CHAPTER NINETEEN

12.9K 274 3
                                    

CHAPTER NINETEEN

KAHIT puyat dahil sa kakaisip kay Drix ay maaga pa ring nagising si Via. Alas-siyete pa lang ay tapos na siyang maligo at magbreakfast.

“May lakad ka ba?” tanong ng daddy niya nang sumilip ito sa kuwarto niya. Nasa harap kasi siya ng dresser at nagmi-make-up.

“Wala ho,” paiwas niyang sagot. Tumaas lang ang kilay ng daddy niya- palatandaang hindi ito naniniwala sa kanya.

“Well, ako, may lakad. May business meeting ako sa Manila Hotel. Baka mamayang gabi pa ako umuwi dahil may mga bisita akong Europeans.” Saglit siyang tiningnan ng daddy niya bago muling nagsalita. “Hindi ba't kabuwanan mo na?”

“Next month pa ho ako magdu-due,” sagot niya. Katapusan na ng buwan sa susunod na linggo kaya technically ay kabuwanan na niya, pero ayaw niyang masyadong nagpapanic ang kanyang ama.

“Mag-check-in ka na kaya sa ospital?”

“Dad! Ano yun, hotel? Mabo-bored lang ako sa ospital,” angal niya. “Ang sabi ng OB, kapag sunud-sunod na ang pananakit ng tiyan ko, dun pa lang ako pumunta sa ospital.”

Napabuntung-hininga ang may-edad na lalake. For the first time ay nakita ni Via na malambot ang expression ng ama... tila bigla itong tumanda ng sampung taon!

Na-guilty tuloy siya knowing na siya ang dahilan kung bakit nasi-stress ang ama. Of course nang una siyang makita nito two weeks ago na malaki ang tiyan ay tila itinulos ito sa sala-- natulala at hindi agad nakapagsalita! Akala nga niya ay inatake na ito sa puso.

But she was able to explain calmly-- sinabi niyang she fell in love, she got married and it didn't work out. Humingi siya ng tawad sa ama na napaluha dahil sa sinapit niya. Gusto nga nitong ipapatay si Drix-- pero sinabi niyang ayaw niyang mawalan ng ama ang kanyang magiging anak-- na apo nito. Doon lang kumalma ang kanyang daddy at nangakong hindi siya pababayaan. Alam niyang nasa adjustment period pa ito-- hindi pa talagang nakakarecover sa kanyang 'pasabog' na balita pero nakikita naman niyang unti-unti na nitong natatanggap ang kanyang kalagayan. Yun nga lang ay tila OA din ito minsan sa pag-aalala sa kanya. Ano naman ang gagawin niya sa ospital sa loob ng isang buwan? Paano pa kung ma-delay ang kanyang panganganak? Hindi naman yata niya kakayaning nasa ospital ng ganun katagal!

“Nag-aalala lang ako,” narinig niyang wika ng ama. “Wala kang kasama... I mean, andiyan ang mga maids pero alam mo ang ibig kong sabihin.”

Alam niya ang ibig sabihin ng daddy niya-- na kung kasama lang sana niya ang asawa- mas panatag sana ang loob nito.

“Kaya ko ho ang sarili ko,” mabilis niyang wika. “Saka puwede kong tawagan si Jolo mamaya para samahan ako dito sa bahay.”

Tumango na lang ang daddy niya kahit alam niyang nag-aalala pa rin ito. Nang makaalis ito ay tiningnan niya ang text message na galing kay Drix. Gusto nitong makipagkita sa kanya at makipag-usap. Actually ay nagkausap na sila over the phone at humingi na rin ng tawad sa kanya ang asawa at gusto nitong makipagbalikan. He wanted a second chance pero hindi pa niya ito sinasagot. Nag-aalangan kasi siya na baka ang batang dinadala lang niya ang habol ni Drix kaya ito bumabalik sa kanya.

Baka nakokonsensya lang, naisip pa niya.

Hindi pa niya sinasabi sa kanyang daddy na gustong makipagbalikan sa kanya ni Drix, baka kasi umasa ang kanyang ama at magkamali lang uli siya. Gusto niya na kapag bumalik siya kay Drix, yung sigurado na sila sa isa't isa.

Ni hindi nga niya sinasabing mahal niya ako, protesta pa ng isip niya. Although siya din naman ay walang sinasabi sa lalake.

Dahil babae ako at hindi sa akin unang manggagaling ang salitang mahal!

Pero tila pursigido si Drix dahil araw-araw itong tumatawag at nagtetext. Kung puwede nga lang ay puntahan siya nito araw-araw sa bahay nila pero ayaw nga niya dahil hindi pa siya tapos magnilay-nilay-- noon. Pero ngayon, parang gusto na niyang magdesisyon. Naisip niyang parang hindi na niya kayang tikisin si Drix.

Kung kay Jolo pa, malapit nang umabot sa Great Barrier Reef ng Australia ang haba ng buhok niya sa sobrang pagpapakipot!

Natawa na naman siya nang maalala ang mga sinabi sa kanya ng lalake-- na ang bottomline ay bigyan na niya ng pagkakataon si Drix.

Dahil naisip kong mahal mag-ampon ng mag-ina na hindi ko naman kaano-ano,” biro pa ni Jolo sa kanya nang magkausap sila the other day.

Muli niyang tiningnan ang cellphone saka pinindot ang reply button.

HINDI makapaniwala si Drix nang makita niyang may text message sa kanya si Via! Pakiramdam niya ay napatalon pati ang puso niya. Nagmadali tuloy siyang maligo at magbihis.

Nagulat tuloy ang mama niya nang makitang palabas na siya ng bahay.


“O, akala ko ba magpapahinga ka ngayon?” tanong nito sa kanya. Yun kasi ang sabi niya sa ina last night.

Simula nang mag-alsa balutan si Via at manirahan sa Maynila ay weekly na rin siyang umuuwi sa kanila. Mula Lunes hanggang Biyernes ay nasa Cagayan siya pero pagdating ng Biyernes ng hapon ay sumasakay na siya ng military plane patungong Maynila. Naikuwento na rin niya sa mga magulang ang kanyang sitwasyon. Nag-iiyak ang kanyang ina nang malaman nitong magkakaapo na pero nanganganib na hindi na makita. Kung ilang beses na namilit ang kanyang mama na puntahan nila si Via at suyuin pero sinabi niyang hayaan muna ang asawa, tutal ay ginagawa naman niya ang lahat para bumalik ito sa kanya.

“Nagtext po si Via, ma. Magkikita kami ngayon.”

Nagliwanag ang mukha ng kanyang mama at biglang na-excite. “Puwede bang sumama, anak? Gusto ko nang makita ang magiging apo ko.”

“Hindi pa ho siya nanganganak. Saka, mag-uusap muna kami. Hayaan niyo at kapag maayos na ang lahat ay makikilala niyo rin siya,” pangako niya sa ina.

Since ayaw naman ni Via na puntahan niya ito sa bahay, nagsuggest siya na sa labas na lang sila magkita. Nagpasya si Drix na sa coffee shop nina Peachy sila magkita para tahimik at cozy. Saka gusto na rin niyang ipakilala kina JD at Peachy si Via. 

The Cavaliers: DRIXWhere stories live. Discover now