Lie #12: Family History

102K 1.9K 150
                                    


"Mahal, doon nakatira ang mga Lusterio!" biglang pasok naman ni mama sa usapan


"Yun ang apelyido ni Derick, ma" sabi ko


"Ano?!" magkasabay ulit na sabi nila


"Ang ibig sabihin ba nito, apo ng Don Manuel si Derick?" nilingon ko si mama na parang gulantang pa din. Seriously madalas samin si Derick pero bakit hindi niya alam ang surname? Tsk kungsabagay baka hindi naman nababanggit nung isa.


"Hindi ko alam ma. Malay mo naman may ibang Lusterio pa na nakatira doon"


"Tsk imposible. Anak, alam mo bang memorable samin ng tatay mo ang bahay ng mga Lusterio? Doon kami nagkakilala eh. Dati akong kasambahay doon sabay driver naman ang papa mo. At doon ka din ipinanganak. Ka birthday mo pa ang apo ni Don Manuel eh. Naaalala ko nun malakas ang ulan. Nanganganak ako doon sa maid headquarters samantalang si Madam Angela doon sa kwarto niya" unti unti kong nare realize ang mga pinagsasasabi ni mama. Si Derick nga yung tinutukoy niya dahil magka birthday kami.


"Mama, si Derick yung tinutukoy mo. Magka birthday kaming dalawa"


"Aba ang liit ng mundo, ano?" comment ni papa. Oo nga, sobrang liit ng mundo.


"Mama anong masasabi mo sa mama ni Derick?" tanong ko. Naaalala ko yung mga kwento sakin ni Derick tungkol sa kanya. She's distant, cold, vain, hypocrite, at kung ano ano pang negative adjectives.


"Naku, may ka malditahan ang babaeng yun pero after niya manganak biglang bumait. Kaya nga kami umalis sa mansyon ng papa mo eh. Binigyan niya kami ng malaking halaga para daw makapagsimula ng negosyo"


"Malaking halaga? Magkano?"


"Wag mo na alamin. Basta sapat na yun para makapagsimula kami ng bagong buhay ng papa mo" dismiss ni mama sa usapan.

May kalahating oras mahigit din kaming bumayahe. Maya maya may natatanaw akong arko na may mga salitang "Welcome to Paradise Subdivision"


"Oh nandito pa pala to" hindi ko alam kung ano yung tinutukoy ni papa. Bumagal kami dahil nakasara yung gate. May lumapit samin na matandang gwardya


"Roberto!" ugh mukhang kilala ni papa


Napakunot yung noo nung gwardya. Nagbukas ng ilaw si papa at binaba yung bintana. "Joselito! Ikaw nga ba?" sagot nung matanda at nagtawanan sila.


"Pupunta kami sa bahay ng mga Lusterio. Kakamustahin nitong anak ko yung apo ni Don Manuel"

Tinignan ako ni Mang Roberto. Ngumiti naman ako at ganun din siya. Hindi ko alam na dati palang kasambahay si mama at driver naman si papa. Nagka utak na kasi ako na polboron ang ikinabubuhay namin.


"Si Derick ba? Aba't kanina nga eh mukhang mainit ang ulo. Halos paliparin ang sasakyan niya papasok dito" tsk ano kaya ngang problema nun? Nakaka guilty tuloy. Di man lang namin napag usapan na baka may problema siya. Instead, na brought up ko pa yung walang kwentang lovelife ko.


"Hmm. Ang batang yun talaga.. Oh ano, usap tayo mamaya ah? Nagmamadali na kasi kami" paalam ni papa. Sumaludo lang si manong at pinatuloy na kami.

Hindi lang pala basta bastang subdivision to. Ang laki ng mga bahay at ang linis ng paligid. Yung iba nga may christmas lights pa yung mga puno. Seriously, october pa lang ah?


"Nandun pa kaya sila Dehlia?" tanong ni mama


"Hmm malalaman natin mamaya" sagot ni papa. Sila lang ang nagkakaintindihan


The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon