Lie #1: I ate noodles with a stranger

410K 4K 389
                                    

Erica's POV


"Erica bumangon ka na, wag kang batugan anong oras na!" ugh nakakainis talaga yung mga ganitong scenario tuwing umaga! Yung tipong nasa magandang panaginip ka tapos bigla mong maririnig ang boses ng nanay mo.


"Mama, maaga pa naman!" sigaw ko pabalik at nagtaklob ng kumot. Maya maya bumukas ang pintuan ng kwarto ko at napasigaw ako sa sakit. Hinampas na naman niya ako ng yantok sa hita!


"Babangon ka o babasagin ko yang bungo mo?!" doon na ako napabangon. Kapag ganitong nagbabanta na si mama alam kong hindi na maganda kung makikipagtalo pa ako.


"Eto na nga ma. Tsss" sabi ko na lang sabay kamot sa buhok ko kahit hindi naman makati. Nakakainis lang talaga!


"Kuu, ikaw na bata ka. Magbanat ka na nga ng buto nang makapasok ka na sa escuela! Mag aayos ka pa kaya bilisan na ang kilos" tumayo na siya at lumabas. Nang isara niya ang pintuan patamad ulit akong humiga. Five minutes more! Kailangan kong ma retrieve ang panaginip ko! Maghahalikan na kami ng mysterious prince charming ko.


"Ahaha nag uunat lang ako tapos maliligo" bumukas ulit yung pintuan kaya parang ninja na bumangon ako at kunwaring nag uunat. Tss siguro nga kailangan ko na mag ayos. Dadaan pa ako ng Mcdonalds mamaya para makigamit ng CR.

Binagsak na ulit ni mama pasara ang pintuan. Napangiti ako. Kahit na may pagka masungit ang taong yun, aaminin ko na irreplaceable siya. Hindi man nga siguro kami kasing yaman ng iba, masaya naman ang pamilya namin. Kahit na nga ba nag iisang anak lang ako.

Mabilis na pagligo ang ginawa ko. Tuwing umaga inoorasan ni mama ang mga kilos ko. Twenty minutes ligo, ten minutes almusal at thirty minutes ayos ng buhok at mukha. At isa man lang dun ang lumagpas kahit ilang segundo, im dead.


"Dadaanan ka ba ni Annabeth dito?" tanong ni papa ng nasa hapag na kami. Sabay kasi kaming umaalis ng bahay. Kailangan niya mag deliver ng polvoron sa mga kliyente namin. Yeah yun ang source of income namin.

Masyado na kasing matanda si papa para magtrabaho sa office. Magkatulong sila ni Mama sa paggawa nun. Hindi naman kasi basta basta lang ang polvoron namin. May flavors ang samin. At lately nga mataas ang demand sa chocolate flavored.


"Hindi na pa. Masyado ng naaabala ang driver nila kung dadaanan pa nila ako. Nakakahiya naman" sagot ko. Si Annabeth ang bestfriend ko simula pa elementary. Kahit na may kaya ang pamilya nila, hindi pa din yun naging hadlang para maging magkaibigan kami.


"May hiya ka pa pala ah?" biro ni papa na tinawanan din ng malakas ni mama. Ibinaba ko ang kubyertos ko at tinignan siya ng masama.


"Wag mo na awayin ang tatay mo. Hayaan mo na at madaming problema yan kaya ganyan" kung kanina naiinis ako, napalitan yun ng pagkalito at pag aalala. Katahimikan ang namayapa samin. Mukhang nadulas lang si mama sa pagkakasabi nun dahil sa nakikita ko ayaw pag usapan yun ni papa.


"Papa, may problema ba? Nalulugi na ba negosyo natin?" maagap kong tanong. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Hays. Paano ba naman kasi, nitong pagbubukas lang ng klase nilipat nila ako sa magarang school. Sa Phylisse Academy. Hindi ko maintindihan kung bakit out of the blue bigla ko na lang nalaman na doon ako naka enrol. Mahal ang tuition fee. At kung kailan nasa huling taon na ako sa highschool saka pa to nangyari.

Nang tinanong ko si mama kung bakit, ang sabi niya lang wag na ako magtanong. Basta abusuhin ko daw yung pagkakataon na makapag aral ng mabuti sa magandang school. Hays, kaya tuloy si Annabeth lumipat din para magkasama pa din kami.

Hindi ako sinagot ni papa. Ngumiti lang siya at ginagap ang kamay ko. Kahit gaano ako nag aalala hindi na lang din ako nagpilit. Ayoko naman na ma upset siya.


The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon