CHAPTER EIGHTEEN

12.5K 268 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

NAKUYOM ni Drix ang kanyang kamao nang makitang magkayakap sina Via at Jolo sa balkonahe ni Mayor Morales.

It took a lot of courage para lang mapuntahan niya si Via. Handa siyang lunukin ang pride para lang makipag-ayos sa asawa, unlike kaninang umaga na gusto niyang hayaan sa paglalayas ang babae. Bandang hapon na nang makapag-isip-isip siya at magdesisyon na sunduin na ito. Pero hindi na pala siya kailangan dahil may kasama nang ibang lalake si Via-- at hindi ito nagsayang ng oras na makipagbalikan sa dating fiance!

Ang laki kong tanga! Hindi na niya nilapitan ang dalawa! Dali-dali siyang tumalikod-- diretso hanggang sa labas ng bahay kung saan naroroon ang sasakyang hiniram niya sa opisina.

Nang makabalik sa kampo ay tatawagan sana niya si Mozi para yayaing uminom pero bigla naman siyang pinatawag ng kanyang battalion commander. Kailangan daw niyang magpunta sa Zamboanga ora mismo. Nagpasalamat na rin siya dahil at least, kahit papano ay hindi niya maiisip si Via at ang kanilang sitwasyon dahil may misyon siyang aasikasuhin. Agad siyang umuwi at nag-empake, saka tumulak papuntang Zamboanga.

Saka ko na lang pupuntahan si Via pagbalik ko, sa loob-loob niya habang nasa biyahe.

Pero ang original na three days lang sana ay naging limang araw. Ni walang signal sa mga areas na pinuntahan nila kaya hindi rin niya ma-contact ang asawa. Kaya naman pagbalik niya sa Cagayan ay agad siyang umuwi sa kanilang apartment, hoping na baka nagbalik na doon si Via.

May mga signs naman na nagpunta doon ang babae pero iyun ay para kunin ang mga naiwang gamit dahil nakita ni Drix na bukas ang kuwarto nito at wala nang laman iyun maliban sa kama, kutson at electric fan. Wala na ang mga damit ni Via.

Hindi na yata talaga siya babalik. Nanlulumong napaupo si Drix sa kama ni Via.

May trenta minutos na yata siyang naroroon nang tumunog ang cellphone niya. Nakita niyang si Dwight ang tumatawag. Ayaw sana niyang sagutin ang tawag ng kapatid pero ngayon niya kailangan ng kausap-- sino ba ang higit na makakaintindi sa kanya kundi ang kanyang pamilya?

“Kuya,” matamlay niyang sagot.

“Drix?” Ramdam niya ang pagtataka ng kapatid sa kabilang linya. “Are you okay?”

“Okay lang ako, Kuya. What's up? Napatawag ka?”

“Sigurado ka ha? Anyway... pupunta ako ng Cagayan mamaya. Nasa Villamor Air Base na nga ako and boarding na kami sa C130.” Military plane ang tinutukoy ng kanyang kapatid na sasakyan nito patungong Mindanao.

“Ilang araw ka dito?”

“Baka overnight lang. Pero sana makilala ko naman yung asawa mo mamaya. Let's have dinner.”

“Sige, mamaya na lang tayo mag-usap pagdating mo.”

The Cavaliers: DRIXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon