla ko.



"Balak sana kitang ligawan noon, kaso narinig ko kay Paul at Leah na may boyfriend ka. Ayokong makasira kaya magiging masaya nalang ako para sayo." Ani Drake sa bigong tono.




"Alam ko 'yon. Nasabi ni Paul noon akala ko ay biro lang. Pero maniwala ka, Drake. Darating din yung babaeng para sayo." Sabi ko.



Nang magtext si Mikko na nasa Parking na ay pumunta na ako roon.




Habang nasa byahe kami ay tinawagan ko si Rachelle at Angel na magkasama sa Switzerland. Sabay silang nag apply doon at sabay din silang natanggap. Uuwi lang sila dito sa kasal ko pati si Aya at Darren.



[Hoy ano? Kakagising lang namin ni Rachelle.] Bungad ni Angel.



[Wala, pinag usapan kasi pag may ikakasal satin dapat sabay sabay tayong titingin ng wedding gown. Ngayon, we will pick up the gowns and Mikko's Tuxedo.] Pag irap ko.



[Ay oo nga no.] Sabi ni Rachelle habang nag iisip.



[Ay oo nga no.] I mocked her. [Kamusta dyan? Malamig ba?] Tanong ko.



[Oo, sis. Dyan ba nag iinit na? I mean mainit na?] Biro ni Rache kaya natawa si Mikko.



"Oh bat ka tumatawa?" Sabi ko kay Mikko.



"Wala." Ngisi nya pa rin.



[Osya na, maliligo na kami. Baka malate kami, sabi ni Ms. Williams yung head namin baka daw mapromote ako next month.] Ani Rachelle.



[Ang galing talaga ng mga kaibigan ko. Congrats!] Sabi ko.



Nang binaba na ang tawag ay natulog ako dahil sa pagod. Mag ooff na ako sa work simula bukas, para makapag pahinga bago ang kasal. Pag gising ko ay nasa Parañaque na kami at malapit na sa shop na pupuntahan namin.



"Let's go, babe." Ani Mikko.



Nang makapasok kami sa shop ay namangha ako sa mga bagong designs na nakadisplay sa side. Ang galing talaga, yung design nya para sa kin ay kakaiba at ako palang ang ginawan nya ng ganoon.



I'm inlove with my TeacherWhere stories live. Discover now