CHAPTER TWENTY

13.2K 301 3
                                    

CHAPTER TWENTY

NAUNA siyang dumating sa coffee shop. Agad na lumabas si Peachy nang malamang naroroon siya.


“O ano, nandito ka na naman sa Maynila. Magpalipat ka na kasi diyan sa Aguinaldo para hindi ka biyahe ng biyahe,” wika ng babae sa kanya.

Napangiti siya habang umiinom ng kape. “Oo nga e. Actually nag-request na ako for transfer. Sana nga ma-approve.”

“Ano bang sabi ni JD?” Umupo sa tapat niya si Peachy dahil wala pa naman halos customer.

“Mukhang positive naman daw sabi niya. Si Revo nga ang excited e. Parang siya ang lilipat e.”

Natawa na rin si Peachy. “E alam mo naman si Revo, gusto niya kasama lahat ng mistah!”

Nasa ganun silang ayos ni Peachy nang makita niyang nakatayo si Via sa labas ng coffee shop. Sa likod nito ay nakatayo ang isang unipormadong driver, katabi ang itim na Ford Expedition. Kumaway si Drix pero hindi nagreact si Via- nakatingin lamang ito sa kanila at madilim ang mukha. Agad siyang tumayo at lumabas.

“Via! Halika, pasok ka sa loob.”

Pero hindi tuminag si Via-- nanatili itong nakatingin sa direksyon ni Peachy at mukhang galit! Tinangka niyang hawakan ang braso ng babae.

“Vi...” Iwinaksi ni Via ang kamay niya.

“Bakit kasama mo siya?”

“Sino, si Peachy?” Gulat siya sa tanong ni Via! Bakit kilala nito si Peachy?

“Siya ang kasama mo sa simbahan! Kitang-kita ko kayo... ang sweet niyo pa nga!”

“Teka...” agad siyang nag-isip ng isasagot sa babae. Pero nagtataka siya. Saan sila nakita ni Via? At kelan?

“Drix, bakit nandito kayo sa labas? Pasok kayo, mainit o...” narinig niyang wika ni Peachy na lumabas na rin ng coffee shop.

“Siya! Siya ang kasama mo sa simbahan! Siya ba ang girlfriend mo, ha? Siya ba ang dahilan kung bakit ayaw mo akong pakasalan dati?”

“Si Peachy?!” Shocked si Drix! Kitang-kita naman niyang namutla si Peachy sa sinabi ni Via. Hiyang-hiya tuloy siya!

“Via... it's not what you think. ” wika ni Peachy. Napaatras ito sa sobrang gulat!

“Huwag mo akong ma-Via Via diyan! Hindi tayo close at lalong hindi kita kaibigan!”

Hindi malaman ni Drix kung papano papayapain si Via na obviously ay balot lamang ng matinding emosyon. Hinawakan niya ito sa braso dahil mukhang susugurin nito si Peachy. Pero sa kakaiwas sa kanya ni Via ay muntik na itong matumba-- mabuti na lang at naagapan ng driver! Napatili ito at napa-aray!

The Cavaliers: DRIXWhere stories live. Discover now