CHAPTER TWENTY ONE

14.5K 312 7
                                    

CHAPTER TWENTY ONE

KAHIT groggy pa ang pakiramdam ay pinilit ni Via na magmulat ng mata. Narinig kasi niya ang boses ni Jolo na nagsasalita.

“Tito Monty, kawawa naman po si Drix kung hindi makakapasok. Kagabi pa ho siya diyan sa may lobby, ayaw umuwi.”

“Pasalamat siya at buhay pa siya!” narinig niyang sagot ng daddy niya. “Kung di lang dito kay Via e matagal ko nang naipalibing yan sa bundok!”

“D-dad...” Halos walang boses na lumabas sa kanya- naubos yata sa kasisigaw niya. Bukod sa nauuhaw ay hinang-hina din siya. “Nasaan ho ang baby ko?”

“Via, anak!” Lumapit si Monty sa kanya. “Nasa nursery ang bata. Ita-transfer na nga dito mamaya. Ikaw, kumusta na ang pakiramdam mo?”

“O-okay lang po ako. Nauuhaw ako. Pakitanong naman sa duktor kung pwede na akong uminom ng tubig...”

Agad namang tumalima ang daddy niya. Lumabas ito kuwarto. Sinenyasan naman ni Via si Jolo na lumapit sa kanya.

“Nasaan si Drix?”

“Nasa labas. Sinuntok yan ng daddy mo kahapon! Akala ko magkakagulo na sa ospital!” mabilis na kuwento ni Jolo. “Mabuti dumating yung dalawa niyang kaibigan, sina JD at Peachy daw. Ipinakilala pa sa akin.”

Agad na sumimangot si Via nang marinig ang pangalan ni Peachy. Alam niyang yun ang pangalan ng babae ni Drix!

“Napaiyak nga si Peachy dahil hindi daw niya akalaing mao-ospital ka,” kuwento pa ni Jolo.

“E siya nga ang nakita kong kasama ni Drix sa simbahan sa Cagayan! At sweet sila!”

“Anong pinagsasabi mong sweet sila? E kaklase daw ni Drix si JD, yung asawa ni Peachy.”

Nanlamig si Via sa narinig. “Ano? May asawa na si Peachy?”

“Oo nga. Si JD nga! Na equally handsome like your husband,” sagot ni Jolo. “And take note, mahal ka ng asawa mo day!”

“P-paano mo naman nasabi? E siya nga, walang sinasabi sa akin.”

“E macho kasi yang asawa mo... saka mababa yata ang romantic quotient kaya hindi ganun ka-expressive sa emosyon!”

Mahal nga kaya siya ni Drix? Gusto niya kasi yung sinasabi sa kanya ng diretso. Hindi naman kasi siya manghuhula!

“Nakausap ko na yung nurse na naka-assign dito.” Boses yun ng daddy niya na pumasok na uli sa kuwarto. “Pupunta na daw siya dito para i-assist ka.”

“Dad, gusto ko pong makausap si Drix.”

The Cavaliers: DRIXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon