Not so Lie #50: Beginning

150K 2.2K 646
                                    

One month later
15th of May
1300 Hours
3 Hours before Derick and Elise's wedding

Eighteen years. Kung hindi pa siguro ako paulit ulit na babatiin ng parents ko at ng ilang bisita namin sa bahay kanina, hindi ko pa din siguro maiisip na eighteen years old na ako. Imagine, how time flies so fast? Parang kailan lang simple lang ang buhay ko. Hindi komplikado, walang stress. But then now, seems like pasan pasan ko ang buong daigdig.

Ngayon na nasa legal age na ako, bawal daw ang maging tanga. Dahil kapag tanga ka maaring ikapahamak mo yun. Ngayon na eighteen na ako pwede na daw akong makulong. Kaya grabe sila mama sa pagpapayo sakin. Ewan ko ba, birthday na birthday ko sinesermonan ako. Hindi ko lang sila masisisi dahil syempre nag iisang anak lang naman ako.

May 15. Sabi nga nun ni Elise, this will be my birthday at the same time death day. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin not until now. Tama nga siya. With thoughts of them na maya maya ay ikakasal, pakiramdam ko im dying of a slow death. Pakiramdam ko nauupos ako. That I have to check from time to time that I am not turning into ashes.

"Wala na bang ibang channel na matino? Yung tipong hindi naman pinag uusapan si Elise at Derick?" sabi ni Annabeth at tumayo. Kinuha niya yung remote ng TV sa ibabaw nun and scanned different channels. I am not paying that much attention sa ginagawa niya but she settled on the sports channel.

Base na din sa kanya at sa parents ko, madalas daw laman ng balita yung tungkol sa kasal ni Derick and Elise. Hindi naman ako updated sa kanila since nitong mga nakaraang linggo abala din ako para sa kinabuksan ko. I applied for scholarship sa St. Ignatius University dahil ni recommend ako dun ni Mrs. Velasco. I dont know if Education course is for me but I'll give it a try since hindi ko pa talaga alam ang gusto ko.

So now Im praying for it. Para hindi na din mamroblema sila papa sa kung ano ang ipang gagastos sakin. These past few weeks daw kasi medyo mahina ang negosyo namin. And Im afraid na magpatuloy yun.

"I cant belive na eighteen ka na. Parang kailan lang pabuka bukaka lang tayo sa sahig" sumalampak ng upo si Annie sa tabi ko at kinuha yung platito niya na may lamang cake at sunod sunod na sumubo.

Special daw dapat ang eighteenth birthday but I kept mine simple. Nagluto lang si mama ng spaghetti, chicken at shanghai. It's not much but I feel happy. Ginawa kong 10 am yung birthday ko pumatak ng lunch. May ilan akong classmates na dumating at nagregalo. Even Nico is here at si Tita Patricia. Nung una nahihiya ako pero hindi naman nila pinaramdam sakin na dapat akong mahiya. They even gave me gifts na plano kong buksan mamaya.

Invited sila sa wedding pero hindi sila lahat pupunta. Nico will go dahil siya ang best man. Si Tita Patricia din ganun for the sake na lang daw ng pagkakaibigan nila nung mommy ni Derick.

"Ikaw lang yun ah. Dinamay mo pa ako" I said back jokingly and licked my ice cream na binili kanina ni Alex. I saw from my peripheral vision na tinitignan ako ni Annie. Maybe shes finding some glimpse of sadness on my face but then I've put my mask on.

I was afraid a weeks ago na baka buntis ako. One morning, I woke up na masamang masama ang pakiramdam. At yun agad ang naisip ko. Na baka may nabuo kami ni Derick. Nag panic ako. So kung nung una may plano akong sarilihin yung ginawa namin, may napagsabihan na ako.

Si Kuya Michael.

I know there aren't many sure things in life, but one thing I know for sure is
that you have to deal with the consequences of your actions. I was desperate na malaman kung buntis ako so napilitin akong sabihin sa kanya dahil bukod sa mapagkakatiwalaan siya, nasa legal age na din siya para bumili ng pregnancy tester. Nung una nagalit siya to the extent na pagpunta niya dito gusto niya sugurin si Derick pero in explain ko sa kanya ang lahat lahat and that calmed him down atleast.

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon