CHAPTER EIGHT

11.8K 269 2
                                    

CHAPTER EIGHT

ALAS-OTSO na nagising si Via. Nakita niyang nakaligo at bihis na si Drix. Nag-aayos ang lalake ng mga gamit at nagliligpit.

“Ngayon na tayo lilipat sa apartment,” wika nito sa kanya nang makitang bumangon na siya sa kama.

Natigilan siya. May apartment na sila? “Kinuha mo na yung apartment na sinasabi ni Tito Santi?”

Umiling si Drix. “May iba akong nakita. Naayos ko na kaya makakalipat na tayo.”

“As in ngayon na? Pero saan banda?”

“Malapit sa kampo.”

“Furnished ba? Anong itsura?” Bakit ganun? Hindi man lang ipinakita sa kanya kung saan sila titira! Importante pa naman sa kanya ang tirahan. Kung puwede nga lang na kumuha nalang sila ng suite room sa hotel!

“Tingnan mo nalang mamaya, makikita mo rin naman. Maligo ka na at magbihis. Sa labas na tayo magbreakfast.”

Hindi na siya nagprotesta dahil mukhang seryoso ang itsura ni Drix. Agad siyang pumasok sa banyo saka mabilis na nagshower. Doon na rin siya nagbihis. Paglabas niya ay maayos na rin ang higaan. Sinuklay lang niya ang basang buhok saka kinuha ang susi ng kanyang Land Cruiser sa loob ng hand bag. Actually, sa tito niya ang naturang sasakyan pero ibinigay sa kanya nang dumating siya sa Cagayan de Oro.

“Ikaw na ang magdrive ha.” Inabot niya kay Drix ang susi ng sasakyan.

Tila nagdalawang-isip pa ang lalake na tanggapin iyun.

“Come on, hindi naman siguro puwedeng magtricycle tayo o di kaya ay mag-jeep papunta doon, right? Bihira ang taxi na dumadaan dito sa may resort.” Isinuot na niya ang shades.

“Ganyan ka lang?” komento ni Drix sa suot niya matapos kunin ang susi ng Land Cruiser.

“Yeah, bakit?” Maikling shorts na gray saka puting tshirt ang suot niya. Naka-flip flops lang din siya pero Havaianas naman. “Sa apartment lang naman tayo pupunta di ba?”

“Oo pero ang ikli ng shorts mo. Para ka lang naka-panty.”

Muntik na siyang matawa sa sinabi ni Drix! Nuknukan pala ng conservative ang napangasawa niya!

“Ganito talaga ang mga shorts ngayon. Hindi na uso ang hanggang tuhod kasi puruntong na iyun,” sagot niya na nakangiti. “Mas hindi bagay sa akin yun.”

“Bahala ka.” Tumalikod na si Drix, bitbit ang bag niya!

Kahit papano ay nakaramdam siya ng kabog sa dibdib. Nagseselos ba ang asawa niya? Possessive ba ito? She couldn't help but grin the entire time na nasa loob sila ng sasakyan papunta sa apartment na sinasabi ni Drix. Nawala lang ang kanyang ngiti ng makita kung saan huminto ang sasakyan.

The Cavaliers: DRIXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon