Prologue

8.6K 125 6
                                    

LANDER was busy with the new designs of certain structure he's working when the door of his office opened and two women came in looking so furious.

Kumunot ang noo niya. "What are you doing here? And what's with the looks? Are you planning to kill me?"

"I'm afraid we might." Sagot ng ina.

"What did I do?" Nagtataka pa rin siya sa inaakto ng mga ito.

"Have you forgotten that today you should be at the designer's botique. Kasi susukatan ka pa para sa suit na gagamitin mo sa kasal." Mas tumalim pa ang tingin ng dalaga.

Napabuntong-hininga na lamang siya. "I forgot." Tipid na sagot niya.

"You forgot?" Hindi makapaniwalang anito. "How could you!"

Mariim siyang napapikit at hinawakan ang sentido. Stress na nga siya sa trabaho dadagdag pa ang dalawang 'to. "Okay enough." Matigas ang boses na aniya. "Just give me the address and I'll go later after I finish designing this one."

Narinig pa niya ang pag-ismid nito bago sinulat ang address at binigay sa kanya.

"Just make sure pupunta ka. Kundi makakatikim ka sa'kin." Banta nito.

"Okay." Inis na sagot niya at iminuwestra pa ang kamay para paalisin ang mga ito na agad namang ginawa. Pero mukhang hindi bukal sa puso kasi binalibag pa ang pintuan.

Napailing na lang siya at tinawag ang secretary.

"Yes boss?" Tanong nito pagkapasok.

"Cancel all my morning appointments and change them to afternoon if I still have available time. Where going somewhere." Sagot niya at sinuot na ang coat saka tumayo at naglakad palabas.

"Okay boss." Rinig niyang sagot ng secretary at naramdaman din ang pagsunod sa kanya.

"Saan nga pala tayo pupunta?" Tanong nito habang nasa elevator sila.

Tinignan niya ito at tinaasan ng kilay. "Kailan ka pa naging chismoso?"

Mabilis naman itong tumahimik at bumulong-bulong pero hindi na lang niya pinansin.

Nagsimulang magring ang cellphone niya dahil sa mga kliyenteng tumatawag at hindi iyon natapos kahit pa nakarating na sila sa pupuntahan.

"Boss." Kinalabit siya ni Eric na siyang secretary niya nang matapos siyang makipag-tawagan.

Ibinulsa niya muna ang cellphone bago ito tinignan habang nakakunot ang noo.

"Problema mo?" Hindi na siya natutuwa sa kakulitan nito.

"May kambal ka pala." Sagot nito kaya mas lalong kumunot ang noo niya.

"The hell." Mura niya at tinignan ito ng masama. "Anong kambal?"

Nginuso nito ang nakita kaya mabilis niyang sinunod at halos malaglag ang panga niya sa nakita.

"Ang alam ko talaga boss wala. Pero mas nagtaka ako dahil hindi ako nasabihan na bata pala ang kakambal mo." Natatawang sabi nito.

Hindi niya inalis ang tingin sa batang kumakain ng ice cream habang nakaupo sa waiting area. Damn it! How the hell this little kid look so much like him? Para talaga silang kambal lalo na no'ng nasa ganyang pa siya.

"Boss baka pinaglihian ka." Sabi ni Eric kaya mabilis niyang inalis ang tingin sa bata at tinaasan ito ng kilay.

Tumawa ito ng alanganin. "Hehe hula ko lang naman boss. Kasi naman kayo ang hilig niyong ipagkalat sa mga magazines 'yang kagwapuhan niyo." Pambobola nito.

Tinignan niya ito ng seryoso kaya agad ding napangiwi. Umiling siya. "Tsk."

Naglakad na siya at hindi na sana papansinin pa ang bata pero ewan ba niya kung bakit hindi sumang-ayon ang mga paa. Naramdaman na lang niya kasi ang sarili na naglalakad na papalapit dito.

Pero hindi pa man niya tuluyang nagagawa, nakita na niya ang paglapit ng isang babae dito na kilalang-kilala niya ang mukha.

"You." Nilingon siya nito ng marinig ang boses at agad na nanlaki ang mga mata ng makilala siya.

Hindi ito nagsalita at lalapitan na sana niya pero nagulat siya nang mas nauna nitong binuhat ang bata at tumakbo palabas.

"Fuck!" Inabot siya ng ilang segundo bago napagtanto kung ano ang nangyayari.

"Chase them!" Galit na utos niya kay Eric.

"Po?"At ang bobo niyang secretary nagtanong pa kaya mas lalo siyang nainis.

"I said chase the woman!" Sigaw niya. "Call our security team, give them the address and tell them what to do." His jaw clenched in annoyance. "Don't let them get away from you. Don't fucking let them." His voice was dangerous. "Do it."

Mabilis naman nitong ginawa ang sinabi.

Kuyom ang kamao habang tinitignan niya ang nilabasan ng babae kasama ang bata.

I won't let you get away from me this time. I won't!

And you will be punished.


- F A I R Y S V N -

Love Will Lead You Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon