Kabanata 2

5K 141 22
                                    

Kabanata 2
Binibiro

Hiningi ko iyong facebook ni Elf sa pagbabakasakali na marami akong information na makikita roon tungkol sa kanya pero inactive siya sa fb account niya. Tatatlong piraso nga lang ang pictures niya roon at halos isang taon na ang nakakalipas 'nang huli siyang magshare ng isang inspirational quotes. I tried to search his name on IG, pati sa twitter at kung anu-anong sikat na apps ngayon pero hindi ko siya natagpuan sa mga iyon.

Nakakapanghinayang na hindi ko nahingi ang cellphone number niya. Kung alam ko lang na hindi naman pala siya mahilig sa social media ay kinuha ko na lang sana ang number niya.

May mga tao pa palang hindi mahilig sa social media ngayon. Dinaig pa si Elf ng ilang matatanda ngayon na very active sa facebook. Siguro private na tao si Elf at masaya ang buhay niya sa realidad, that is why he doesn't have time to socialize through social media.

But I badly want to get to know him.

Ilang araw na rin akong nagpupunta sa starbucks sa pagbabakasakali na magkikita kami ulit roon. Tumatambay ako roon after class. Kasi iyon iyong oras na una ko siyang nakita roon, kaso mahigit isang linggo na akong nagpapabalik-balik doon ay hindi ko pa rin siya nakikitang muli. Balak ko na nga sanang magtanong doon sa babaeng tinitigan niya noon kasi mukhang kilala siya ni Elf, kaya lang ay pati iyong babae ay hindi ko na rin nakikita.

Saan ko na hahanapin si Elf ngayon?

Napabuntong hininga na lang ako pagkalagay ko ng mga gamit ko sa locker ko. Nakapagpalit na rin ako ng cheerleading uniform ko na sleeveless croptop na sa upper mid ay may acronym ng school namin na EMU. (East Middleton University) Magkahalong puti at asul pa nga ang kulay nito at ang pang-ibaba ko naman ay miniskirt na asul ang kulay.

"Okay ka lang, Fantasia?"

Napalingon ako sa kamyembro ko na nagtanong sa akin. Tango at pilit na ngiti naman ang itinugon ko sa kanya.

"Girls, magsisimula na ang game. Tara na!" yaya naman ng cheerleading captain namin na si Shanon.

Mabibigat ang mga paa kong naglakad palabas ng girl's locker room. Wala naman akong sakit pero nananamlay ako.

"Fantasia!"

Umangat ang tingin ko sa bleachers at bahagyang napangiti nang makita ko si Clark na kumakaway, pero 'nang alisin ko ang tingin ko sa kanya ay agad din nabura ang ngiti ko.

Ilang araw ng ginugulo ni Elf Ong ang isip ko. Ang lakas na yata ng tama ko sa lalaking iyon.

"WHO'S GONNA WIN TODAY?" sigaw ni Shanon na nasa gitna.

(2x clap) "SMOKIN!" (2x clap) "ACES!"

"AND WHO WILL GONNA LOSE?"

"FIREBALLS!" sabay-sabay naming sigaw.

"GIRLS, LET'S CHEER FOR OUR BOYS. YOU ALL READY?" si Shanon.

"YEAH!"

"1,2,3!" bilang pa ni Shanon.

"SMOKIN ACES IS THE BEST, AMONG THE REST, THEY WILL KNOCK YOU OFF YOUR FEET
'CAUSE WE CAN'T BE BEAT. GO SMOKIN ACES!"

Pagkatapos namin mag cheer ay sumunod naman ang cheerer ng fireballs and after that, nagsimula na ang laro ng Smokin Aces laban sa Fireballs.

Sa unang quarter ay hindi pa ganoon kahigpit ang dipensa ng bawat team at mas lamang ang fireballs. Sa pangalawang round ay lumamang naman ang Smokin Aces.

Sa third quarter ay doon na nagsimulang umapoy ang laban. Ilan ang napatawan ng foul at may nagkainitan pa. Bawat player na makakapasok ng bola ay dumadagundong ang covered court sa lakas ng hiyawan ng mga nanonood. Pati kaming mga cheerleading squad ay kinakabahan na rin.

My Heart Chose You (HBB #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon