Kabanata 43

3.6K 140 36
                                    

Kabanata 43
Home


Sa airport ay natanawan ko agad si mommy at daddy na nag-aabang sa amin. Clark is also there, kumaway pa nga nang makita kami.

"Look, my loves. You're grammy, gramps and uncle Clark is waiting for us." sabi ko kay Flo habang karga ko ito at itinuturo ko sa anak ko ang mga ito.

Kagigising lang ni Flo kaya panay ang gala ng mga mata niya sa paligid, walang pakialam sa itinuturo ko.

Sinalubong kami ni daddy at Clark.

"Ako na po, manang." dinig kong sabi ni Clark na kinuha kay manang Benilda ang tinutulak nitong mga bagahe namin.

Si mommy ay kinuha agad sa akin si Flo na kahit mukhang nangingilala ay hindi naman umiyak ng kunin ni mommy. Si daddy at Clark naman ay isa-isa ng nilagay ang mga bagahe namin sa sasakyan.

"How's are baby, Flo? Behave ba iyan sa plane, hindi ba nagpasaway kay mommy at manang Benilda?" malambing na tanong ni mommy habang karga ang anak kong namumula ang pisngi at nanghahaba ang nguso.

"Ang bait n'yan sa plane kanina, grammy. Tulog lang ng tulog." kwento ko kay mommy.

Gigil na gigil si mommy kay Flo. Panay ang halik niya sa anak kong parang siopao ang pisngi.

"Okay lang kahit hindi mo kamukha si Flo, Fanfasia. Mabuti na lang at gwapo ang tatay nito. Napagwapo tuloy ng apo ko." ani mommy at saka muling pinanggigilan ang anak ko.

Kahit sa van ay hindi na binitawan ni mommy si Flo. Ako naman ay tahimik na pinagmamasdan ang siyudad na kinalakihan ko 

Hindi pa rin nagbabago ang manila. Kung sabagay ay isang taon lang naman akong nawala. Mabagal ang pag-unlad sa pinas, kaya hindi na ako dapat nagtataka na ang ilan sa mga istrakturang ginagawa noong umalis ako ay ginagawa pa rin hanggang ngayon.

Kung sila Elf siguro ang nag-aasikaso nyan ay hindi ganyan katagal ang aabutin para maitayo iyan. My ex-boyfriend is a very good engineer. He can build a strong building in a short period of time.

How is he doing now? Is he happy with his choice?

Nawala ako mula sa malalim sa pag-iisip nang marinig ko ang malakas na halakhak ni Flo na nilalaro naman ngayon ni Clark.

Pagdating sa bahay ay marami akong napansin na pagbabago. Siguro dahil bagong pintura ang gate at mga pader. Mas dumami rin ang mga halaman dito sa labas.

Paglagpas ko sa sa nakabukas naming wooden front door ay isang masiglang pagsalubong ang bumuluga sa akin. Galing sa mga pinsan ko, mga uncle and aunt, pati ng mga kasambahay namin.

Halos hindi na ako makahinga sa mahihigpit na yakap ng mga pinsan ko. Pagkatapos ay anak ko naman ang pinagkaguluhan nila.

"Hoy, grabe ka naman manggigil." hinampas ko sa braso si Benjo na nilamutak ang pisngi ng anak ko na hawak ng mommy niya.

Tumawa lang ang pinsan ko. "Nakakagigil, eh. Parang siopao."

"Halatang imported, eh. Hindi naman tisoy pero namumula ang pisngi." sabi naman ni Shawn.

"Bakit ang dami mong pandesal, Flo?" tumatawang sabi naman ni Nero nang hawakan ang braso ng anak ko at akmang kakagatin.

Napapakamot na lang ako ng ulo ko sa pinaggagagawa ng mga pinsan ko sa anak ko na nagpapasalit-salit ang tingin sa kanila.

Nagtataka marahil kung sino ba ang mga taong nakapaligid sa kanya.

Pinagpasa-pasahan na parang laruan si Flo. Ang anak ko naman ay tuwang-tuwa sa atensyong ibinibigay ng lahat sa kanya.

My Heart Chose You (HBB #7)Where stories live. Discover now