Kabanata 32

3.8K 130 23
                                    

Kabanata 32
Birthday

"What's your plans for your birthday?" tanong ni Clark.

Nagpapractice ngayon ang Smokin Aces para sa nalalapit nilang laban at nandito kami ngayon sa gym, pinanood sila. Katatapos lang din kasi namin magpractice ng cheering.

"Wala, masyado kasing busy." sagot ko kay Clark.

"Akong bahala sa party. What do you want? Pool Party?"

"Wag na. Kumain na lang tayo sa labas."

"Game ako dyan!"

"But that's if my parents will remember."

"Naku po!" napakamot ng ulo niya si Clark. Tinawanan ko naman siya.

Last year kasi ay kung hindi nadulas si Clark at nasabi sa parents ko na birthday ko ay hindi nila ako bibigyan ng simpleng celebration sa bahay.

"Wag kang madaya, huh. Wag na wag mong sasabihin sa parents ko na birthday ko. Napakadaldal mo pa naman."

"Paano kung hindi nila matandaan?" nangangambang tanong niya ni Clark.

"Eh, di...walang celebration." kaswal kong sagot.

"Ang gara naman 'non. By the way, alam ba ni Elf na malapit na ang birthday mo?"

Nagkibit balikat ako. "Hindi naman namin napapag-usapan."

"He's your boyfriend, dapat alam niya ang birthday mo."

"It doesn't matter to me if he didn't know. Parents ko nga, kahit alam ang birthday ko, nakakalimutan pa rin." mapait na tumawa ako. "Birthday isn't important to me anymore."

Siguro dahil sa paulit-ulit na disappointment na natatanggap ko sa tuwing sasapit ang birthday ko ay ayoko ng mag expect pa sa araw na iyon. Ayoko ng isiping importante ang araw na iyon. I'll just think of it as a simple day. Kung may mangyayari o may darating, then let it come, let it happen.

But I'm glad that someone like Clark, really cared for my birthday. At least I know someone remember the day I was born in this world.

"Inaya mo ako rito sa mall, because you want me to help you find a perfect gift for your friend, on her birthday?" tanong ko kay Elf.

Sinundo niya kasi ako kanina school. Nagulat nga ako dahil paglabas ko ng gym ay naroon siya at naghihintay sa akin.

"Yup. I'm sorry, baby. May iba ka pa bang ineexpect?" sagot niya habang hawak kamay kaming naglalakad-lakad ngayon dito sa Ayala Center.

"Wala naman. Mukhang importante sa iyo ang babaeng friend mo na iyan. Sino ba siya?" I emphasize the word 'babaeng' para maging aware naman si Elf sa feeling ko, as his girlfriend because there's a little part of me that's getting jealous.

May bahagi rin ng isipin ko na sinasabing ginagawang dahilan lang ni Elf na kaibigan niya ang bibilhan niya ng gift, but the truth is...it's for me. But then I don't want to assume. Ayokong madisappoint na naman.

"Ahmm..."

Tumaas ang kilay ko at naninindak na tinignan ko siya. "Who is she?"

Halatang nagdadalawang isip si Elf na sabihin sa akin kung sino iyon. Bagay na ipinagtataka ko.

"Do I know her?" dagdag ko pa.

"Si Divine."

"Oh!"

Tumingin sa akin si Elf na para bang nagpapaawa.

Akala niya yata ay maiinis ako sa kanya dahil nag eeffort siya ngayon na hanapan si Divine ng regalo para sa nalalapit nitong birthday.

My Heart Chose You (HBB #7)Where stories live. Discover now