Chapter 10

131 7 0
                                    

Parang napako ako sa kinatatayuan ko. Bakit andito sya?

"A-Anong ginagawa m-mo dito?"

"Ano pa ba? Nag aabang din siguro ng jeep. Sabay na tayo."

"E diba taga Porac ka pa?"

"Hindi may bahay din kami sa isang subdivision dyan."

Hindi na ako sumagot at pinunas ang mga luha ko habang pasakay ng jeep. Ang timing naman ni Jake. Atleast may nakakasama ako ngayon.

"Ah Faith? Bakit ka pala umiiyak?"

Hindi na ako nabigla sa tanong nya dahil alam kong itatanong din naman nya ito.

"Wala, okay lang naman ako pero nasaktan lang kase nangako si Mikko."

"Oh, I see.. Hindi ka nya masusundo tama ba?"

Yung promise nya. Nakakadisappoint pero siguro baka busy lang talaga sya.

"O-Oo"

"Ano ba sabi nya? Kase nakita ko syang dumaan yung sasakyan nya sa side gate at may nakasakay na babae parang teacher din?"

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Parang natuyuan din at may bato sa lalamunan ko. Anong pinagsasabi ni Jake? Busy si Mikko kaya hindi nya ko nasundo. Pero anong babae? Ayaw kong pag isipan nang kahit ano si Mikko. Dahil alam kong may dahilan kung bakit nya din yun nagawa. Pero ayoko din sa lahat ang nagsisinungaling.

"A-anong sabi m-mo?"

Pinipigilan ko ang nagbabadyang luha. Ang mga traydor kong luha.

"I saw him. May babae sa front seat. Maganda, mahaba buhok, maputi. Hindi ko alam kung nakita din ba nya ko pero sa tingin ko hindi. Ano ba sabi sayo?"

Ano bang pinagsasabi ni Jake? Naguguluhan na ako. Hindi ko alam sinong paniniwalaan ko pero sa mga oras at sitwasyong ito ang dapat ko lang paniwalaan ay si Mikko.

"S-sabi nya kasi busy sya at may tatapusin pa yata. You know, teacher duties."

"Malay mo totoo naman busy sya at sinundo lang yung babae na teacher din."

Hindi ko na maiwasang mag overthink. Sinundo? Babae? Bakit wala bang paa yung para sunduin sya?

Hindi ko nalang sinagot si Jake. At malapit na rin naman syang bumaba.

"Una na ako, Faith. Wag kana ulit iiyak ha? Mag iingat ka."

"Sige ingat ka din. Thank you ha?"

Tumango sya at bumaba na.

Pagka uwi ko ng bahay hindi ko chinat o kahit ano man si Mikko. Hahayaan ko sya kung may eexplain sya kahit wala akong itanong ay mag eexplain sya dahil alam nya noong una palang hindi nya dapat sirain ang tiwalang binigay ko sakanya.

Dahil sa relasyon kung pamamahal lang ang meron hindi mag wowork. Love is not enough kailangan kumpleto pa din ang sangkap. Gaya ng pagluluto hindi magiging masarap kung walang lasa.

Nakatulog ako kakahintay sa text nya o explanasyon nya. Hindi ko maisip na makakapag sinungaling si Mikko.

Kinabukasan pauwi ako nang matapos na ang klase. Kasabay ko si Aya at Jake. Hindi ko rin alam bat kasabay kong umuwi si Jake. Wala din kasi ako sa sarili ko the whole day.

Lalabas na sana kami ng school nang humila sa braso ko...

"M-mikko?"

Nabigla ako sa napaka gwapong nilalang sa harapan ko. Pero galit ako. Hindi ito pwede. Hindi nya ko madadaan sa magandang mukha nya.

"Di ba sabi ko susunduin kita ngayon. Kung hindi pa kita nakita maghihintay ako ng matagal? Galit kaba sa akin, Faith?" Mahinahon nyang sinabi.

Oo galit ako. Galit na galit kung saan pwede mo naman sabihin ang totoo pero you lied.

"Nagmamadali ako Mikko" Aalis na sana ako dahil inalis ko ang kamay nya sa braso ko ng hilain nya ulit ako.

"Sir Mikko tama na ayaw kang makausap ni Faith ngayon" Biglang sabi ni Jake.

"Sino kaba ha? Huwag kang makealam dahil usapan namin to. Labas ka dito" Ani Mikko.

Sya pa talaga itong nagagalit e sinamahan na nga ako ni Jake kahapon.

"Tumigil ka nga. Bat ikaw pa itong galit? Sya lang naman yung sumama sa akin kahapong pinaasa mo ako na sinabi mong busy ka at may gagawin samantalang may kasama kang babae na nakaupo sa front seat mo—"

"So nakita mo pala yun  kaya ka ganyan. Well, She's my sister na teacher din. Sinundo ko sya dahil may tatapusin kami for our students."

Nabigla ako sa sinabi nya. Sister?

"S-sister?"

"Yes, Faith. My sister"

"Hindi ko kayo nakita. Mikko, si Jake ang nakakita." Malungkot kong sabi.

"Pare, anong sinabi mo kay Faith? Na babae ko yun tama ba?"

"O-Oo" ani Jake

Hindi sya makatingin ng diretso kay Mikko dahil alam nya sigurong mali ang gatungan o manghimasok sa isang relasyon. Muntikan na akong maniwala sakanya.

"Pero akala ko kase—"

"Girlfriend ko? Babae ko?"

Natigilan si Jake at yumuko nalang.

"Sorry Faith, sorry sir Mikko."

"Sa susunod Jake huwag kang magconclude agad ha. Ayos lang yun pare. Thank you ha? Pero anyway susunduin ko na si Faith."

Ay oo nga pala. Pupunta daw pala kami sa parents nya. At ipapakilala nya ko. Biglang bumilis na parang kabayong tumatalon ang puso ko.

"Sige Jake at Aya, una na kami. Mag iingat kayo."

Tumango silang dalawa at umalis na. Masakit na din kasi ang pakiramdam ni Aya dahil may period sya ngayon.

Habang patungo kami sa sasakyan ni Mikko bigla nya akong inakbayan.

"Sorry nagworry kapa tuloy kung sino ang kasama kong babae."

Ngumiti lang ako. Hindi ko rin alam anong isasagot ko dahil hindi ko sya pinagkatiwalaan.

"Nagcchat din ako sayo at nagttext pero wala akong narereceive na reply mo. I tried to call you din."

Oo nga pala naka airplane mode ang phone ko at hindi pa ako nagonline mula kagabi.

"Ahh hindi kasi ako nag online. Naka-airplane mode din kasi ang phone ko."

"Ayaw mo makita ang mga text ko dahil akala mo nagsisinungaling ako no?"

Tumango ako dahil alam kong tama ang mga sinasabi nyang akala ko nagsisinungaling sya.

"Ayos lang yun Faith, naiintindihan ko."

Pinagbuksan nya ako ng pinto sa front seat at umikot para maka upo sya sa driver's seat.

"Ano Faith? Ready kanabang pakilala kita sa mga magiging bianan mo?" Humalakhak sya.

Natigilan ako. Kumabog nanaman ang puso ko. Bianan? Ikakasal na ba kami. Pambihira talaga itong si Mikko. Nababaliw na

I'm inlove with my TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon