CHAPTER THIRTEEN

11.6K 278 2
                                    

CHAPTER THIRTEEN

EVERYTHING'S going well, yun ang alam ni Via. It's like her wish is finally coming true-- ang magkaroon ng isang masayang pamilya. Unti-unting natutupad ang hiling niya dahil nakikita niya ang magagandang qualities ng lalakeng pinakasalan. At ramdam niyang tapat naman si Drix sa pag-aasikaso sa kanya- hindi pumaplastic! But of course, kahit masaya siya, at the back of her mind ay naroroon ang takot. Paano kung magising isang araw si Drix at marealize nitong mali ang desisyon nilang magpakasal?

Dahil pinikot ko lang siya. Ayaw man niyang aminin pero ganun ang nangyari sa kanila. She wanted him to marry her because she was pregnant. Alam naman niyang napilitan lang ang lalake na pakasalan siya.

Paano kung makakita siya ng iba? Ng babaeng talagang mahal niya? May narinig na siya noon na may ibang gusto si Drix-- nasa Maynila. Pero hindi na niya nalaman ang ibang detalye dahil bumalik na sa Cagayan ang lalake at nagpakasal na sila.

Paano kung nagkukunwari lang siyang masaya dahil buntis pa ako? Paano kung makapanganak na ako? Hindi matapos-tapos ang mga naiisip niyang scenario.

But somehow ang mga takot na iyun ay natatabunan kapag nakikita niya ang pag-aasikaso ni Drix sa kanya at kung paano ito nagta-try na maging maayos ang pagsasama nila. Ni hindi nga niya ini-expect na magiging mabuti ito sa kanya. Everything is almost perfect-- except the fact na magkaiba sila ng kuwartong tinutulugan. Other than that, larawan sila ng isang happy couple na naghihintay ng anak.

Napabuntong-hininga si Via. Kesa maubos ang oras niya sa pag-aalala, she decided na bumangon na tutal ay alas-otso na pala ng umaga, ayun sa alarm clock sa side table niya. Paglabas niya ng kuwarto ay agad niyang nabungaran sa mesa ang iPhone ni Drix-- naiwan nito!

Agad niyang kinuha ang cellphone ng asawa at tatawagan na sana ito pero biglang pumasok ang isang text message.

Bok, san ka? Andito si Peachy! Nabasa niya sa screen ang message kahit hindi pa niya naa-unlock ang iPhone ng asawa. Biglang kumabog ang puso niya.

Sinong Peachy? Galing sa isang nag-ngangalang Revo ang text message. Nanginginig na hinawakan ni Via ang iPhone- handa nang buksan at basahin pero bigla niyang narinig ang pagpihit ng door knob! Muntik pa tuloy niyang mabitawan ang cellphone!

“Hi!” bungad ni Drix sa may pinto. “Kumain ka na?”

“Hindi pa.” E si Peachy, kumain na ba? Yun ang gustong idugtong ni Via pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw man niyang aminin pero nagre-rebolusyon ang puso niya sa nabasang text message! Kung bakit kasi nakita pa niya!

“May pagkain na diyan- yung paborito mong Palm Corned Beef, maraming sibuyas saka may patatas. May nilagang itlog din saka kanin sa rice cooker.” Kaswal na nilapitan ni Drix ang iPhone nito na nasa mesa saka kinuha. “Nakalimutan ko pa itong cellphone ko sa sobrang pagmamadali.” Agad na nagbasa ng message ang lalake.

“Oo nga e.” Sino si Peachy, hayup ka! Tumalikod na lang siya sa asawa dahil baka kung ano pa ang masabi niya. “Anong oras ka pala uuwi mamaya?”

The Cavaliers: DRIXWhere stories live. Discover now