Chapter 2

325 12 0
                                    

Nagdaan ang mga araw nagiging sweet kami ni Sir Mikko sa isa't isa pero hindi ko naman talaga gustong bigyan ng meaning lahat ng yon. Para lang sigurong kaibigan ang turingan namin. Sa panahon ngayon kapag umasa ka bandang huli talo ka at ikaw ang masasaktan.

Wala kaming subject kay Sir Mikko ngayon kaya nananahimik lang ako sa room ng biglang pumasok si Angelica sa room at "Hoy! Tumayo ka dyan samahan moko sa baba!" Aniya.

"Bakit anong gagawin natin dun?"

"May ibibigay lang ako sa crush ko."

"Angelica naman e, andun si Sir Mikko."

"Oh ano ngayon? Ayaw mo nun makikita mo sya?"

At dahil sa kakulitan nya ay napilit din nya akong bumaba. Tama ang hinala ko at kumpleto ang mga Student Teacher dito sa gazebo ng school. Ayoko pa sanang lumapit ng hinila ako ni Angelica.

"Sir gusto ka daw makita ni Faith." Aniya.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Angelica. Ako????? Halos ayoko ngang lumabas ng room ah??? Wala na akong nagawa at nag smile nalang kay Sir Mikko.

"Ako rin naman gusto ko syang makita e."

Mahina lang ang pagkasabi hindi narinig ng mga ibang Student Teacher pero ako??? Dinig na dinig ko ang sinabi nya. Tumingin ako sa ibang Student Teacher para hindi makita ni Sir ang namumula kong pisngi. Ayokong ipahalatang narinig ko iyon.

"Magtatime na, hindi pa ba kayo papasok Faith?" Sabi ni Sir Mikko

"Papasok na rin po nyan, sinamahan ko lang po talaga si Angelica."

"Ah ganun ba oh bilisan nyo na dyan"

"Sir mano po pala."

"Ay ay ay anong mano?"

Natawa nalang din si Sir Mikko at hindi nya binigay ang kamay nya dahil bata pa daw sya at hindi pa naman ganun katanda para magmano. Papunta nakami sa elevator para makapanik na sa room namin. Dahil siguradong masungit nanaman si Ma'am Gamboa pagpasok. Lagi naman masungit yun e parang araw araw dinadatnan.

Sa loob ng 2 oras parang kinakantahan ako ng lullabies kaya inantok ako. Kinalabit nalang ako ni Aya para makipagkwentuhan.

"Hoy Faith, ano ng namamagitan sayo ng student teacher na yon ha?" Aniya.

"Wala naman, bakit mo naman natanong?"

"Wala napapansin ko lang kasi sa mga tingin nya sayo minsan. Tska duh, sayo lang sya close kahit pinapansin nya lahat ng mga kaklasi naten."

"Nako Aya, wag mong dagdagan mga iniisip ko. Ni Hindi ko nga alam kung papaano sasabihin kay Jacob na hindi kami pwede e. Tas mag iisip pa ako tungkol dyan sa sinasabi mo."

"E totoo naman e, tingin ko gusto ka din nun."

"Malabo."

Tumahimik nalang din sya dahil tumingin ng masama sa amin si Ma'am Gamboa. Ng matapos ang oras nya sa amin ay nag dismiss na din kami. Pauwi na kami ni Aya at Rachelle at naglalakad sa Blvd ng School. Nakayuko ako habang naglalakad dahil iniisip ko si Jacob. Gusto ko sya noon, pero nawawala. Hindi naman dahil sa nakukuha ni Sir Mikko at atensyon ko pero dahil sa hindi pa ako handa sa mga ganyang bagay. Siniko ako ni Aya at pagtingin ko sa harapan ay nasa harap ko si Sir Mikko.

"Baka mabunggo ka nyan."

"Muntik na nga e."

At nagtawanan lahat.

"Lalim ng iniisip ng kaibigan nyo, baka malunod ha."

"Nako Sir, ewan ko ba hindi ka naman ganun kalalim pero kung makapag isip parang nalulunod na sya." Sabi ni Rachelle

Sinipa ko ng mahina si Rachelle at nag fake smile nalang sakanya. Sira ulo talaga to paminsan e. Pero buti nalang at tinawanan lang sya ni Sir Mikko.

"Sige sir una na po kami. Mahirap po kasi jeep ng ganitong oras."

"Osige. Mag iingat kayo ha."

Tumango lang ako at naghighfive kami. Napaka natural nalang namin kung mag usap ng ganun. Hindi ko alam pero siguro ay nasanay nalang din sya sa mga biro ng mga kaibigan ko. Gusto ko pa sana sya makausap ng matagal pero alam kong hindi naman pwede yun. Aminado ako, kapag kasama at kausap ko na si Sir Mikko nakakalimutan ko lahat. Parang nagkakaroon kami ng sariling mundo. Ng makasakay kami ng jeep. Tulala pa din ako. Alam ko kahit anong sabihin ko kay Jacob ay masasaktan pa din sya.

Saturday ng umaga at tumayo ako agad. Maliligo at pupunta na ng church. May ministry din kasi ako dito nag usher ako. Mula 11am hanggang 7pm ay nandito ako sa church. Ng makarating ako sa church nadatnan ko ang iilan na nasa gazebo ng church at nag uusap usap kung sino ang magseserve ngayon. Napansin ko ang oras 11:30am na pala at isang oras nalang ay andito na din si Jacob. Parang hindi naman ata tama yung lugar para sabihin sakanya ang tunay kong nararamdaman. Alam kong wala kaming label pero gusto kong linawin sakanya na parang kapatid ko lang talaga sya. Oo noon maaaring hindi pero ngayon sigurado na akong hindi na mag ggrow pa ang nararamdaman ko sakanya.

Ng mag umpisa ang youth gig ay magkatabi kami at pinagdasal na kung ano man ang plano ng Panginoon ay yun nalang ang matupad. Pagkatapos ng church ay nagkaroon pa kami ng pagtitipon at nagbahagi ng mga masasayang nangyari buong linggo. At pagkatapos ay umuwi na rin ako. Hindi ko din sya kinausap dahil naisip ko hindi pa din ako handa na iwasan nya.

Monday nanaman bukas. Oo nga pala, subject ni Sir Mikko ng 10am-12noon. Napangiti ako ng konti. Bakit ganito? Parang may ground akong nararamdaman sa puso ko tuwing naiisip ko si Sir Mikko.

Pagpasok ko ng school sinalubong ako ni Rachelle.

"Hoy ang aga mo ah?"

"Wala trip ko lang pumasok ng maaga ngayon."

"Baka naman trip mo lang maagang hanapin si Sir Mikko."

"Hoy manahimik ka Rache ha! Hindi yun."

"Kita ko palang sya kanina dyan sa gazebo tinanong ka nga e."

"Hoy totooooo??? Ansabi?"

"Oh kita mo!!"

Nahuli ako don ah. Akala ko talaga totoo. Nakasimangot akong pumasok ng classroom at hinintay ang time ni Sir Mikko. Nagdiscuss lang sya patungkol sa Contemporary Arts at Traditional Arts.

"So class, next meeting mag cacanvass painting tayo ha. Dalhin nyo yung mga gamit na sinabi ko last meeting."

"Okay po sir"

Napansin ata ni Sir Mikko na wala ako masyadong gana kaya nilapitan nya ko.

"Uy Faith, okay ka lang ba?"

"Ahh opo, medyo masakit lang po pakiramdam ko."

"Hay sa panahon kasi e. Inom ka ng gamot hingi ka mamaya sa clinic."

"Sige po sir thankyou."

Nanghihina talaga ako ngayong araw. Paglabas ni Sir Mikko lumabas din ako ng room para humingi ng gamot ng bigla akong mag black out. Narinig ko ang pagsigaw ni Aya at paglapit ni Sir Mikko na tinatawag ang pangalan ko.

I'm inlove with my TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon