Kabanata 29

3.7K 116 11
                                    

Kabanata 29
Someone




Kanina ko pa paulit-ulit na tinitignan ang sarili ko sa harap ng salamin, habang suot ko ang mga pinamili ni Elf sa akin noong nakaraang araw.

"Honey, come on! You're already gorgeous." namumuring apura ni mommy sa akin habang nakaupo siya sa gilid ng kama at bakas sa mukha ang pagkamangha habang nakatingin din siya sa reflection ko sa salamin.

Magsasampung minuto na rin buhat ng dumating si Elf dito sa bahay at kasalukuyang nasa living room, marahil kausap ni daddy.

Before getting out of my room. Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin.

I wore a white high-waist A-Line dress, na may blue floral design. Lagpas tuhod ang haba nito at may sinturon na puti na humahapit sa twenty-four-inch na bewang ko. Isinuot ko na rin ang biniling white pumps ni Elf na bumagay naman sa dress ko.

Narito sa kwarto ko si mommy, bukod sa wala siyang pasok ay siya ang nag-ayos ng buhok ko. Nang ipaalam ko sa kanila ni daddy na pupunta ako ngayon kanila Elf upang ipakilala sa parents niya ay supportive na inalok agad ako ni mommy para tulungan ako na mag-ayos. Kinulot ni mommy ang dulo ng tuwid kong buhok at nagtirintas ng manipis, mula sa buhok kong malapit sa sintido. Ang pinakapuno nito ay nilagyan ng hair pin na napapalamutian ng silver glitters. Habang inaayos ni mommy ang buhok ko kanina ay naging abala naman ako sa paglalagay ng make up. Hindi ako sanay sa makapal na make up, iyong tipong pakiramdam mo ay ang bigat ng mukha mo, kaya light lang ang nilagay ko.

Hindi rin ako mahilig magsuot ng accessories kaya simpleng stud gold pearl earrings lang ang isinuot ko.

"Okay lang ba talaga ang itsura ko, mom?" paniniguro ko.

Nag thumbs-up si mommy. "They will love you." aniya.

Huminga ako malalim at pagkatapos ay inaya ko na si mommy na lumabas na ng kwarto.


Papunta pa lang kami ni mommy sa living room ay natatanaw na namin si daddy at Elf na mukhang may seryosong pinag-uusapan. Nakatalikod ang upuan ni Elf sa door-way, habang ang kay daddy naman ay nakaharap, kaya siya ang unang nakapansin sa pagdating namin ni mommy.

Hindi na naituloy ni daddy ang sinasabi niya kay Elf nang mapatingin siya sa amin, si Elf naman ay napalingon na rin.

"H-Hi." nahihiyang bati ko sa dalawang importanteng lalaki sa buhay ko.

Hinagod nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa at saka sila tumayo.

"My daughter looks good, right?" pagmamalaki ni mommy.

"No, ma'am. She's not just good. She's perfect." ani Elf na tila bituing nagniningning ang mga mata, habang nakatitig ang mga ito sa akin.

"Kanino pa ba magmamana 'yan. Syempre sa gwapong ama." pagmamalaki ni daddy.

Hindi ako kumontra sa sinabi niya pero natawa ako kahit na totoo namang nagmana ako sa kanya. We have to same eyes and same smile as what mom said. But the rest of my features came from her. My small but pointed nose, my thin semi-full lips, my long black straight hair and my fair skin.

Paglapit ni Elf sa akin ay nakangiting inabot niya agad ang dala niyang bouquet of flowers. Nahihiyang kinuha ko naman iyon habang nagliligalig ang puso ko.

"Thank you."

Tumango si Elf at tinignan ako na para bang inaaya niya na akong umalis, tinanguan ko rin siya bilang tugon.

"Ma'am, sir. Aalis na po kami." paalam ni Elf sa mommy at daddy.

Ibinigay ko naman kay mommy ang bulaklak ko.

My Heart Chose You (HBB #7)Where stories live. Discover now