Chapter 22

82 6 0
                                    


Agad akong tumayo at nag aral nalang. Hay, bakit ko ba kasi sya tinitigan? Nakakahiya tuloy. Nahuli pa nya ako.

Tawa pa rin ng tawa si Mikko parang tanga. Enjoy na enjoy naman dun sa paninitig ko sa kanya.

Nang maghapunan ay sabay lang kaming kumain at pinag usapan lang kung anong nangyari sa school ngayon. Kinamusta ko din yung trabaho nya sa Pilipinas, pagbalik nya daw ay may babalikan pa naman syang trabaho kaya hindi na ako nag alala.

Iniiwasan ko din na mapag usapan si Darren, iniisip ko pa din anong nangyari sa kanya bakit ganoon sya kanina. Siguro ay may dahilan naman sya, alam ko naman na sasabihin din nya sa akin pag maayos na pakiramdam nya. Sana lang ay mali ang iniisip ko.

Lumipas ang isang linggo ay hindi na ako sinusundo ni Darren sa apartment pero kapag nagkikita naman kami sa school ay binabati naman nya ako but he's acting weird lang talaga.

Sunday ngayon at naisipan namin ni Mikko na bumisita kay tita at pumunta church para na rin makapag pasalamat, kumain na din kami sa isang Italian restaurant sa Williamstown, treat daw ni tita.

"Alam mo ba, Mikko, 'tong pamangkin ko ay laging sinusundo noon ni Darren o kaya naman ni Jake sa bahay ko noon, noong sakin pa sya nakatira." Ani tita

"Tita naman" pagputol ko sa sinasabi nya.

"Ano kaba naman Faith. Okay lang yon kay Mikko" pagtuloy ni tita sa sinasabi nya.

"Oo nga naman. Ayos lang 'yon. Walang problema sakin." Pagsang ayon pa ni Mikko.

Nagkwentuhan pa sila ni Tita at Mikko habang kumakain nang mapunta nanaman samin ang usapan.

"Kamusta naman ang pagtira ninyo sa iisang bahay?" Pagtatanong ni tita.

"O-okay naman po. Ako po ang naglilinis ng mga kalat ni Faith." Pagrereklamo ni Mikko

Ha??? Wow lang?

"Anong ikaw?" At tinignan ko sya ng masama.

"Bakit? Totoo naman ah?" He chuckled.

"Nako naman anak, ikaw talaga. Nako, Mikko pag pasensyahan mo na 'tong pamangkin ko ha. Busy at pagod lang talaga yan sa school buti nga at hindi na sya tinanggap dun sa in-applyan nyang trabaho sa Brighton." Pagpapaliwanag ni tita.

Oo nga pala, hindi man lang ako tinawagan. Pero patuloy padin akong naghahanap ng trabaho kahit sinusupportahan ni papa ang apartment at gastusin ko sa school. Minsan si tita ay sya na rin ang nagbabayad ng renta.

Pagkatapos naming kumain ay nagbayad na si tita. Paalis na sana kami nang pumasok sa pinto si Darren.

Nagkatitigan sila ni Mikko at pagkatapos titigan ni Darren si Mikko ay tumingin sya sakin.

Siniko din ako ni tita kaya naglakad na kami para batiin si Darren.

"Hi bro" Pagbati ni Mikko

Medyo awkward pero ngumiti din si Darren kay Mikko at sa akin.

"Hello, Auntie, Faith and M-mikko." Awkward syang ngumiti sa amin.

Nagmano pa sya kay tita bago nagsalita. Tinuruan ko din kasi sya kung paano ang nakagawian sa Pilipinas.

"By the way, I need to go. Have a nice day." He smiled at umalis na sya sa harapan namin.

Hinayaan ko nalang din sya dahil halata padin naman ang pag iwas nya sa akin. Nag taxi kami ni Mikko dahil si tita ay didiretso na sa work nya.

Biglang tumawag si Papa nung malapit na kami sa bahay.

[Hello po.] I answered my father

[I have a surprise for you, my baby] Excited nyang sabi.

[Ano po yon pa? Hindi ko naman po birthday e.] Napatingin din si Mikko sakin habang papasok kami ng bahay.

[Look at the red car infront of your apartment.] Sabi ni papa

Napatingin nga ako sa tabi ng taxi at may red car nga doon. Vios, wow? Sakin ba to?

[Pa, sakin po ba to?] I asked habang naiiyak ako

[Yes baby, napag isipan din kasi namin ng mama mo na medyo nahihirapan kana sa pagcocommute mo.]

[Thank you po, pa bawi po ako sa inyo sa mga grades ko. Pakisabi po kay mama thank you din!] Naiyak ako habang niyayakap ako ni Mikko at nakangiti sya.

Tinry kong i-drive ang car habang nasa shotgun seat si Mikko. Marunong ako mag drive dahil tinuruan ako ng mga iba kong kaibigan sa Pilipinas noon.

Nag roadtrip muna kami ni Mikko at sya na muna ang pinagmaneho ko dahil medyo masakit ang paa ko kakatapak sa gas at sa brake.

Nang mag gabi na ay naisipan nanaming umuwi dahil may pasok nanaman bukas. Whole day akong nasa school.

Pag uwi namin ay naligo at tinawagan sina Aya. Mabuti nalang at kumpleto sila ngayon kasama ni Aya si Rachelle at Angelica. Si Angelica kasi ayaw nya laging nakikisama samin. Gusto nya lagi sya mag isa pero masaya naman sya.

Nang mag facetime kami ay una nilang hinanap si Mikko na nagbabasa ng libro sa couch.

[Wow sya talaga una nyong hinanap ha?] Inis na sabi ko sakanila.

[Wag kanang magtampo dyan dahil kinikilig lang kami at magkasama kayo dyan.] Ani Angelica na may pa pikit pikit pa ng mata at kinikilig.

"Hoy, Mikko hanap ka nila"

"Oh bat ka galit?" Paghalakhak ni Mikko

[Sirrrr!! Grabe!! Magkasama na kayo dyan omg!! Wag nyo muna kaming bigyan ng inaanak ha!"] Pag sigaw ni Aya at tumawa naman si Rache at Angel

[Hoy anong inaanak ka dyan!!] Pagsali ko sa usapan nila

[Oo ano ba naman kayo.] Pagtawa ni Mikko [Pero malapit na pagka graduate nya.] at tumingin sakin.

Tinitigan ko sya ng masama.

"Just kidding."

Nag usap pa sila nang makatulog ako. Hindi ko na alam kung sinong nag end ng face time pero pag gising ko ay tulog pa si Mikko. Hindi ko na sya ginising at naligo nako at nagtungo na ng school.

Mabilis lang din naman ang buong araw kaya nang matapos ang klase ay pinuntahan ko muna si Darren. Hindi pa din nya ako kinakausap. Balita ko talo sila dun sa laro nila kaya todo ensayo sya ngayon. Isang oras ko syang pinapanood pero hindi talaga nya ako pinansin. Umalis nalang din ako siguro ay kakausapin naman nya ako sa ibang araw.

Nagtungo na ako sa kotse ko at magdrive na sana ako pauwi nang makatanggap ako ng call kay Jake.

Sinagot ko 'yon nang hindi pinag iisipan baka importante kasi ngayon lang naman ulit sya tumawag pagkatapos nung isang araw.

"F-faith, hija?" Narinig ko ang iyak ng nanay ni Jake habang kinakabahan ako.

"Hello po, tita are you okay? Ano pong nangyari?" Pagtatanong ko

"Iha, Wala na si Jake. P-papunta sana sya sayo. Ang sabi nya k-kailangan nyang mag sorry. Then, may tumawag s-sa akin at sinabing dead on arrival d-daw ang anak k-ko. Naaksidente si Jake, hija"

Nanlamig ang buong katawan ko sa mga narinig ko sa mama ni Jake. Hindi ko ito inaasahan. Hindi ako makagalaw..

Jake?

I'm inlove with my TeacherWhere stories live. Discover now