Chapter 30

102 7 0
                                    


Pag pasok ko sa room ng mga tuturuan ni Sir Reymond ay parang wala akong gana dahil sa gulo ng mga boys. Nagbabatuhan, nagmumurahan, nag aaway, nagpaprankahan at iba pa. May mga iba naman mga babae na nagm-make up, nagpapaganda at kahit ano pa. Noong nakita akong pumasok ng mga babae ay umayos agad sila ng upo.


"Aba bago yan ah, biglang nag ayos ha." Ani Sir Reymond kaya bigla akong natawa.


"Good afternoon class, This is Sir Mikko. Our Student Teacher." Pagpapatuloy ni Sir Reymond.


Nakuha ng atensyon ko ang isang babaeng natutulog sa may sulok. Napagising lang sya ng banggitin ni Sir Reymond yung pangalan ko. Ang gulo pa ng buhok nya, walang ka-ayos ayos pero hindi ko maitatangging maganda sya.


Nang magdiscuss ako ay tinawag ko sya pero mali ang nasagot nya. Nakita kong kinalabit sya ng kaibigan nya dahil napaghalataan na may pagka lutang siguro sya ngayon. Ano naman kaya ang iniisip nya?


Pagkatapos ng isang linggo ay may nakita akong isang new friend request. Hindi na ako nagulat ng si Faith Bernardo ang lumabas. Mag sesend din naman sana ako ng friend request naunahan lang nya ako. Pero ikinagulat ko ang pag sesend nya ng message.


Faith Bernardo:
Hi sir, ano po gagawin bukas?

Mikko Buenaventura:
Ahh discussion lang tas siguro short quiz lang.

Faith Bernardo:
Ah sige po thankyou

Mikko Buenaventura:
You're welcome. Okay lang ba na kapag may announcement ikaw nalang chat ko para update mga classmates mo?


Hindi ko maipagkakaila na medyo kinilig ako dahil nakausap ko sya.

Faith Bernardo:
Sure sir, thankyou po ulit.

Mikko Buenaventura:
Okay, see you tomorrow!


Lumipas pa ang ilang linggo, napapansin ko si Faith na medyo nawawala sya sa mood tuwing lumalapit sakin si Jasmine at ang mga iba pa nyang kaklaseng babae.


May isang araw na nagtama ang tingin naming dalawa at bigla syang umiwas. Napapansin ko na talagang sinusubukan nya akong iwasan pero dahil gusto ko syang inaasar at natutuwa ako tuwing nagseselos sya ay nginingitian ko pa sya. Hindi ko alam ano ba itong nararamdaman ko kung paghanga lang ba o natutuwa ako sakanya o gusto ko na sya. Alam ko naman na kung magugustuhan ko sya ngayon ay hindi pwede.


Pagdating ng huwebes pagkakita nya sakin ay agad nya akong kinausap.


"Huwag ka agad aalis, Sir."


"Oh bakit?" Sagot ko. Nagtataka kung bakit ayaw nya ako agad paalisin.


"Wala lang po, may iaabot lang." Tapos tumango nalang din ako.


Pagtapos ng klase ay nilapitan ko sya at tinanong kung anong ibibigay nya at binigay nya sakin ang isang jar na puno ng letters.


Nagpasalamat ako pero hindi ko pinakitang tuwang tuwa ako dahil nakatanggap ako ng munting regalo galing kay Faith. Unti unti na akong umaasa na baka pwede ko syang magustuhan pero bumabalik din ako dun sa baka naappreciate nya lang ako o baka sweet lang talaga sya sa mga teacher nya.


Nakita ko silang magkakaibigan palabas ng campus napansin ko na malalim ang iniisip ni Faith kaya ko sya nilapitan. Sinubukan kong magbiro pero hindi sya tumawa. Sinipa pa nya si Angelica.


Nang magsimula ang klase ay pinatakbo ni Sir Reymond ang mga estudyante nya ngunit nakita kong namutla si Faith at bigla nalang napahiga sa sahig kaya dali dali akong lumapit at dinala sya clinic. Kinabahan ako dahil ngayon ko lang sya nakitang nagka ganon.


I'm inlove with my TeacherWhere stories live. Discover now