Chapter 11

122 8 0
                                    

Hindi ko alam paano haharap sa mga magulang nya basta ang alam ko lang kailangan lang magpakatotoo. Nakokonsensya ako dahil hindi ko pinakinggan si Mikko at nagtiwala agad ako sa nakita lang ni Jake na hindi naman talaga nya alam.

"You okay?" Ani Mikko

"Yup, I'm okay"

Malapit na daw kami sa bahay nila. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Nang makarating kami sa bahay nila ay agad nya akong pinagbuksan ng pinto sa Vios nya at pumasok kami sa may katamtamang laki ng bahay. Kulay blue at simple lang yung mga bahay na tipo ko.

"Oh Mik, sya naba?" Ani ng babaeng nasa early 50s siguro. Sa tingin ko ay mama ni Mikko.

"Oo ma. Sya na, si Faith nga po pala."

"Hello po. Faith po" nagmano ako sa mama nya na abot tenga ang kanyang ngiti.

"Hello hija. Kumain naba kayo? Halika pasok kayo sa loob."

Kumakabog pa rin ang puso ko pero nang hawakan ni Mikko ang kamay ko ay napawi ang kaba sa aking dibdib. Paano ako nagagawang pakalmahin ng lalaking ito?

Pagkatapos ng dinner ay hinatid na ako ni Mikko sa bahay. Wala si Mama kaya agad na din syang umuwi madami pa din tatapusin sa work nya.

Maganda naman ang pagkikita namin ng mga magulang nya napakabait at si Mikko ay family-oriented talaga.

Matutulog na sana ako nang biglang nagtext si Jake

Jake Arandia

Sorry

Nagreply ako ng mabilis

Ako

Okay lang Jake naiintindihan ko.

Natulog nalang ako nang malaman kong nakauwi na si Mikko.

Pag gising ko sabay kaming pumasok ni Aya. Naghintayan kami sa may 7 Eleven malapit sa School.

"Kamusta kayo ni Mikko?" Ani Aya

"Okay lang. Nagkaintindihan na. Alam mo Ya, natutunan ko lang is wag magtiwala sa sinasabi ng iba at pakinggan kung ano yung side nya. Masyado ako nagpadala kay Jake e."

"Kasi naman Faith, sinabi lang nyang may kasamang babae hindi nyo nga alam kung ano nya nagconclude agad kayo. Pero atleast diba natuto kayo. E si Jake nagsorry ba?"

"Oo nagsorry naman sya"

Tumango si Aya

Pumasok nakami sa School at nagkahiwalay na nang nasa tapat nakami ng room namen. As usual discussion the whole day.

Lunch break nang lapitan ako ni Jake

"Faith, I am really sorry. Sa kagustuhan kong mapunta ka sa kin nakakapagsinungaling ako. Sorry sa lahat. Titigil na ako. Maging masaya sana kayo."

Pagkatapos sabihin ni Jake yun ay umalis na sya. Nabunutan ng tinik yung puso ko. Nakatulong padin pala yon. Atleast natuto si Jake na magparaya at maging masaya para saamin.

1 text message

Mikko

Hi gorgeous, kumain kana? Sobrang busy dito. I miss you

Napangiti ako sa text ni Mikko. Maharot talaga to, nako!

Ako

Hello, kakain palang. I miss you too

Ano kaya yung reaksyon nya? Hay sarap! Ang sarap mainlove. Parang walang katapusan yung pagkakahulog ko kay Mikko.

Nang madismiss ang klase ay nagyaya sina Aya na pumuntang Mcdo para makakain. Wala rin naman kaming usapan ni Mikko na magkikita at baka magtampo na ang aking mga kaibigan sa hindi ko pagsama sakanila nitong mga nakaraang araw.

Pagtapos namin mag order ay umupo nakami. Nagkukwentuhan habang kumakain nang may lumapit na isang taong napakalapit sa puso ko noon..

"Hi Faith!" Sabi ng Ex kong si Kiel

Nabigla ako at walang kahit na anong salita ang gustong lumabas sa bibig ko. Napaka kapal ng mukha nya para magpakita sa akin at makangiti sa harap ko. Wala nabang kahit konting hiya ang natira sakanya?

Kumunot ang noo ko at pinasadahan sya ng masamang tingin. Hinawakan ni Aya ang kamay ko dahil alam nya kung ano ang ginawa ng lalaking ito.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig kong tanong sakanya.

"Faith, hindi ko alam paano ka cocontactkin. Hindi ko alam paano ka puntahan o kausapin man lang. Kaya nang makita kita kanina naglakas loob na akong lapitan ka para makausap man lang—"

"Usap? Naririnig mo ba ang sarili mo?" Napatayo na ako sa kinauupuan ko. "Ang kapal ng mukha mo ha?"

"Faith, Im sorry. Pinagsisihan ko na yun. Sorry talaga."

"Ano? Yung mahuli kang nakapatong sa kaibigan ko? Kay Faye?" Pabulong kong sinabi para hindi naman sya mapahiya sa mga ibang taong nandito.

"Ahh guys upo muna kayo ha. Dito kayo, nakakahiya kasi sa iba baka mapag usapan kayo. Dito kayo mag uusap lilipat kami ng mesa." Ani Aya

Umalis sila at hinayaan kami dito.

"Faith, I still love you. I'm still inlove with you. Hindi nagbago yon kahit isang taon na ang nakakalipas."

Tumulo ang luha sa aking mga mata. Ngayon pa? Ngayon pang masaya na ako?

Isang taon na ang nakakalipas mula nung maghiwalay kami. Dahil birthday nya, nagplano akong surpresahin sya sa apartment nya. May dala akong cake at mga balloons. Naiwan ang mga sapatos nya sa labas at may isang heels na nandoon na hula ko ay sa ate nya. Nang papunta ako sa kwarto ay may narinig akong ungol ng babae...

"Kiel ahh—"

Pagbukas ko ng pinto ay naroroon si Kiel at Faye. Hubo't hubad. Ni hindi ko alam paano ako aalis sa kinatatayuan ko. Pero nang tumakbo sa akin si Kiel at niyakap ako kay nanlambot ang mga tuhod ko. Hindi ko magawang sampalin o sabunutan man si Faye dahil kaibigan ko sya. Nagtaksil sya pero kaibigan ko pa din. Ganun ako katanga na hindi ko magawang magalit sakanya. Inalis ko ang mga kamay ni Kiel sa aking baywang at umalis nalang kahit sinisigaw pa nya ang pangalan ko.

Ilang beses din syang nagsorry. Hindi alam ng mama ko na meron na kaming relasyon non ni Kiel pero botong boto ang nanay ko sakanya. Yun na ang huli namin pagkikita ni Kiel. At nabalitaan ko nalang si Faye ay nagpunta na sa ibang bansa.

"Ngayon pang masaya na ako, Kiel?"

"Alam ko pero kaya kong maghintay. Alam ko Faith, galit ka padin sa kin. Alam kong may iba kana. Pero itatapon mo nalang ba lahat ng iyon?"

Naririnig nya ba ang mga salitang lumalabas sa bibig nya? Parang ako pa ang nagsayang at nagloko.

"Kiel? Paano mo nasasabi lahat ng iyan? Parang ako pa ang nagtatapon ng lahat ah. Hindi ba't ay ikaw? Sino ba sa atin ang nagloko? Sino ba sa atin ang nagsayang? Tapos sasabihin mo sa harapan ko yan? Ikaw tatanungin kita ha, may natitira kapa bang hiya dyan sa katawan mo? Kase kung meron pa makakaalis kana sa harapan ko."

Tumulo ang luha ko at hinayaan syang umalis sa harap ko.

Lumapit na sina Aya at Rachelle para yakapin ako at para tumigil na ang pag hikbi ko.

Dahil sa pag alala sa nakaraan ay parang nabasag nanaman ako. Hindi ko alam saan ako nagkulang. Dahil hindi ko ba mabigay ang pangangailangan nya kaya hinanap nya sa iba?

I'm inlove with my TeacherWhere stories live. Discover now