Chapter 1

556 19 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Faith's POV

First day ng Second Semester ngayon kaya ganado pa lahat. Sobrang excited na makilala ang mga bagong Student Teacher pero ako wala, hindi naman ako excited sa mga yun. Basta mahalaga sakin mga kaibigan ko na kasama ko sa lahat.

Lunch break na at kumakain kami sa Cafeteria ng school. Mapeh ang susunod na subject namin. Last sem medyo nalito ako sa mga discussion ni Sir Reymond.

At heto na nga 1pm na so papasok nakami sa room. Andito na din kasi si Sir. Buong 30 minutes nagdiscuss si Sir so medyo nabobored ako. 1:30pm ng may pumasok na Student Teacher. Hindi ko sya masyado pinansin yumuko lang ako sa armchair ko. Pero habang nakayuko ako naririnig ko na pinapakilala sya ni Sir Reymond. Sya pala yung magiging Student Teacher namen for the whole semester. Kinalabit ako ni Enrique seatmate ko. Pinapagising daw ako ni Sir Reymond, hindi naman ako tulog nakakabored lang talaga. Tumingin sa kin Student Teacher namin nag smile so I smiled back. Ganun naman sya sa lahat e. Ang pangalan nga pala nya Mikko Buenaventura. Sir Mikko from SEd Department. Graduating sya.

Nagdiscuss si Sir Mikko ng lesson at ng tinawag ako dahil lutang ako iba nasagot ko kaya medyo natawa sya. Cringe diba.

Sabi ni Aya "Hala lutang? Ano iniisip mo si Jacob nanaman?"

"Hindi ah" Sabi ko

Sabi naman ni Aya "Weh? Hanggang kailan ba kasi kayo ganyan. Nako hirap ng walang label ano?"

Napaisip ako dun oo nga, mahirap talaga walang label. Pero will pa rin ni Lord masusunod dito. Not my will but his will.

Lumipas ang isang linggo time nanaman ni Sir Mikko napagmasdan ko sya, wow ang gwapo nya pala parang gumalaw puso ko bilis ng tibok. Ewan ang weird ng naramdaman ko. Kilig na kilig mga kaklase kong babae akala mo talaga! Lalo na tong si Jasmine. May boyfriend na pero kung makakilig kay Sir Mikko napaka pabibo. Naiinis ako pigilan nyo ko!! Charot.

Pagkauwi ko inadd ko sya sa facebook finallow ko din sa instagram at Twitter. Nabigla ako wala pang isang minuto Accepted your friend request na yung fr ko sa fb tapos finallow back din nya ko sa ig at twitter. Just wow.

Tinry ko syang ichat oh wala e. Una unahan lang charot. Hindi about sa acads naman tatanong ko e. So wala naman malisya tska crush ko lang naman e. Ha??????? Crush??? Crush ko si Sir???? Weh??? Ay crush lang naman e.

Faith: Hi sir, ano po gagawin bukas?
Sir Mikko: Ahh discussion lang tas siguro short quiz lang.
Faith: Ah sige po thankyou
Sir Mikko: You're welcome. Okay lang ba na kapag may announcement ikaw nalang chat ko para update mga classmates mo?

Medyo nabigla at kinilig ako dun ha. Eto yun e yung kahit crush mo lang may sabihin lang ng konti kikiligin kana. Nakooo Faithhhhh.

Faith: Sure sir, thankyou po ulit.
Sir Mikko: Okay, see you tomorrow!

Magrereply pa sana ako kaso lowkey lang dapat hahahaha. Baka mapaghalataan.

Dumaan ang mga araw nahuhulog ako sa Student Teacher na yun. Dahil na rin siguro sa mga motibong pinapakita nya. Pero iniisip ko nalang baka ganun talaga sya sa lahat. Ayoko rin kasing umasa lalo na hindi talaga kami pwede at malayo ang age gap namin. Pero paano ko ba to pipigilan e ganito na yung nararamdaman ko? Tska paano na si Jacob? I'm still praying for that man. Lalo na pareho kami ng faith and church.

One day, sabi ko sa mga kaibigan ko tara samahan nyo ko sa Newstar, bilihan yun ng mga school supplies. Tas sabi ni Aya at Rachelle "Oh ano naman gagawin mo dun?" Sabi ko "May bibilhin lang." Kaya sumama nalang din sila. Bumili akong Jar tas mga papel at pang design. Pumunta kame sa bahay ng kaibigan namin na si Angelica, tinulungan nila akong mag gupit ng mga papers at mag fold. Tinanong ako ni Angelica "Ano gagawin mo sa mga yan Faith?" Sabi ko naman "Ihhh hindi ko pa nakuwento sainyo. Si Sir Mikko kase, ewan ih!! Crush ko e." Tapos sabi ni Angelica "Nako, hindi mo na kailangan gumanyan. Pinag daanan ko na lahat yan. Halika't tulungan nalang kita." So ayun buti nalang expert pala tong si Angelica ano. Hahahahaha

Kinabukasan, Thursday. Sabi ko kay Sir Mikko "Huwag ka agad aalis sir." Tas parang nabigla sya. Sabi nya "Oh bakit?" Sabi ko "Wala lang po, may iaabot lang." Tapos tumango nalang din si Sir Mikko.

At tinawag ako ni Sir Mikko bago sya umalis "Ano yung ibibigay mo?" Sabi nya. Inabot ko ang naka paper bag sakanya at bubuksan na sana sya pero pinigilan ko sabi ko sa bahay nalang nya buksan. "Thank you Faith, ang sweet mo talaga." Sabi nya. Medyo namula ang pisngi ko don at nag smile nalang.

Pag uwi ko. Nakita kong may pinost si Sir Mikko sa instagram at nakalagay dun sa papel na "Labyu sir" nahiya ako ng sobra!!! Pero kinilig ako at the same time. Andami din palang nagbigay ng gift sakanya that day. May t shirt pa nga para sa University Days namin e.

Nagchat si Sir Mikko at sabi nya "Thank you ulit, you're the sweetest."

I'm inlove with my TeacherWhere stories live. Discover now