Lie #11: Why Me?

127K 1.7K 91
                                    

After an hour kinatok na kami nung isang staff at sinabing mag pack up na kami. Noon lang din nagreply si Derick na mag ingat din ako at itext siya once na makauwi na ako. Hmm, nakakapagtaka na bakit bigla siyang umalis. Does his parents has anything to do with it? Whatever it is, sana okay lang siya.


"Magkano po ang bill namin?" tanong ni Robie doon sa staff. Umiling ito at nakangiti kaming sinagot ng


"Binayaran na po ni Mr. Lusterio. Everything is fixed" napataas ang kilay ko at napatingin sa mga kasama ko. Hindi naman nagbilin si Derick na binayaran niya na. Siguro sa pagmamadali niya kanina nakalimutan niya na.


"I think we should send our thank you to him" sabi ni Robie na nakatingin kay Stephen na umiling. Naaalala ko na naman yung pagtatalo namin ni Annabeth kanina. Sinabi sa kanya ni Stephen ang pag uugali ni Derick. And that caused me na mainis. Katunayan, hindi kami nagpapansinan ni Annabeth ngayon.


"Ako na ang bahala. Itetext ko siya" pag ako ko doon sa responsibilidad tutal mukhang ako lang naman dito ang may number ni Derick.


Though Annabeth kissed me goodbye, ramdam na ramdam ko pa din yung awkwardness. But I dont want to talk about it now. Bahala siya na pag isipan ang mga sinabi ko.


"So, can we talk now?" tanong sakin ni Robie nang makaalis na sila Annabeth. Pumunta siya sa side ko para buksan yung pintuan at papasukin ako sa sasakyan niya. I fastened my seatbelt nang makaupo na ako.


"Sasabog ang tyan ko sa kabusugan" sabi ko at hinimas ang tyan ko. Grabe sobrang dami kong nakain. Ganito ako kapag may lakad tapos may pagkain. Palagi akong uuwing busog. Tapos mamaya nito sigurado mahihirapan akong matulog.


"Yeah, ang dami mong nakain na pizza" he agreed and together tumawa kami.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ng jogging pants ko at nagpunta sa messages. Itetext ko si Derick para magpasalamat. Big time talaga ng lalaking yun. Siya na nga ang niyaya tapos siya pa ang nagbayad. Kahit na nga ba siguro maliit na halaga lang yun para sa kanya, still parang nakaka guilty pa din.


To: Derick

Hoy maraming salamat! Ikaw pala ang nagbayad lahat!

Nagreply siya after twenty seconds

From: Derick

^_^v

What seriously? Did he just texted that weird emoticon? Aish siya ba talaga si Derick? Kinakabahan na naman ako ah. Paano kung ang totoong Derick kinidnap then locked up somewhere? Tapos dopple ganger lang tong kasama namin? Tsk


"Memory lane again?" Robie said cutting my thoughts. Nakalabas na pala kami ng parking lot


"Ooppss, sorry" nahihiyang sagot ko. Binulsa ko na lang ulit yung cellphone ko at nag concentrate sa dinadaanan namin.


"Can we stop over a park? Ayokong mag usap tayo habang nagd drive dahil baka maaksidente tayo"

Nag nod lang ako bilang sagot. Hindi naman ako naghahabol sa oras. Tinawagan ni Derick si mama kanina na baka gabihin kami ng uwi. Kaya alam kong sa mga oras na to walang nag aalala sakin sa bahay.

Huminto kami sa isang park na malapit sa Phylisse Academy. Nakabukas ang mga ilaw sa poste kaya maliwanag pa din. Katunayan may naglalaro pa nga na mga bata doon sa swing at slide.


"Doon tayo sa bench umupo" Robie pulled me over at inalalayan ako maglakad. Matataas din kasi ang mga damo at medyo basa yung lupa. Mabuti na din na hawak niya ako dahil baka mamaya lumubog ako.


The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon