Chapter 12

111 8 0
                                    

Ilang linggo akong walang ganang pumasok at parang natutuliro sa mga nangyari. Hinahayaan nalang ako ni Mikko dahil sinabi kong ayaw ko munang makipag usap kahit kanino. Si Aya lang talaga ang kinakausap ko pati si Rachelle. Sobrang bigat na ng pakiramdam ko at hindi ko na alam paano babanggon sa araw araw na naalala ko lahat. Pati pagkain sa tamang oras ay nakakaligtaan ko na. Ganun parin pala kasakit. Walang nagbago, ni hindi nabawasan ang sakit. Hindi ko na mahal si Kiel, wala na ako kahit anong nararamdaman sakanya kung hindi sakit at galit.

Napatingin nalang ako sa cellphone ko nang tumunog ito...

Mikko:

Hi, its been 3 weeks hindi na tayo nakakapag usap ng maayos. Did you eat your breakfast na? Pumasok kaba ngayon?

Nagreply nalang ako.

Ako:

Hindi pa ako nakakakain, I'm sorry. Ayoko lang na madamay kayo sa nararamdaman ko, sa problema ko.

Mikko:

Paano ako hindi madadamay? Faith? Ang hirap nang iniisip ko kung ano nang nangyayari sayo.

Can we meet? At exactly 4pm? Susunduin kita.

Hindi na ako nakipagtalo at sinabi ko sakanyang nasa bahay lang ako.

Nang mag aalas dos ng hapon ay naligo na ako. Dahil mas maagang pumupunta si Mikko kaysa sa sinabi nyang oras.

Natapos akong mag ayos nang 3:30. Saktong pababa ako sa hagdanan ay may bumusina na sa labas. Si Mikko na siguro ito.

"Hi" si Mikko.

He kissed my forehead.

Everytime na ginagawa nya 'yon, napapawi lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"I missed you, buti pumayag ka ng makipagkita ngayon." Aniya

I smiled.

"Shall we?" Tanong nya habang inooffer ang kamay nya.

Tumango lang ako.

Pinagbuksan nya ako ng pinto sa front seat at umikot sya para makapasok aa driver's seat. Tahimik ang naging buong byahe namen papunta sa Amare.

Pagdating namin doom ay nag order si Mikko ng pasta and pizza.

"How are you?" Si Mikko.

"Hm, Mik kase I saw my —"

"Faith?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa aking likod. Alam na alam ko kung kanino ang malamig na boses na ito.

Humarap ako sakanya nang nakakunot ang aking noo.

"What are you doing here?" Iritadong tanong ko sakanya.

Napatingin ako kay Mikko na nagtataka ang reaksyon nya habang tinitignan si Kiel.

"Can we talk? Please?" Tanong nya.

Lalo lang akong nainis dahil nasa harapan pa kami ng lalaking pinaka mamahal ko.

"Ah Faith? Sino sya?" Nagtatakang tanong ni Mikko.

"Ikaw pare, sino ka ba?" Maangas na sabi ni Kiel

"Manliligaw nya, e ikaw?" Napatayo na rin si Mikko.

"Ex boyfriend ako ni Faith. Pero gagawin ko ang lahat to win her back. Kaya wag kang kukurap baka pag mulat mo ulit na sakin na ulit sya." Ika ni Kiel na sobrang taas ng confidence nyang mapapasakanya akong muli.

I'm inlove with my TeacherWhere stories live. Discover now