Kabanata 50

4.1K 122 13
                                    

Kabanata 50
ELF'S POV



"Anong meron dyan? Audition?" curious at nagbibirong tanong ni Neil habang naglalakad-lakad kami rito sa bora.

May kung ano kasing pinipilahan ang mga tao roon sa isang kubo.

"Baka may live show?" nakangising hula naman ni Daren na nagpataas ng kilay ko.

Puro kahalayan talaga ang nasa isip nitong unggoy na ito.

"Look at the signage at the right side." itinuro ni Humpy iyong gawa sa kahoy na signage, sa gilid ng kubo. Nakatusok ang tangkay 'non sa buhanginan upang tumayo. "It's a fortune house." aniya.

"Libre?" sabay-sabay na bulalas namin ng mga kasama ko pagkakita namin sa 'Free' na nakasulat sa ilalim ng lettering na Fortune House.

Kaya naman pala pinipilahan, kasi libre. Mga tao nga naman, kapag may libre talagang dinudumog.

"Namimigay ba sila ng sigarilyo dyan?" sinamaan namin ng tingin si Daren na ngumisi naman sa amin.

Kung di kalibugan ang pumapasok sa bibig niyan, kabobohan, kalokohan. Bubuka pa lang ang bibig ni Daren ay mabubwisit ka na. But not all the time, may sense naman siya mag-isip minsan, pero mas madalas na wala talaga.

"Let's try." yaya ko sa kanila.

I'm curious. Ngayon lang ako nakakita ng manghuhulang pinipilahan. Maybe she's great.

"Ikaw na lang. Hintayin ka namin. Masaya na ako sa buhay ko, hindi ko na kailangan pang pahulaan ang kapalaran ko." ani Wein.

"Psh. Ang sabihin mo, wala ka lang talagang tyagang pumili. Sa ating lahat, you are the most impatient."

He rolled his eyes on me. "Whatever you said, fucker."

Hindi ko rin naman masisisi si Wein. He's really happy with Keight now. Sa aming magkakaibigan ay ako na nga lang ang natitirang loveless, all of them now is in a healthy lovelife.

Alright, I'm going to ask this fortune teller about my love life. Pakiramdam ko kasi forever tito at ninong na lang ako. The fuck! Gusto ko rin namang maramdaman iyong uuwi ako sa bahay na may yayakap sa akin, sabay kaming kakain and before we go to sleep, we will make love until we pass out.

Naglakad na ako palayo sa mga kaibigan ko. Wala ako sa mood na pilitin sila.

"Hey! Are you really serious, Ong?" pagtawag ni Aries sa akin.

Hindi ko siya nilingon pero tumango ako, habang naglalakad patungo sa dulo ng mahabang pila.

"Excuse me." Kinalabit ko iyong babaeng nasa unahan ko.

Paglingon niya sa akin ay tinitigan niya ako na para bang nagulat siya, her lips are partly open and her cheeks are blushing.

"Y-Yes, pogi?" tila wala sa sariling tanong nito.

Sa tantya ko ay mukhang teenager pa lang ito.

Nginitian ko ito. "Magaling ba iyong manghuhula dyan?"

Hindi niya ako sinagot. She keeps staring on me.

"May dumi ba ako sa mukha? Why are you looking at me like that?" natatawang sabi ko rito.

"Anong pangalan mo, kyah?" she asked me without even blinking.

"Dude."

Napalingon ako sa umakbay sa akin na si Neil. Napatingin din ako sa ilan ko pang kaibigan na nakapila na rin.

Isa-isa ko silang tinignan ng may pagtataka. "Akala ko ayaw niyo?" tanong ko.

Ngumisi si Neil. "Curious din kasi kami."

My Heart Chose You (HBB #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon