Kabanata 3

4K 117 16
                                    

Kabanata 3
Three months

Agad din akong kumalas mula sa pagkakayakap ko kay Elf dahil hindi naman ako manhid para hindi maramdaman ang paghawak niya sa magkabila kong balikat at pasimpleng pagtulak sa akin.

'Nang mag angat ako ng tingin ay nagtama ang mga mata naming dalawa at nanghuhusga ang mababanaag na ekspresyon sa mukha niya habang pagtatanong at pagtataka siyang nakatingin sa akin.

"Elf, pwede ba---"

"Let's go, Fantasia."

Naputol ang sasabihin ko 'nang bigla akong hilain ni Clark palayo kay Elf.

"T-Teka! Clark, ano ba? May sasabihin pa ako sa kanya."

"That's enough." maawtoridad na untag ni Clark habang mahigpit niyang hawak ang pulsuan ko at hinihila ako. "Nasisiraan ka na ba? Kailan ka pa nangyakap ng lalaking hindi mo naman lubos na kakilala? Mas lalo mo lang pinatutunayan sa iba ang maling tingin nila sa iyo." panenermon niya pa.

Sa tono ng pananalita ni Clark ay ramdam ko kung gaano siya kaseryoso.

Tuluyan na kaming nakalayo sa lahat 'nang bitawan ni Clark ang pulsuan ko. Narito kami ngayon sa ilalim ng isa sa malalaking puno na nakapalibot sa malaking soccer field ng WAU.

Mariin ang mga titig ni Clark ng harapin niya ako. Minsan lang ako maintimidate sa kanya at sa mga oras na ito ay iyon ang nararamdaman ko.

Parang batang napanguso ako at bahagyang napayuko. Tila naging isang maamong tupa ako ngayon sa harap niya.

"Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo, Fantasia?"

Gusto kong mangatwiran pero walang salitang gustong lumabas sa bibig ko. Para akong naputulan ng dila.

May point naman si Clark at kung kokontrahin ko iyon ay hindi ako mananalo dahil kahit ako sa sarili ko ay alam na hindi talaga tama ang ginawa ko. Mali na niyakap ko si Elf dahil una sa lahat, hindi naman kami lubos na magkakilala.

"Sorry. Nadala lang ako ng emosyon ko. Kayo kasi e!"

Tumaas ang kilay ni Clark. "Kami? At kami pa ang may kasalanan?"

"Kung hindi ninyo ako pinagtawanan ay hindi ako matutuksong gawin iyon. Gusto kong patunayan sa inyo na totoong magiging akin si Elf." pagtataas ko ng boses.

Mapanuyang tinawanan naman ako ni Clark habang pailing-iling na nakatingin sa akin.

"You're out of your mind. Ano bang pinakain o pinainom sa iyo ng manghuhula roon sa boracay at nagkakaganyan ka?"

"Wala! Sadyang malakas lang ang paniniwala ko na totoo ang sinasabi niya. Nararamdaman ko iyon, Clark. Ngayon nga, pakiramdam ko ay pinagtatagpo talaga kami ni Elf ng tadhana."

Nagkamot ng ulo niya ang kaibigan ko. "Ewan ko sa'yo. Umuwi na nga tayo."

Hindi ako pwedeng umuwi ng walang ginagawa. Nakalahad na naman sa akin ang pagkakataon, hindi ko ito pwedeng palampasin na naman. Dalawang beses na akong nabibigo at hindi na muling madadagdagan pa iyon.

Pagtalikod ni Clark ay agad naman tumakbo pabalik sa inalisan naming building kanina, kung saan namin iniwan si Elf at ang ilan naming kasama.

Hindi pa naman kami nagtatagal buhat ng makaalis doon kaya hindi pa rin marahil nakakalayo roon si Elf. Kailangan ko siyang mahanap at makausap. Sa pagkakataong ito, maikakabit ko na ang koneksyon sa aming dalawa at hindi na siya makakawala pa roon.

"Fantasia!"

Napangiti ako 'nang marinig ko ang pasigaw na tawag ni Clark sa akin. Sorry, bestfriend. I need to find the person that will fill my empty heart.

My Heart Chose You (HBB #7)Where stories live. Discover now