Lie #15: Friendship Over

118K 1.9K 296
                                    

"Erica!" alam kong nakasunod siya sa likod pero hindi ako lumilingon. Nope. Ayokong ipakita sa kanya tong mga luha ko. Ni hindi ko nga alam kung bakit sila tumutulo eh.


"Erica!" isa pang tawag niya. Binilisan ko ang paglalakad dahil nararamdaman kong malapit na siya


"Ano ba?!" naabutan niya na ako. Hinawakan niya ako sa braso pero hindi ko pa din talaga siya tinitignan. Sa ibang direksyon ako nakatingin habang hawak niya pa din ako ng mahigpit


"Saan ka pupunta?" he demanded. Urgency in his voice.


"Wala kang pakiilam!" I jerked


"Bakit hindi mo ako tignan?" tanong niya. Pinakalma ko ang sarili ko. Pasimple kong pinunasan yung mukha ko at huminga ng malalim. Wala lang to di ba, Erica? Napuhing ka lang kaya ka naiyak. Walang ibig sabihin yun.


Nilingon ko na siya. Hindi ko mabasa ang expression niya. "Oh ano?" sabi ko. Neutral as possible


"Bakit ka bigla na lang umalis? At bakit ka umiiyak?"


"Hindi ko alam ang sinasabi mo" pagtanggi ko kaagad. Kinagat ko ang labi ko ng madiin dahil nararamdaman kong maluluha na naman ako. Ngayon na nandito siya at tinatanong sakin ang dahilan ng pag iyak ko, pakiramdam ko nasasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit pero parang hirap na hirap ang kalooban ko. Something inside me is raging. Gusto ko sumigaw. I want to break something. I want something I can destroy.


"Ako pa ba ang lolokohin mo, huh? What is it? Bakit bigla ka na lang umalis? Dahil ba sa hindi ikaw ang hinalikan ko?" medyo mataas ang boses niya. May ilan din na napapatingin samin at napapahinto. Tinignan ko sila ng masama kaya napapaalis. Or maybe ginawa din ni Derick yun at mas nakakatakot siya.


"Hindi ko alam ang sinasabi mo" ulit ko at kumawala sa kanya pero kinuha niya na naman ang braso ko. Idinikit niya pa ang sarili niya sakin kaya sobrang malapit na ang mga mukha namin.


"Wag kang magmaang maangan. Ano bakit ka umiyak? Is it because of the kiss o nahuhulog ka na sakin?" tanong niya na parang hinahamon ako.

Binuksan ko na yung bibig ko para sumagot. Para isigaw sa kanya na nagkakamali siya. Na wala sa dalawa yung dahilan kung bakit ako nag walkout. Pero hindi ko alam kung paano uumpisahan. Kung paano ko ba sasabihin.


"Bakit hindi ka sumagot, Erica? Ano mahal mo na ba ako?" at dahil hindi na ako makawala sa sitwasyon, bigla akong may naisip na alam kong kapag sinabi ko, matatapos na kami.


"Saan ka naman nakakuha ng idea na mahal na kita? Hindi ako nag walk out dahil sa mga sinabi mo. Nakatanggap ako ng text kay Robie. Magkikita kaming dalawa" pagsisinungaling ko. Alam kong hindi tama na gumamit ako ng ibang tao pero wala na talaga akong maisip. Knowing, Derick? God, this is almost the same nung marahas niya kong hinalikan sa isang classroom matapos niya akong makitang nakikipag hangout sa mga boys.

Lumuwag na yung pagkakahawak niya sakin hanggang sa totally wala na. Matagal niya lang akong tinignan. Magkatinginan kaming dalawa at hindi ko alam kung gaano katagal.


"Bakit kayo magkikita? Dalawang araw lang akong nawala madami nang nangyari?" hindi makapaniwalang tanong niya and brushed his hair frustratedly gamit ang mga daliri niya.


"So tama nga yung nakarating sakin.." dagdag pa niya at umiling


"Kaya kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako. Ayokong siyang paghintayin" pagtatapos ko sa usapan at tumalikod na ulit para maglakad palayo. I didnt dare look back. Kahit na alam kong nakasunod siya ng tingin sakin.


The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon