CHAPTER TWELVE

11.6K 270 5
                                    

CHAPTER TWELVE

NAG-IMPROVE ng husto ang pagsasama nina Drix at Via. Tila nawala na ang pader sa gitna nila at maayos na ang pakikitungo nila sa isa't isa. In fact ay mas kumportable na silang magkasama sa loob ng bahay. Nakakapanood na sila ng TV ng sabay at minsan ay sabay pang nanonood ng DVD. Si Drix pa rin ang naghahanda ng breakfast nila at lunch, samantalang si Via naman ang in-charge sa dinner. Lingid pa rin sa kaalaman ng lalake na patuloy ang pagpunta ng dalawang katulong ng Tito Santi niya sa apartment nila para tulungan siya sa gawaing bahay.

Malaki na rin ang tiyan ni Via. Pero kahit maluluwag na blouses ang sinusuot niya, maiikling shorts pa rin ang ginagamit niya. Na laging pinupuna ni Drix.

“Hindi ba't sobrang iksi naman ng suot mo? Baka isipin ng iba e naka-panty ka lang?”

Natatawa na lang si Via kapag nagsasalita ng ganun si Drix. Deep inside ay medyo kinikilig pa siya dahil ibig sabihin- concern ang asawa sa kanya! Kahit papano ay nagkakaroon na siya ng pag-asa that her marriage could actually work. Na puwede siyang maging masaya kahit mali ang proseso ng kanilang pagpapakasal.

“Ito ang uso, ano ka ba. Saka, maganda naman ang legs ko kaya okay lang na magshorts ako no.”

“Ayokong pinagtitinginan ka ng mga lalake sa labas.”

Pasimpleng napangiti si Via- feeling niya ang haba ng buhok niya- abot hanggang Malaysia!

“Hay naku tara na nga. Baka ma-late pa tayo sa sine. Alas dos ang showing di ba?”

Hindi na kumibo si Drix pero halatang masama pa rin ang loob nito dahil sa suot niya. Pagdating sa mall ay agad itong nakaalalay sa kanya. Hawak-hawak nito ang kamay niya habang papasok sa sinehan. Nang makaupo sila ay kaswal itong umakbay sa kanya hanggang sa matapos ang palabas. Conscious na conscious tuloy si Via habang magkasama sila ng lalake. Kahit hindi naman talaga 'normal date' ang ginawa nila dahil nagpasama lang siyang panoorin ang Twilight Breaking Dawn, still, it felt like a romantic date lalo pa't asikasong-asikaso siya ni Drix.

“Buti nalang at pinapanood mo sa akin ang mga naunang Twilight movies sa DVD. At least naintindihan ko ang kuwento kahit papano. Kung hindi, baka nakatulog ako sa mga bampira,” wika ng lalake habang pauwi sila. Ito ang nagda-drive samantalang kampante naman si Via sa passenger's seat.

“Exciting nga e. Saka... nakakatuwa ang story.”

“Bakit ba gustung-gusto mo yun?” medyo natatawang tanong ni Drix. He was in a good mood.

“Nakakakilig lang na dalawang lalake ang in-love sa isang babae.”

“Oo nga, isang bampira at isang werewolf. Kulang nalang, multo para kumpleto ang maligno. Ikaw ba, gusto mo ng ganun? May sapi ang mga nanliligaw?” Napatingin sa kanya si Drix.

“Hindi naman yun ang point no! Ang gusto ko is that....” Iiwas siya sa tingin ni Drix, ibabaling ang atensiyon sa labas ng sasakyan pero magsasalita pa rin. “Lahat ay gagawin ni Edward para kay Bella. Ganun din si Jacob. Ang sarap ng ganung klaseng love.”

Muli siyang mapapatingin kay Drix. Tahimik nang nagda-drive ang lalake, tila may iniisip. Hindi na rin siya kumibo hanggang sa makarating sila sa bahay.

INALALAYAN ni Drix si Via pagbaba ng sasakyan. Ayaw man niyang tahasang aminin pero proud siyang kasama ang babae sa labas-- maganda naman kasi talaga ang asawa niya. At may karapatan nga itong magsuot ng shorts na maikli dahil maganda ang legs. Pero hindi lang talaga niya matanggap na may ibang mga lalakeng nakakakita sa legs ni Via. Hindi naman niya masabi sa babae na gusto niya ay siya lang ang puwedeng tumingin sa legs nito-- baka isipin ni Via na possessive siya. Ayaw naman niyang lumaki ang ulo nito!

“Sana next time habaan mo naman ang suot na shorts. Hindi na talaga magandang tingnan,” pasimpleng wika niya habang papasok sila ng apartment.

“Alangan namang magpajama ako o kaya ay mag-jeans sa labas. Ang init kaya!”

“E di magpalda ka.”

“Ano ako, nag-oopisina? Teacher? Ano ba, hindi ko personality ang nakapalda!” natatawang sagot ni Via. May punto na naman ito kaya iniba na lamang niya ang topic.

“Kakain ka pa ng dinner? Kung hindi na, ihahanda ko na lang ang warm water para sa paa mo para mamasahe ko mamaya.”

“Ifo-foot massage mo ako?” Nagliwanag ng husto ang mukha ng babae.

“Oo. Nabasa ko na mainam ang minamasahe ang paa ng buntis, mas gumaganda ang daloy ng dugo.”

“Aba, hindi ako tatanggi niyan!” Animo'y bata si Via na excited na pumasok sa kuwarto. Magsa-shower na umano ito.

Napapangiting naiwan sa may kusina si Drix. Nag-init na rin siya ng tubig saka inihanda ang lalagyan saka bimpo. Matapos magshower ay umupo na sa sofa si Via.

“Dito na lang tayo ha? May gusto pa akong panoorin sa TV e.”

“Sige.” Inilagay na niya ang mga paa ni Via sa warm water saka kumuha ng mineral oil. Pagbalik ay inumpisahan na niyang masahihin ang paa nito.

“Puwede bang humiga? Bigla akong inantok e.”

“Okay lang. Sige, humiga ka na.” Umupo na rin siya sa sofa at kinalong ang dalawang paa ng babae. Habang nanonood sila ng TV ay patuloy niya itong minasahe. Bigla tuloy niyang naisip- siguro ay kung may makakakita sa kanila- iisiping perfect couple sila. Relaxed at walang problema.

“Alam mo, kung gagawin mo to gabi-gabi, mai-in love na talaga ako sayo,” narinig niyang wika ni Via. Bigla siyang napatingin sa babae! Nakita niyang nakapikit na ang mga mata nito kaya hindi niya alam kung binibiro ba siya o nananaginip na ito.

Ano ba talaga? Pinagmasdan niya si Via. Maamo ang mukha nito at mamula-mula ang mga labi. Natutukso na siyang halikan iyun. Sa halip ay maingat niyang binuhat ang asawa patungo sa kuwarto nito saka ibinaba. Hinalikan niya ito sa noo bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Hindi na niya nakitang nagmulat si Via, saka muling pumikit na bahagyang nakangiti.

The Cavaliers: DRIXWhere stories live. Discover now