Chapter 16

97 6 0
                                    

Una kong nireplyan si Kiel..

Ako:

Hi Kiel, Nasa room nako. See you later, wag kana mag alala. Ingat sa pag drive :)

At nireplyan ko din si Mikko

Ako:

Please stop texting me muna, i need to think. Please wag mo muna ako guluhin hayaan mo muna ako makahinga. Thanks

Ilang sandali pa ng discussion ay maagang nag dismiss ang teacher dahil may meeting pa daw sila. Pumunta muna ako sa canteen para makakain, nakaramdam di naman kasi ako ng gutom.

Pagkabili ko ng meal ay naupo na ako sa gilid. Habang kumakain ay may umubo sa likod ko.

"Hmm, can I join you?" Sabi ni Kevin

"Ah yes." Sabi ko at pinaupo sya sa harap ko.

"Bakit ka naman nag iisa?" Sabi nya habang nakatitig sa pagkain nya

"Wala, gusto ko lang mapag isa para makapag isip isip." Then I smiled.

"Ah sorry nakaistorbo ba ako? Kung gusto mo lilipat nalang muna ak—"

"No, its okay. Okay lang naman" I laughed

Pagkatapos namin kumain ay nagkwentuhan nalang muna kami dahil 2 hours pa yung vacant ko at isang oras pa para sa Gen Bio bago ako sunduin ni Kiel.

"Buti wala kang boyfriend?" Kiel asked

Seryoso? Yan pa talaga tatanong nya sa kin ha.

"Hmm. To be honest? Meron na dapat. Kaso nagloko..." sabi ko at napayuko.

"Ahm sorry pero nagloko? I mean what???"

"Yes, wag nalang natin pag usapan."

"Kung ako siguro yon, hindi ko gagawin sayo yun. You're just too pretty." He said

Natawa nalang ako sa sinabi nya. Bolero rin pala to.

"Oh bat ka tumatawa? Totoo naman ah."

"Alam mo ikaw Kevin, tumigil ka ha."

"Hay. Ano nga pala next class mo?"

"Gen Bio, pgn 804 ako nyan."

Ilang sandali pa kaming nag kwentuhan ay napag desisyunan ko ng umakyat at maghintay nalang ng oras dahil may 15 minutes pa bago mag start ang klase. Gusto pa nya akong ihatid pero sabi ko ako nalang. Masyado na akong nakakaabala sa iba

Pagpasok ko sa room ay nandoon sila Jake at mga kaibigan ko tumutugtog.

"Hoy Faith! San ka galing?" Sabi ni Aya

Kasabay noon ay ang pagtingin din ni Jake sa direksyon ko at agad nya din itong iniwas.

"Ah dyan lang sa canteen kumain, kasabay ko si Kevin."

"Omg!! Kayo ni Kev? Hmm I smell —"

"Tumigil ka Aya ha, nakisabay lang yung tao."

At pumunta ako sa tabi ng bintana para makalanghap ng hangin. Nag ear phone nalang din ako para di ko marinig ang ingay nila.

Ilang araw ang nagdaan at malapit na kaming pumuntang Australia. Wala ni isa sa mga kaibigan ko ang nakakaalam. Even Aya and Kiel. Maayos na lahat, passport ko pati mga papers ko. Wala akong balak na sabihin sakanila lalo na kay Mikko.

Huling araw ko sa Pilipinas ngayon at niyaya ko sina Aya na lumabas kasama si Kiel.

Pagdating namin sa Babjip, isang korean resto sa Angeles. Nakita ko si Mikko doon, naghihintay. Nakaramdam ako ng guilt parang hindi ko yata kayang pumunta ng Australia na hindi kami maayos.

Paglapit ko sa kanya ay tumabi ako sakanya. Sa tabi ko naman ay si Aya at sa harap nya si Kiel. Katabi naman ni Kiel ay si Rachelle.

