Kabanata 4

4K 116 11
                                    

Kabanata 4
Hindi handa

Nagulat ako 'nang pagbaba ko sa engineering building ay nakita ko si Clark na nakaupo sa ikatlong baitang ng hagdan sa labas ng building.

Akala ko ay umuwi na siya.

Naglalaro siya sa cellphone niya nang lapitan ko.

"Uy, bakit nandito ka pa?"

Nilingon naman niya agad ako at tumayo.

"Nahanap mo ba ang hinahanap mo?" seryosong tanong ni Clark sa akin.

Nginitian ko siya. "Yup. And I have a good news."

Itinaas-taas ko pa ang isa kong kilay.

Nangunot ang noo ni Clark at tila ba may kaunting pangamba akong nasilayan sa mukha niya.

"What is it?" aniya.

"Kinuha ni Elf ang number ko at binigay niya ang number niya sa akin."

"T-That's great."

"Hindi lang iyon. May date rin kami sa saturday."

Mas lalong kumunot ang noo ng kaibigan ko sa sinabi ko at kung hindi ako nagkakamali ay nakikita ko sa ekspresyon ng mukha niya na hindi niya nagustuhan ang balita ko.

"Nasisiraan ka na talaga, Fantasia. Malala ka na. Tara na, kain tayo."

Tinalikuran niya ako. Sumunod naman ako sa kanya at habang bumabyahe kami papuntang rockwell. Kinuwento ko sa kanya ang mga naging usapan namin ni Elf sa rooftop.

"Three months, huh. Are you ready to get hurt?"

"I don't know. Hindi ko pa iniisip 'yan dahil mas gusto kong isipin kung paano mahuhulog sa akin si Elf. Mas sure kasi ako na, hindi lang kami pang three months. Sooner or later, magugustuhan niya rin ako."

"Come 'on, Fantasia. Nakikita ko na malayo si Elf sa mga lalaking nahuhumaling sa'yo. Maybe he's single but I think he's already reserved."

"By me. Elf Ong is reserved by me." klaro ko sa kaibigan kong malinaw na hindi pabor sa mga sinasabi ko. "Kahit ano pa ang sabihin mo, tuloy na tuloy na ang three months dating namin ni Elf. Walang makakapigil doon."

"As a friend, I'm warning you. You're heart will gonna break into a million pieces."

"I don't care. At least I've tired. It's better to get hurt than to regret."

Umiling iling si Clark ng hindi inaalis ang kanyang tingin sa daan.

I know he doesn't like what I'm doing pero alam ko rin na alam niyang hindi na mababago pa ang desisyon ko.

Pinasadahan ko muna ng tingin ang sarili ko sa full length mirror.

Maroon na plain dress ang isinuot ko, off shoulder style na hanggang siko ang haba ng manggas at ang laylayan ay hanggang tuhod ang haba. I don't usually wear this kind of dress but because I want to look decent for Elf, I have to wear this.

Yung mga dress na tipo ko ay iyong medyo revealing, kasi gusto kong nilalantad ang magandang hubog ng katawan ko. I wanna show them how I work really hard to be fit. I'm proud of my body and there's no reason to hide it. At saka, kahit naman daring o super sexy ang mga damit na isinusuot ko, hindi ako iyong tipo ng babae na ginagamit ang katawan ko para makapang akit ng lalaki at pagkatapos 'non ay ipagkakaloob ko ang sarili ko para sambahin nila.

I love to tease mens and be their eye candy. Pwede mo akong titigan, pero hinding-hindi mo ako makukuha. Pwera na lang kung gusto ko.

Pero sa dami na ng lalaking nakilala ko at nagpalipad hangin sa akin. Isa lamang sa kanila ang binigyan ko ng pahintulot na papasukin sa pihikan kong puso, kaya lang ay nagawa pa akong lokohin.

My Heart Chose You (HBB #7)Where stories live. Discover now