Kabanata 33

3.6K 123 31
                                    

Kabanata 33
Sorry



"Elf? A-Anong ginagawa mo rito?" I asked him while my heart starts racing.

Parang nawala ang kalasingan ko, habang nakikipagtapatan ako ng tingin kay Elf na salubong ang kilay at nag iigting ang mga panga.

Sa halip na sagutin niya rin ang tanong ko ay mabilis niya akong hinila palabas ng Caelum Disco Bar. Wala naman akong nagawa kung di ang magpatianod sa panghihila niya dahil wala akong lakas para pigilan siya.

Sa tapat ng Caelum ay nakaparada ang Rolls-Royce ni Elf na takaw pansin sa mga dumarating at lumalabas ng Caelum, iyon kasi ang bubungad sa paglabas mo palang ng disco bar.

Marahas na pinapasok ako ni Elf sa loob ng sasakyan niya na binalewala ko na lang dahil ramdam ko ang matinding galit na bumabalot sa kanya ngayon.

When Elf get in the car. He disgustedly looks at me while his jaws are clenching. Umiling-iling pa nga siya at saka hinilamos ang mga palad niya sa kanyang mukha. He looks really pissed. Nagpakawala pa siya ng malalim na buntong hininga.

"You said, you're not feeling well." Mahinahong sabi niya habang nakatingin sa kung saan.

"I..."

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Umangat ang isang sulok ng labi ni Elf at nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay nanunuyang ngiti ang sumilay sa mga labi niya, kasunod ng nakakagulat na paghampas niya sa manibela.

"Fuck! Fuck! Fuck!'

Sa takot ko ay umusod ako palayo kay Elf, napasandal sa pinto ng sasakyan at saka niyakap ang sarili ko. Nanginginig ang buong katawan ni Elf sa galit, mariin na nakakuyom ang kanyang mga kamao at naglalabasan na ang ugat sa kanyang mga braso.

"What the hell are you doing there, huh?" tanong niya pa sa akin habang nanlilisik ang kanyang mga mata. Parang ibang-ibang tao ang nasa harap ko ngayon. A devil, a beast. "Ano, Fantasia? Anong ibig sabihin ng naabutan ko? Are you trying to cheat on me?"

Nakakasindak ang galit ni Elf at nanginginig na rin sa takot ang buo kong katawan.

Gusto kong magpaliwanag sa kanya. Pero sa nakikita kong galit sa mukha niya ay nakakasiguro akong hindi niya ako pakikinggan. Kailangan niya munang kumalma.

"K-Kakausapin kita kapag malamig na ang ulo mo." sabi ko sa kanya.

Muling hinampas ni Elf ang manibela at saka paulit ulit na nagmura at isinubsob ang ulo nito sa manibela. Umiiyak naman akong nakatingin sa kanya habang yakap ko ang sarili ko.

How did we get in here? It was supposed to be a day of celebration, but now it's a complete disaster. A mess.

Ilang minutong nanatili sa ganoong posisyon si Elf hanggang sa magdesisyon na siyang paandarin ang sasakyan.

Hindi ako kinausap ni Elf hanggang sa makarating kami ng bahay. Bumusina siya ng ilang beses at pinagbuksan naman siya ng security guard.


Habang dahan-dahang ipinapasok ni Elf sa driveway ang sasakyan niya. Lalo naman akong nakadama ng takot nang bumungad sa amin si daddy na mabigat ang ipinupukol na tingin sa amin. Nakatayo siya sa tapat ng nakabukas na front door at sa tabi niya ay naroon si mommy na nasa mukha naman ang pag-aalala.

Hindi umiimik si Elf pero pakiramdam ko ay humupa na ng bahagya ang emosyon niyang muntik ng sumabog kanina. Pagpatay ni Elf nang makina ng sasakyan niya ay bumaba na siya at lumabas. Umikot pa siya at pinagbuksan ako ng pinto.

Natatakot ako. Ayokong lumabas.

"Fantasia." matigas niyang binanggit ang pangalan ko na para bang may himig pa iyon ng pamimilit.

My Heart Chose You (HBB #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon