Kabanata 46

3.5K 138 29
                                    

Kabanata 46
Protect



Mabilis kong kinuha ang kamay ko kay Elf. Kasing bilis ng pintig nitong puso ko.

"A-Anong ginagawa mo rito?"

Umangat ang isang sulok ng kanyang labi. "Because I'm invited. The event organizer is one of our client." aniya at saka namulsa at tumingin siya sa direksyon ni papa at Flo.

"You got a charming son." aniya habang nakangiti.

Yeah. Just like his father. Just like you.

"Excuse me." Muli akong naglakad. Nilampasan ko si Elf pero sinundan niya ako.

"What's his name?" tanong ni Elf habang nanghihingi ako ng maiinom sa waiter.

Hinarap ko siya. "Who?"

"Your son."

Tumaas ang kilay ko. "Why are you interested?" 

Kinakabahang naglakad ako muli, palayo sa kanya. Si Elf naman ay parang aso na sunud ng sunod sa akin.

"Fantasia," napahinto ako sa paglalakad at napalingon kay Elf nang hawakan niya ang braso ko. "Let's talk. There's somethings I wanted to clear." seryoso niyang sabi.

"Elf, we can't talk here. At saka, mabuti siguro kung layuan mo muna ako. Hindi magugustuhan ni daddy kapag nakita ka niyang kasama ko, kaya please, wag ngayon. Ayoko ng gulo."

Binitawan niya ang braso ko at nakita ko ang paglaglag ng kanyang mga balikat, namulsa siya at tumango-tango. "I'm sorry." aniya at saka siya naglakad palayo sa akin.







"Nandito pala si Elf." ani daddy pagbalik niya sa mesa namin. Naupo na rin si manang Benilda sa tabi ko, habang karga si Flo na tahimik na kinakagat kagat ang kanyang teether.

Bumalik ang tingin ko kay daddy. Matatalim ang mga tingin na ipinupukol niya kay Elf mula sa mesa ng mga ito. Kasama ni Elf ang tito niyang si Mr. Alvin and I don't know who the rest is.

Hinawakan ko ang kamay ni daddy na kumukuyom sa ibabaw ng mesa. "Dad, stop staring them like that." saway ko sa kanya.

Baka mamaya ay may makahalata na may galit ang daddy kay Elf.

Tinignan ako ni daddy bakas ang pagpipigil niya ng galit dahil sa pag-iigting ng kanyang mga panga.

"Wag na wag kang lalapit sa lalaking iyan, Fantasia." bilin niya pa sa akin.

Nakaligtas ako sa pagtungon kay dad nang marinig ko ang pag-iyak ni Flo at pagtawag nito sa akin. Kinuha ko naman ito kay manang Benilda at kinarga.

"Anong gusto ng my loves ko?" tanong ko rito.

"Baka nagugutom na iyan." ani daddy.

"Kakainom lang ng gatas. Siguro ay naiinip." ani manang Benilda.

Habang kumakain kami ni daddy ay iginala muna ni manang si Flo. Tumawag pa nga sa akin si Clark at kinakamusta kami.

Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko naman si Flo kay manang at si manang naman ang kumain.
Tinawag pa nga si daddy ng mga kaibigan niya, kaya muli niya kaming iniwan sa mesa namin.

Nang muling magmaktol si Flo ay tumayo ako sa upuan ko at kinarga ito.

"Maglalakad-lakad lang po muna kami, manang." paalam ko.

"Samahan na kita." ani manang Benilda na akmang tatayo sa kanyang upuan.

"Wag na po. Pahinga muna kayo riyan. Kanina pa kayo nagbubuhat kay Flo, eh. Ako na po muna ang bahala sa kanya."

My Heart Chose You (HBB #7)Where stories live. Discover now