Lie #46: Sadie Hawkins

92K 1.3K 93
                                    

Kahit gaano mo pala paghandaan ang mga bagay bagay, minsan hindi mangyayari yung gusto mo because of one reality; Life tends to disagree to our plans. No matter na kahit gaano ka kahanda na gawin yun, when life meddles, bitching, walang mangyayari sayo. Isang malaking epic fail ang kalalabasan ng lahat.

Christmas break I had plans of breaking up with Robie. But then hindi yun natuloy. Kaya pala siya hindi pumasok nung monday, sinugod sa ospital yung grandfather niya. Plus the confrontation with Elise. So here I am again back at one.

After that, hindi na muna ako pumasok. Alam ng buong klase ang nangyari at wala akong mukha na maihaharap sa kanila.

Grabe talaga ang pagkakataon. Sakto yung timing ng pagkakabati namin ni Annabeth. Now she's here for me. She too cut classes at pumunta kami sa bahay nila. Imagine, kung wala siya nun, ako lang mag isa. Since si Nico din ayaw muna mangailam.

Robie called and told me the bad news about her grandfather later that night. I can sense the pain and sadness sa boses niya. Paano ako makikipagbreak sa kanya kung ganun ang lagay niya? He's too broken at ayoko na muna dagdagan yun.

So my life continued. Kami pa din dalawa. And as weeks passed by, iniwasan ko si Derick. Hindi ko siya binibigyan ng pagkakataon na makausap ako. Even lapitan. As if he doesn't exist.

Siguro tama ng dahilan yung nangyari para itigil ko na totally. That maybe enough is enough. And at this point, I deserve to be with someone who makes me happy. Someone who doesn't complicate my life. Someone who won't hurt me. At hindi si Derick yun. Hindi din si Robie but then magtitiis na lang ako. Though it freaking hurts, wala naman akong magagawa.

"Pakisulat yung name and signature"

My thoughts landed back to Robie. Kailan ba ang perfect timing na makipagbreak sa kanya? Paano kung tama ang payo sakin ni papa nun? Paano kung masaktan ko siya ng husto dahil hulog na hulog na siya sakin? Dahil sobrang pinatagal ko na?

"Name and signature"

Nagsisisi na talaga ako. Hindi ko na alam ang gagawin. Wala akong karapatan magalit kay Elise pero naiinis ako sa kanya. She knew everything but then remained silent? And who knows, right? Baka yung mga paglabas labas namin nun apat was manipulated by her.

Sometimes I just cant help thinking na what if nag iba ang sitwasyon. Kung sa umpisa pa lang sinabi na ni Elise na alam niya ang lahat, will it make a difference?

Hindi na siguro mahalaga yun dahil huli naman na ang lahat. Nahulog na din naman siya kay Derick eh. Wala na akong laban dun. Nagpapasalamat na lang ako at february na. Isang buwan na lang mahigit makakaalis na ako dito. Magkakahiwa hiwalay na kami ng landas.

"Wala ka bang narinig?!"

At sa oras na mangyari yun, I will leave everything behind. Minsan nga natatawa na lang ako sa sarili ko eh. Natatawa ako sa mga naiisip ko. Mahal ko si Derick but then siguro hindi din naman siya ang makakatuluyan ko sa huli. Maybe there's someone out there na para sakin talaga.

"Erica!" nagulat na lang ako ng may humampas sa desk ko ng malakas and shouted right on my face. Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko nasampal ko na tong si Princess

"Ano ba yun?" iritable kong tanong. Wala naman kasi siya dyan kanina eh! At unusual na nakasigaw siya dahil mahinhin siya.

She rolled her eyes "Kanina pa ako dito, hindi mo ako pinapansin! Ang sabi ko isulat mo yung pangalan mo dito tapos pirma sa gilid!" she said in a high pitched tone and pointed the paper na nasa desk ko. She handed me a pink ballpen.

There are two columns on the paper at may nakasulat na Name and Signature. Ang nakakapagtaka ano naman to?

"Para saan to?" I asked. Ayoko naman na basta na lang mag sign up sa kung ano na wala naman akong kaalam alam

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon