Kabanata 20

4.1K 107 15
                                    

Kabanata 20
Something more



Nag-angat ako ng tingin mula sa pagkakadapa ko sa kama, nang marinig ko na bumukas ang pinto.

"Kumain ka na." alok ni Elf sa akin dala ang isang plastic na may lamang pagkain.

"Busog pa ako." muli kong isinubsob ang mukha ko sa kama.

"Come on, Fantasia. Hindi ka pa kumakain, paano ka mabubusog, huh?"

Hindi ko siya pinansin, hanggang sa maramdaman ko na lumubog ang kama sa gilid ko. He's there, beside me.

"Sorry kung napagtaasan kita ng boses kanina. You just scare the hell out of me."

Bumangon naman ako at sinamaan ko ng tingin si Elf.

"But why do you have to talk to me that way?" napahikbi ako. "You don't know how scared I am too and I don't know what to do because I'm not like her. I'm not Divine that has a courage to fight for herself. I'm just, Fantasia. And I am always a damsel in distress."

Napayuko ako nang tuluyang malaglag ang luha sa mga mata ko.

Nabalot ng katahimikan ang buong silid, hanggang sa hilain ni Elf ang braso ko at yakapin niya ako ng mahigpit.

Para akong nanigas sa yakap ni Elf. His body feel so warm and I feel so secure while his arms wrapped around me.

"You're not just, Fantasia. Why do you always have to compare yourself to her, huh?"

"B-Because you love her and I think she's awesome and---"

I haven't finish my sentence when he suddenly crashed his lips on mine and slip his tongue inside my mouth.

What is this? Why is he kissing me?

Namalayan ko na lang na buong pusong tinutugon ko na ang mga halik ni Elf at ngayon ay nakahiga na ako sa kama. Nagsisimula ng gumapang ang kamay ni Elf sa hita ko, habang patuloy niya akong nilulunod sa malalalim niyang halik.

Bago pa ako tuluyang madarang sa init ng damdaming unti-unti na namang nabubuhay sa pagkatao ko ay itinukod ko ang mga kamay ko sa dibdib ni Elf at itinulak ko siya.

We're both panting while staring each other after a long passionate kiss we have shared.

"W-What was that for?" tanong ko kay Elf.

Sa halip na sagutin ako ay agad siyang umalis sa ibabaw ko at bumaba ng kama.

"Kumain ka na, magpapahangin lang muna ako sa labas." aniya at saka mabilis na lumabas siya sa room namin.

Why did he kissed me?

Nagbalik ako sa sarili ko nang marinig ko na tumunog ang cellphone ko. Clark is calling.

"Hello?"

"Are you okay now? Kumain ka na ba?"

He really sounds so worried kaya napangiti ako. Ang sarap kasi sa pakiramdam na may nag-aalala sa akin.

"Yes, I'm fine and I'm just about to eat."

"Pwede ba akong pumunta dyan? Is Elf, there?"

"Yeah, he's already sleeping. Matulog ka na rin." pagsisinungaling ko.

"Hindi pa ako inaantok. Hindi naman ganito ang oras ng tulog ko. Kung nasa bahay ako ay baka nakaharap pa rin ako sa computer ko."

Tumawa ako. "Malamang. By the way, kakain muna ako. Bukas na lang, Clark."

"Sige, goodnight."

"Goodnight."

Pagkatapos namin mag-usap ni Clark ay kumain na ako, naglinis ng katawan at saka muling humiga sa kama.

My Heart Chose You (HBB #7)Where stories live. Discover now