Nag order na ng samgyeopsal sina Aya nang tumunog ang cellphone ko.

Mikko Buenaventura:

Can we talk outside?

Tumayo sya at lumabas. Sumunod nalang din ako, alam kong nakatingin ang mga kaibigan ko sa amin pero wala na akong pakealam. Mamimiss ko ang lalaking sinusundan ko ngayon. Masakit, pero kailangan ko munang abutin ang mga pangarap ko.

"Faith? Kailan mo balak sabihin sa akin?!" Galit ngunit mahina nyang sabi

Paano nya nalaman? Pero eto ba yung pag alis ko?

"A-anong ibig m-mong sabihin?" Pag mamaangan ko.

"Huwag ka ng magkunwaring hindi mo alam, Faith. Bago ako pumunta dito dumaan ako sainyo para sunduin ka. Then nandoon si Tita. Sabi nya lalabas daw kayo kasama nina Aya. So tinext ko si Aya at inimbitahan ako. Kahit ata si Aya di alam na aalis. So ano Faith?"

Natigilan ako sa sinabi ni Mikko. Bakit? Ngayon paba ako mahihirapan? Ngayon paba ako aayaw sa pag alis ko?

"Mikko? I'm so sorry. Hindi ko lang din kasi kayang sabihin sainyo. Hindi ko kayang makitang nahihirapan kayo."

"Bakit?! Pag ba umalis ka ng hindi namin alam tingin mo hindi kami mahihirapan? Mas mahirap yun Faith kung alam mo lang."

"Sorry Mik. Pero kaya hindi ko pinansin kung bakit nandito ka is kase gusto ko na din magkaayos tayo."

Nabigla ako nang makitang umiyak sya.

"God, Faith naman! Kung kailan aalis ka, ni hindi man naten nasulit yung mga panahon na nandito ka."

"Dahil galit pa ako sayo!"

Niyakap nya ako at umiyak.

"I'm sorry. Hindi ko nakitang ganun pala kalaki yung sugat na binigay ko. Sorry dahil nagawa ko 'yon. Sorry dahil ngayon lang tayo nakapag usap. I love you so much baby"

Umiyak na din ako. Paano ko iiwan 'tong lalaking mahal ko.

"Pero Mik, hindi kita inaalisan ng karapatan na makahanap ng iba o magmahal ng iba. 8-10 years ako sa Australia. At matatanggap ko kung may iba kapang makita."

"No! Faith, I'll always wait for you. Hihintayin kita sa CDC sa araw ng pagbalik mo nandoon pa din ako." Sabi nya at muling tumulo ang luha sa mga mata nya.

Mas nahihirapan pala ako.

Pagkatapos namin kumain ay nagpunta kami ni Mikko sa CDC. Nauna ng umuwi sina Kiel at sina Aya. Niyakap ko din ng mahigpit si Kiel at sina Aya. Pero wala pa din silang alam kung bakit. Ang weird nga daw.

Nasa Starbucks CDC kami ni Mikko. Hawak nya lang ang kamay ko buong oras. Ang sakit. Bigla nalang tumulo ang mga traydor kong luha.

"I love you." Sabi ni Mikko ng hindi tumitingin sa akin.

Napapikit nalang ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko basag na basag ang puso ko.

Pagmulat ko nasa airport nakami ng NAIA terminal 3. Kasama si Mikko. Tahimik lang sya sa byahe at nakahilig lang ang ulo nya sa balikat ko.

Nang 15 minutes nalang bago ang flight ko ay niyakap ko si Mama. Alam na rin ni Papa na ngayon ang flight ko.

At niyakap ko na din si Mikko at hinalikan nya ako sa noo kasabay ng pagbigay ng mga luha naming dalawa. I'm sorry baby, I have to do this...

Pagkatapos ko silang tignan ay diretso na akong lumakad at hindi na muling tumingin dahil alam ko pag tumingin ulit ako hindi na ako aalis...

I'm inlove with my TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon