Chapter 21

88 7 0
                                    


Nabigla ako sa taong nasa harapan ko..

"Mikko??!" Gulat na gulat ako. Bakit sya andito?

Anong ginagawa nya dito?

"Hey, Faith!!" Sabi niya at niyakap nya ako ng mahigpit.

"W-wait. What are you doing here? Diba nasa Pilipinas ka?" Sabi ko habang sinusubukang isipin bakit nga ba sya andito? 

"Kung nasa Pilipinas lang ako, wala ako ngayon dito sa harap mo." Sabi nya ng may halong pang-aasar.

Tama nga naman sya.

Teka nga..

"Usong magpaliwanag, mister!" Kalmadong sabi ko.

"Okay, sinundan kita dito kase hindi ko na kaya na nakakausap ka lang araw araw sa phone at ni hindi ko man lang mahawakan o mayakap yung kausap ko. Sobrang hirap, Faith. Iniisip ko kung anong ginagawa mo kapag di kita kausap." Aniya na may halong lungkot sa mga mata.

Para akong napako sa kinatatayuan ko at hindi man lang ako makagalaw sa mga sinabi nya. 

"O-okay" yun nalang ang tanging lumabas sa bibig ko.

Tinulungan ko syang mag ayos ng gamit nya habang sya ay nagkukwento.

"Nakakuha ako ng visa for 3 months. I want to spend my 3 months here with you." Sabi niya

Tinago ko ang ngiti ko sa kanya. Ayokong ipakitang kinikilig ako sa sinabi nya.

Pagkatapos naming mag ayos ng gamit nya ay natulog na kami. Syempre sa couch sya at ako sa kama. Kahit na wala sina tita at papa dito ayoko naman abusihin ang tiwalang binigay nila sakin.

May klase ako bukas pero half day lang may laboratory works lang ako. Kaya agad kong mababalikan si Mikko dito.

Pag tunog ng alarm clock ko ay tumayo na ako. 6am na. Pagtingin ko sa couch wala si Mikko kaya naisipan kong silipin sya sa baba. Nakita ko syang nagluluto ng breakfast sa may kitchen at naka apron lang sya, wala syang damit pang itaas. Napatingin ako sa likod nyang pawis at black shorts lang syang hanggang tuhod.

Nang mapansin nyang nasa likuran nya ako ay agad syang humarap.

"Good morning. Nagluto na pala ako ng breakfast mo. May pasok ka diba?" Sabi nya nang nakangiti.

Bakit ba alam nya ang address ko dito?

"Mik, paano mo pala nalaman na dito na ako nakatira sa apartment?" Tanong ko.

"Sinabi ni tita mo sakin. Alam nyang i-susurprise kita. Alam din nila Aya." Sabi niya habang kumakain.

Teka? Tita? Tita ko? Talaga ba? Buti pumayag yon? Kakausapin ko nga mamaya si tita.

"Planado huh" Sabi ko at inirapan sya.

Pagtapos kong kumain ay dumiretso na ako sa bathroom at naligo na. Susunduin ako ni Darren dito dahil lagi naman din kaming sabay pumapasok.

Oo nga pala, sabay kaming papasok? Edi makikita sya ni Mikko? Edi magkikita sila ni Mikko? Sana lang hindi magalit si Mikko.

Nang makapagbihis na ako ay dumiretso na ako sa sala kung saan naroon si Mikko at nanonood ng tv. Umupo muna ako sa tabi nya habang naghihintay mag 8am dahil 8:30 pa naman ang pasok namin.

"Mik, ano kase.. hmm" Nauutal akong kausapin sya

"Ano? Bakit parang may kasalanan ka naman?" Pagtawa nya

Parang ewan. Tapos magagalit pag nalaman.

"Susunduin kasi ako ni Darren dito, actually araw-araw." Sabi ko

"Okay lang naman e. Wala namang ibang ibig sabihin 'yon diba?" Pagpapaliwanag nya.

Buti nalang at ganoon ang naging reaksyon nya.

Nang marinig ko na ang pag busina ni Darren ay lumabas ako at sumunod din naman si Mikko sakin sa labas.

Nang makita ni Darren si Mikko at nagulat sya.

"Hi, bro. I'm Mikko, Faith's boyfriend" at nakipag kamay sya kay Darren.

Huh?!! Ano?? Boyfriend ko? Sya? Kailan? Bakit sya lang ang may alam? Bakit hindi ko alam? Sinagot ko ba sya habang tulog ako? Nanaginip ba sya na kami na?

Napatingin ako kay Mikko at nakatingin din sya sakin na parang pinapahiwatig na makisama ako sa sinabi nya kay Darren.

"Uh-oo. I mean, yes, Darren." Pagsunod ko kay Mikko.

Nagkatinginan pa silang dalawa nang maisipan kong yayain ng umalis si Darren.

"Mik, we need to go. Dyan ka lang ha, magluto kanalang or magpadeliver kana lang pag nagutom ka okay." Pagpayo ko sa kanya bago umalis.

"Okay, love." yun nalang ang sinabi nya at umalis na kami.

Tahimik ang byahe papuntang school nang magsalita si Darren.

"Faith? Do you want to say something?" Curious na tanong ni Darren

Alam ko naman na tatanong nya sakin yun e.

"Darren, you already know that Mikko is courting me, right?" Kabadong tanong ko sa kanya.

"Well, yes but I mean you know, I wasn't prepared to meet him a while ago." Pag aalinlangan nyang sinabi.

"Why?" I asked.

"Nothing. Forget about it." Sabi nya at hindi na ako nagtanong pa.

Pagkadating namin sa Wesley ay tuloy tuloy lang sya at parang wala syang kasama. Hindi rin sya nag paalam sakin na papasok na sya. Anong problema non?

Pumasok nalang din ako sa klase ko.

Nag tingin tingin lang kami ng mga bacteria at pagtapos non ay agad din kaming dinismiss ng prof. Pinag notes nya lang din kami tungkol sa Anatomy and Physiology.

Halos maglunch na ng matapos kami. Lumabas ako at pumunta sa canteen, bumili lang ako ng cookies. Hinintay ko si Darren hanggang mag lunch na pero hindi sya pumunta. Kaya naisipan ko syang tawagan.

[Calling Darren Taylor]

Hindi sya sumasagot kahit ilang beses ko syang tawagan kaya umuwi nalang akong mag isa. Nag bus ako pauwi at nilakad ko nalang nang tumawid ako ng daan.

Tinawagan ko din si tita.

[Tita, bakit sinabi nyo po kay Mikko kung saan ako nakatira ngayon?] tanong ko

[Anak, sabi kasi nya ay i-susurprise ka daw nya. Bakit hindi mo ba nagustuhan?]

Nagustuhan ko naman syempre.

[Nagustuhan po tita kaso pabigla bigla po. Gabi pa nga po e. Nabigla lang po talaga ako.] Pagpapaliwanag ko kay tita.

[Basta nak, wag gagawa ng mali ha? Know your limits. Osya na may work pa ako. Ingat kayo. If you need something, just call me.]

[Okay tita, Thank you po.]

Pagdating ko sa bahay ay tulog si Mikko. Pagod siguro to sa byahe kahapon tapos maaga pa nagising para ipagluto ako.

Nilagay ko muna ang mga gamit ko sa isang upuan bago umupo sa tabi ng kama. Pinagmasdan ko si Mikko. Ang gwapo naman ng "boyfriend" ko?

Ang tangos ng ilong nya. Yung kilay nya makapal din at ang mga mata nyang singkit sa dulo pero malaki sa gitna. Yung lips nyang manipis pero pulang pula. Wow kissable ka ghorl? charot. Grabe lang pala talaga sya kaya madami dami din ang nag kakagusto sa kanya sa Pilipinas. Paano pa kaya pag lumabas sya dito?

Habang pinagmamasdan ko sya ay nakangiti ako. Nakikita ko ang future ko na kasama ang lalaking 'to. Hay, Lord, thank You po.

Dahil sa matagal kong pagtitig sakanya at hindi ko napansin na gising na pala sya.

"Masarap ba akong titigan, baby?"

I'm inlove with my TeacherWhere stories live. Discover now