Kabanata 37

5.4K 144 39
                                    

Kabanata 37
Office



Pagkatapos ng gabing nagtapat sa akin si Clark ay nagsimula ng magbago ang lahat. The next day I woke up, my cousins told me that Clark left the house early. Ang paalam niya sa mga pinsan ko ay may importante raw siyang gagawin, pero alam ko, nagsisinungaling siya. He just doesn't want to see me, he's avoiding me.

Lumipas ang mga araw na hindi nagpaparamdam si Clark sa akin. Hindi siya tumatawag, nagtetext o kahit nagchachat, kahit na madalas ko siyang nakikitang naka online.

Gusto ko siyang kausapin at paliwanagan, kaya sinubukan kong mag text sa kanya. Nag iwan din ako ng message sa social account niya. Ilang beses ko na rin siyang sinubukan tawagan, pero parati lang nag riring ang cellphone niya.

"Maybe he wants to take some time, away from you. Maybe that's how he wants to cope the rejection." Elf said while my head leaning against his broad chest, while he's leaning against the headboard of my bed, brushing my hair with his fingers.

"Ganoon din ako noong sinabi ni Divine na wala siyang planong mag boyfriend, na hindi niya iniisip iyon. I distance myself to her, hanggang sa natanggap ko na rin ang lahat at sinabi ko sa sarili ko na, hindi ako titigil na iparamdam sa kanya na gusto ko siya. I don't really care about rejection. If you love her, just love her. Even if there's no guarantee, that she will love you back."

Iniyakap ni Elf ang braso niya sa leeg ko at naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng aking ulo ko.

"If he really loves you, he will understand and he will comeback. Everything's going to be alright, baby."

Mabuti na lang at nandito si Elf para pakinggan ako, damayan ako at higit sa lahat. Pagaanin ang kalooban ko.

I've waited for Clark. I thought he just need a few days as what Elf said. And everything will turn back to normal, that we could still be friends again. But days have passed and I've waited for nothing.

Hanggang sa dumating ang Christmas eve. Wala pa ring paramdam si Clark. He used to send me greetings every christmas eve, but I got nothing this year.

Ito na nga ang kinatatakutan kong mangyari, ang mawalan ako ng matalik na kaibigan.

On the day of Christmas. Nagpacater si dad. Sa frontyard ginanap ang salo-salo, may mga kamag-anak kasi kaming pupunta. From my mom and dad's side. Parati namang ganito sa amin pag christmas, may kainan. Namimigay pa nga ng groceries si daddy sa mga kamag-anak naming pumupunta at si mommy naman ay namamahagi ng pera.

Hindi ako mahilig sa party, lalo na kapag family gathering. Hindi ko alam, nahihiya ako. Kaya pagkatapos kong saglit na magpakita sa mga kamag anak namin at batiin ang mga ito ay bumalik na agad ako sa kwarto.

Mabuti na lang at inaya ako ni Elf na manood ng sine at kumain sa labas kaya hindi ako nanatili sa kwarto sa buong araw ng christmas. Sa piling ni Elf ay panandalian kong nakalimutan ang lungkot na nararamdaman ko dahil sa hindi pagpaparamdam ni Clark sa akin.

Nakakapagtampo nga dahil the night of Christmas, nakita ko sa IG story ni Clark na nasa isa siyang bar at kasama ang ilan niyang kaibigan. He looks very happy on the picture, habang itinataas nila ang kani-kanilang bote ng beer.

Hindi man lamang niya ako magawang replyan sa mga message ko. Naiinis ako sa kanya. Habang nagsasaya siya kasama ang mga kaibigan niya. Ako naman ay nabobother dito kakaisip sa kanya, kung paano ba kami magkakaayos ulit.

Kaya nagpasya ako ulit na mag message sa kanya.

Fantasia:
Clark, alam ko na iniiwasan mo ako. But can you please consider our friendship? Hindi ko gusto ang ginagawa mo. Ganoon na lang ba iyon? Pagkatapos mong magtapat sa akin at pagkatapos mong marinig na hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa iyo ay lalayuan mo na ako? I gave you time, Clark. Hindi pa ba iyon sapat? Clark you don't have to do this. Please, let's be friends again. I really miss my best friend. I really miss you. Merry Christmas again.

My Heart Chose You (HBB #7)Where stories live. Discover now