Lie #16: Riddles

119K 1.8K 79
                                    

Hindi ito ang sala namin. Yun ang agad ang naisip ko pagbukas nang mga mata ko. Pero sigurado akong kwarto ko to. Dahil sa mga glow in the dark stars and moon na nakadikit sa kisame.

Ang tanong, paano ako napunta dito?

Napabangon ako kaagad at tumingin sa paligid. Nakalimutan ko pala magbihis kagabi pero ngayon naka pajama na ako at manipis na shirt gaya nang sinusuot ko kapag natutulog.


"Gising ka na pala" napahawak ako sa dibdib ko nang may magsalita. Si Derick. Nakaupo siya sa pang isahang sofa na nasa corner at nagbabasa ng dyaryo. At gaya ng dati, baliktad din ang pagbabasa niya. Weird. Suot niya pa ang oversized tshirt ni papa.


"Sabi ni coach halikan ko daw yung pinakamagandang babae kaya hindi ikaw ang hinalikan ko. Kung sinabi niya sana na halikan ko ang pinakamamahal ko, then probaby I wont stop doing it to you"

Sa totoo lang hindi ako nakatulog masyado dahil dyan. Pagtapos kong marinig ang sinabi niyang yan, something happened inside me. Pakiramdam ko may pumipiga sa intestines ko tapos ang lamig. Nagtaasan pa nga ang balahibo ko sa batok. And add the fast beating of my heart. In short kinilig ako!


"May dumi ba sa mukha ko at ganyan ka makatingin?" he taunted, cutting my thoughts. Inirapan ko siya at tumayo na. Dumiretso ako sa vanity table ko para magsuklay at magtali ng buhok.


"Paano ako nakaakyat dito?" tanong ko sa kanya dahil nagtataka ako. Parang imposible naman kasi na buhatin ako ni papa. Yun pa ba? Tsk kapag nakakatulog ako sa sala talagang ginigising ako nun para umakyat dito. Minsan pa nga sinisipa ako magising lang eh.


"Hmmm" sagot niya na pa mistery effect "Well, masama ang pakiramdam ni tita kaya malamang hindi siya. Si tito naman masyadong nabibigatan sayo kaya malamang hindi din siya. So who do you think?" he smirked at binaba na yung newspaper sa side table ko.


"Uhm, nagtawag kayo ng tambay doon sa kanto?" pang aasar ko


"Hahahaha. Very funny" mula sa salamin tinignan ko yung reflection niya. May binubulong siya pero hindi ko marinig kung ano. But his expression is enough para malaman kong naiinis siya.


"Seriously, thanks. Though bakit mo naman kasi ako binuhat papunta dito? Pwede mo naman akong gisingin ah"


"Kaya naman kitang buhatin so bakit pa kita gigisingin di ba? Isa pa, ang lalim ng tulog mo nakakahiya naman sayo. And hey, naglalaway ka pala?" he said in a high pitched tone lalo na yung huling part. Tumawa pa siya na nang aasar talaga.

Ako, naglalaway?!


"Hey nagsasabi ako ng totoo!" tumakbo ako papunta sa kanya para sakalin siya. Alam ko naman na hindi siya masyadong nasasaktan pero pulang pula na ang mukha niya. Probably dahil pinipigil niya yung tawa niya.


"Hindi ako naglalaway! Bawiin mo yung sinabi mo kung di papatayin talaga kita!" I threatened


"Hindi ko ugaling magsabi ng di totoo, Erica" he growled that made me stop. Hinawakan niya yung dalawang kamay ko na nasa leeg niya at ibinaba yun. Still, not letting it go.


"Sabi ni coach halikan ko daw yung pinakamagandang babae kaya hindi ikaw ang hinalikan ko. Kung sinabi niya sana na halikan ko ang pinakamamahal ko, then probaby I wont stop doing it to you"

Bulong na naman ng isang bahagi ng utak ko. What is happening to me? For Pete's sake, dapat hindi ako nagpapaniwala doon. Bwisit na Derick kasi to eh.


"Derick gising na ba si Erica?! Bumaba na kayo para kumain!" thank heavens at tinatawag na kami ni mama. Binitawan na niya ako. Awkwardly tumalikod ako at nanguna na sa pagbaba.

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon