CHAPTER ELEVEN

11.3K 281 5
                                    

CHAPTER ELEVEN

“NAGLINIS ka ng bahay?” Tila hindi makapaniwala si Drix nang dumating ito at makitang naiba ang posisyon ng sofa at TV. Mas naging maayos.

Tumango siya at tipid na ngumiti. Salamat kina Dadang at Lena, sa isip niya.

“Akala ko ba hindi ka marunong maglinis?” Tiningnan niya si Drix kung nagdududa ito. Mukha namang hindi. Nagulat lang yata ito talaga. “Well... at least you're improving. Natututo ka na.”

Hinubad ng lalake ang uniform nito saka binitbit ang gamit sa kuwartong ginagamit. Paglabas nito ay naka-shorts na ito at tshirt. Patay-malisya siyang nagpatuloy sa panonood ng TV.

“Nakapagluto ka na rin?” narinig niyang wika ni Drix mula sa kusina. Hindi pa ito nakuntento- pumunta itong sala. “Safe bang kainin yung adobo?”

Inirapan niya ang lalake. “Pinaghirapan kong lutuin yan no!” Well, tinulungan siya nina Dadang- but still- malaking effort ang ginawa niya!

“Araw ba ngayon ng mga himala?” Nagkatinginan sila ni Drix- hindi na niya napigil ang sarili- natawa siya, sabay hagis ng hawak na throw pillow.

Ang lakas ng tawa ni Drix sa ginawa niya.

“Tumayo ka na riyan, ihahanda ko na ang mesa para sabay tayong mag-dinner,” ani Drix na natatawa pa rin.

Hindi na siya nag-inarte. Tumayo na rin siya at tumulong na i-set up ang kusina. Marami silang napag-usapan ni Drix habang kumakain. Marami siyang natuklasan tungkol sa asawa- katulad ng background nito bago pumasok sa military. In fairness ay nag-UP pa pala ang lalake bago nag-PMA kaya natuwa naman siya. Ibig sabihin ay talagang matalino ito.

Mukhang magiging general pa ang daddy mo anak, naisip niya habang kausap si Drix. She couldn't help but feel proud.

Pagkatapos nilang kumain ay pinaupo na siya ni Drix- ito na umano ang magliligpit ng pinagkainan nila. Pinagpahinga na siya nito. For the first time ay naramdaman ni Via ang pagkakaroon ng asawa. And she liked the feeling.

Sana ay lagi kaming ganito, bulong ni Via.

SANA ay laging ganito, napangiti si Drix habang naliligo. Naisip niyang hindi naman pala ganun kasama ang sitwasyon niya. Akala kasi niya noon ay parang katapusan na ng mundo kapag pinakasalan niya si Via. Pero habang nakakasama niya ang babae ay okay naman pala ito. Nakikita niya ang effort nito na matuto ng mga gawaing bahay.

Hindi tuloy niya napigilang mag-imagine kung ano ang magiging anak nila ni Via. Lalake kaya? Babae?

Sana lalake, agad niyang naisip. Kahit ano, basta't anak ko. Bigla siyang na-excite dun. Anak. Magkakaroon na nga talaga siya ng anak. At magiging ama na siya. Sila ni Via ay magiging magulang na. It was surreal... in a good way.

Kinabukasan ay kinausap niya si Via tungkol sa pagpapa-check-up nito sa doctor. Tila nagulat pa ang babae.

“Bakit mo tinatanong kung kelan ang schedule ko sa OB?”

“Siyempre para masamahan kita.”

“Kaya ko namang pumunta dun.”

“Oo nga pero gusto ko rin namang makita kung kumusta ang kalagayan... ng bata.”

“Akala ko ba hindi ka naniniwala na ikaw ang ama?” Hindi naman sarcastic ang tono ni Via- it was more of a tease. “Remember ipapa-DNA pa natin?”

Imbes na mainis ay natawa na lang siya. Hindi na siya nagsalita pa dahil baka magkapikunan pa sila kapag pinatulan niya ang mga pasaring ng asawa.

Eventually ay sinabi din sa kanya ni Via ang schedule nito sa duktor- na the next day pala.

“Next month, malalaman niyo na kung ano ang magiging anak niyo. Kung lalake o babae,” wika ni Dr. Briones.

“Talaga?” hindi niya naitago ang excitement saka napatingin kay Via na noon ay nag-excuse papuntang CR. Bumulong siya sa OB ng asawa. “Doc, sa tingin niyo ba, may possibility na lalake ang anak namin?”

Natawa si Dr. Briones sa kanya. “Like I said, next month, puwede niyo nang malaman.”

“Sorry, excited lang,” natatawa niyang sagot.

“I understand. Ganyan talaga ang mga first-time dads.”

First time dad. Kinilabutan siya dun... in a good way. Parang hindi pa rin siya makapaniwala na magiging ama na nga siya.

“Hindi pa ba tayo aalis? Di ba may duty ka pa?” Hindi namalayan ni Drix na nasa harap na pala niya si Via- at kanina pa nakatingin sa kanya.

“Pasensiya ka na, may iniisip lang ako.”

“Oo nga e. You had that dreamy look in your eyes. Parang ang layo ng inilakbay ng isip mo,” ani Via habang naglalakad sila palabas ng clinic ni Dr. Briones. “Ano ba yun?”

“Wala... naisip ko lang kung sino kaya ang magiging kahawig ng bata. Ikaw ba, hindi mo naiisip yun?”

Hindi agad nakasagot si Via. Tahimik lang itong pumasok sa Land Cruiser. Nasa loob na sila ng sasakyan nang magsalita ito.

“Siyempre naiisip ko rin kung sino ang magiging kahawig niya. Pero kahit naman sino sa atin ang maging kahawig ng baby, okay lang. Ang importante ay normal siya at healthy.”

Na-touched si Drix sa sinabi ni Via. Hindi na niya namalayan na nahawakan na pala niya ang kamay ng babae saka pinisil yun.

“Don't worry, alam kong normal at healthy ang magiging baby natin kasi hindi naman natin siya pababayaan.” He smiled at her. And she smiled back.

The Cavaliers: DRIXWhere stories live. Discover now