Chapter 5

199 7 0
                                    

Umpisa na ng Summer Vacation, sobrang tahimik para bang mabibingi kana sa sobrang katahimikan ng paligid. Uuwi nga pala kaming Manila mamaya. Parang ang lungkot ngayon, tinitignan ko mga memories kasama sya. Ang saya pala namin noon. Ngayon 2 araw na syang hindi nagrereply ni hindi ko alam ano bang dahilan lang ng to.

Habang nasa byahe tinry ko syang i-chat.

Faith Bernardo

Hi sir? How are you? Di kana nagparamdam :)

Hoping na magreply man sya kahit "okay lang" pero wala. Wala akong natanggap na reply hanggang sa makarating nakami sa Mandaluyong. Dito muna kami titira habang bakasyon sa tita ko.

Nag try ulit akong mag chat after 5 hours. Eto na yun, eto na yung pagkakataon na pwede kong masabi lahat sakanya. Lahat ng nararamdaman ko, hindi na rin naman kami magkikita.

Faith Bernardo

Hindi ko alam paano uumpisahan pero ang alam ko lang nag umpisa dun sa hindi kita gaanong gustong pansinin pero dumating ang araw na gusto ko lagi kitang nakikita. Lagi kang nasa paningin ko. Alam kong mali, pero nahulog ako sayo hindi ko alam kelan hindi ko alam paano. Basta naramdaman ko nalang. Siguro ganun talaga. Im not expecting anything from you. I just want you to know how much i like you. How much you mean to me. Mag iingat ka lagi. :)

Nabigla ako ng i-seen nya agad. At mas lalo akong nanginig nang mag umpisa na syang mag type. Eto na, kinakabahan na ako. Pinatay ko muna phone ko. Pero tumunog na ang notification at nakita ko na nga ang pangalan nya. Kaagad kong binuksan ito.

Naluluha ako ng makita ko ang message nya. Parang binasag, winasak o ano paman ang nangyari sa puso ko. Naramdaman ko na ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Napuno na din ng mga luha ang screen ng phone ko. Bakit? Bat ang sakit? Is this normal?

Mikko Buenaventura

Faith, hindi sa sinasabi kong ayaw kita. Kasi hindi naman. May nakakasama na akong lumalabas ngayon. Ayoko rin kasing magsabi ng tapos. Baka malay mo in the near future biglang boom, meron pala diba. Sorry pero im out of words nabigla ako sa mga sinabi mo. Akala ko ba may Jacob ba yun?

So iniisip nya pala talaga nakakatext ko yung si Jacob? Pambihira naman kasi Angelica e!

Faith Bernardo

No, he's my friend. Tinry nyang manligaw pero hindi ako pumayag.

Mikko Buenaventura

Oh i see, osige Faith. Mag iingat ka lagi ha? Mauuna na muna ako.

Faith Bernardo

Okay. Ingat ka

Paglipas ng 2 buwan. Hindi na kami nag uusap ni Mikko, Sir Mikko. Medyo nagiging okay na din ako. Wala ng inis. Sana mahanap nya na dun sa girl na sinabi nya lahat ng gusto nya. Si Jacob pala tinry nya ulit manligaw. Eto, andito pa din kami sa ligawan stage. Ayokong magpadalos dalos. Ayokong makasakit, ayokong masaktan. Pag sinabi mo na yung Yes, committed kana. Wala ng bawian.

Hindi kami araw araw magkausap. Ayoko yung ganon. Ayoko yung tipong agad kang magsasawa. I'm not saying na nakakasawa pero kasi syempre hindi pa naman kayo. Okay na yung update update lang. Para lang hindi nag aalala. Nakita ko kay Jacob yung sincerity nya. Well, pareho kami ng faith kilala din sya ng parents ko. Kilala ako ng parents nya. Pero, will kaya ni Lord? Dun ako nagdedepende.

Minsan kasi kaya tayo nasasaktan kasi, tayo yung gumagawa ng sarili nating love story. Sakit pero totoo.

Lumipas ang 8 buwan ganun pa din naman walang nagbago. Naniniwala kasi ako sa gitna ng paghihintay may proseso at may blessing don. Nasa school ako at hinihintay si Aya sa matapos ang last subject nya. Grade 11 na pala kami ngayon. Tapos na din First Semester. Sobrang chill lang ng First Sem para sakin. Ngayon, nagkapalit kami ng subject ni Aya. Ang hihirap ng mga subject nila. GAS pala ako at STEM sya. Hindi ko pa din kasi alam anong kukunin kong course for college. Gusto kong mag Teacher or Medical Technology.

I'm inlove with my TeacherOnde as histórias ganham vida. Descobre agora