Lie #42: Valenciano

83.8K 1.3K 52
                                    

Kumuha ako ng dalawang slice ng pizza na share ko at pinagpatong ang dalawang yun saka lumabas.

"Oh saan ka pupunta?" pigil sakin ni Kuya Glenn kaya nilingon ko siya.

"May sasabihin lang ako kay Kuya Michael" I answered at tumalikod na ulit.

There is a way para matawagan ko siya at ngayon na halos abot kamay ko na lang yun, hindi ko mapigilan ang excitement at the same time yung kaba na baka wala din naman akong mapala.

Hinanap ng mga mata ko si Kuya Michael dahil parami na din ng parami ang bumabalik galing sa paghahanap ng mga supplies. At nang matanaw ko siya lumapit agad ako. Hinawakan ko ng mabuti yung mga pizza and casual na kumilos na as if wala lang. I actually dont know kung against the rules ba tong gagawin ko pero hindi naman siguro dahil wala naman sinabi si supremo kanina.

"Kuya Michael!" sigaw ko habang naglalakad ng mabilis papalapit sa kanya. Nilingon niya ako with his one brow raised in amusement

"Mukhang masarap ang pagkain niyo ah. May dumi ka pa sa bibig" pinahid niya yung gilid ng labi ko and teasingly looked at me.

"Kuya, may problema ako" I started. Kung kanina mapang asar ang mukha niya, ngayon seryoso na siya

"What is it, owl?" kung hindi lang talaga ako nagmamadali papatulan ko ang pang aasar niya pero hindi na muna ngayon. Nag aalala ako na baka maya maya may activity na naman kaming gawin at wala na akong pagkakataon.

"Kailangan kong tawagan si Derick"

He narrowed his eyes "May problema ba?"

Umiling ako and smiled reassuringly "Wala naman po. Gusto ko lang siya tawagin para kamustahin"

For a moment he hesitated "Well, is there something you have to convince me?" nginuso niya yung pizza slices na dala ko. Tumingin muna ako sa paligid. Making sure na walang makakakita since busy naman na lahat dahil maging sila naman may pagkain na din. Ang kaibahan lang canned goods yung karamihan o kaya kailangan pang lutuin.

"Give me your phone first" I positioned my hand para hingin yun. Immediately he fished it out of his pocket

"When I count of three. One.. Two.. Three.." kasabay ng pag abot ko ng pizza slices ay binigay niya na din ang phone niya.

"Kasasabi lang kanina ni supremo na dapat kapag may gagawin naaayon sa puso di yung kailangan may kapalit pero ikaw.." I said in a wounded tone kahit hindi naman talaga ako nagdadamdam.

Nagulat pa ako ng kagatan yun ni kuya at mangalahati. What an appetite. "I know, sweetheart pero but who cares kapag may pizza?" he winked at tumalikod na.

"Unlimited yan" pahabol niya bago ako iwan ng tuluyan.

Since hindi nga ako sure kung tama tong gagawin ko, nag decide ako na wag muna pumasok sa tent. Paunti unti at pasimple akong lumalayo hanggang nasa gilid na ako at natatakpan ng malaking puno. Wala naman sigurong makakapansin na nandito ako dahil abala naman sila sa pag kain kahit si supremo.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa and open my phonebook para tignan ang number ni Derick then dialed it sa cellphone ni Kuya Michael. Nang matapos na, huminga muna ako ng malalim at ilang beses before pressing the call button.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko but I am so tense. But then, even though things are worse between us hindi ko pa din maiwasan ang mag alala sa kanya. Moments in his private room came to me. Pero sana naman sa oras na to nagkakamali ako. Sana kahit paano mamaya pagsapit ng alas dose may makakasama siyang kumain ng noche buena.

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon