EPILOGUE

19.9K 478 45
                                    

EPILOGUE

St. Ignatius Church, Camp Aguinaldo, five months later.

NAGULAT si Drix nang biglang mag-vibrate ang cellphone na nasa bulsa. Agad niyang kinuha yun at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Si Via! Mabilis niyang sinagot ang phone.

“Nasaan ka na? Kanina pa ako nakatayo dito sa may altar!” Napatingin si Drix sa loob ng simbahan. Puno na iyun ng tao- lahat ay naghihintay na mag-umpisa ang kanilang kasal!

“Nandito ako sa labas. I mean.. sa loob ng bridal car pero hindi pa ako bumababa,” narinig niyang wika ni Via.

“Bakit hindi ka pa bumaba? Marami na ang naghihintay.”

“Kinakabahan ako e.”

“Kinakabahan? Bakit, first time mo bang ikasal?” biro niya sa asawa.

“Bakit kasi kelangan pa nating magpakasal sa simbahan e kasal na tayo,” angal ni Via.

“Siyempre gusto kong makita ng lahat na kasal talaga tayo. Saka... di ba gusto mong maranasan ang military wedding? Well, ito na yun.”

Narinig niyang humagikhik si Via sa kabilang linya. Gusto na niyang pagpawisan dahil napansin niyang nakatingin na sa kanya ang lahat.

“Bok, tinatanong na ng pari kung magsisimula na ba?” bulong naman ni Revo sa tabi niya. Ito ang tumatayong bestman niya sa kasal.

Marami din siyang mistah na dumating para saksihan ang kanyang kasal- including JD. Lahat sila ay naka-white uniform.

“Wala pa ang bride ko, hindi pa bumababa ng sasakyan,” sagot niya kay Revo. Natawa ang lalake kaya siniko niya. “Ayan, hinahanap ka na ng pari. Kapag wala ka pa dito within 5 minutes, maghahanap na lang ako ng ihaharap sa altar, sige ka!”

Narinig niyang tumawa ng malakas si Via bago ibinaba ang phone. Mayamaya ay tumugtog na ang organ kaya napatingin siya sa may pinto ng simbahan. And there was Via... nakatayo hawak ang isang pumpon ng bulaklak.

“Ang ganda...” halos sabay pa sina Revo at Hank na napabulong sa may gilid ni Drix.

“I know. And she's mine,” buong pagmamalaki niyang wika. Inayos ni Drix ang kanyang white uniform saka sinalubong si Via.

“I love you.” Halos sabay nilang wika sa isa't isa. Then sabay ding tumingin sa pari.

E N D

The Cavaliers: DRIXWhere stories live. Discover now