MULOTB 42 : A Little More You

1.1K 44 4
                                    

"Let's go?" ani niya sabay cute na ngumiti sa akin habang hinalikan ako sa noo.

Hinawakan niya ng mariin ang kamay ko sabay ngumiti ulit sa akin. Bakit ganun? Konting ngiti, konting halik at konting lambing ay ayos na ako. Ang ilang araw namin na hindi pagpapansinan ay parang isang kisapmata na agad naglaho at nabura.

Napangiwi ako sa kanya. Ngumuso ako sa damit ko at napatingin din siya dito. Naka-pajama lang ako at t-shirt kaya kailangan kong magpalit.

Ngumiti ulit siya at binitawan ang kamay ko. Humarap siya sa akin at nag-open arms. Para bang sinasabi niya sa akin na lumapit ako sa kanya at tanggapin ang mga bisig niya. Lumapit ako ng konti at ginapos niya na naman ako sa mga yakap niya.

"I wanted to stay and see how you undress yourself but---"

Agad akong kinabahan lalo na ng lalong humigpit ang yakap niya kaya naitulak ko siya ng hindi sinasadya.

"Tse! Alis. Dun ka sa baba." pagpuputol ko sa kanya. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha dahilan para mamula ito.

Nakataas naman ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko sa isang holdaper.

"Relax Vera. Let me finish first kasi. You know I won't do that. I respect you. Alright, alright I will wait downstairs." natatawa niyang sabi habang umiiling iling na lamang at binuksan ang pinto.

Agad akong nagbihis at bumaba. Hinanap ko siya at nakita kong nasa labas siya at nakasandal sa kotse niya. Nang makita niya ko ay binigyan niya agad ako ng isang matamis na ngiti. Hay naku! Pwede bang wag ka ng ngumiti Chino? Nakaka-adik ang ngiti niya. Feeling ko pag nakita ito ng ibang mga babae ay agad silang mai-inlove kay Chino at ayaw kong mangyari yun. Sa akin lang siya dapat ngumiti ng ganyan!

Pinagbuksan niya pa ko ng pinto at umikot ng mabilis para pumunta sa driver's seat.

Pinaandar niya ng mabagal ang kotse samantalang kung bibilisan niya ay 5 minutes andun na kami.

"Ganito ba talaga kabagal itong kotse mo?" biro kong tanong sa kanya.

"Yeah." tipid niyang sagot habang seryosong nakatingin sa daan.

Hindi na siya nagsalita pa habang ako naman ay pasimpleng sumusulyap-sulyap lang sa kanya.

Bigla niya namang iniliko ang sasakyan niya at binaybay ang ibang daan. Hindi ko na lang pinansin dahil baka nagpapawala lang siya ng nerbiyos dahil sa Audition. Pero naisip ko, kinakabahan ba itong si Chino? Parang hindi naman.

"Pang-ilan ba kayo?" alinlangan kong tanong sa kanya.

"I don't know." walang gana niyang sagot sa akin.

Kita mo nga naman itong lalaking ito. Kanina ang sweet sweet tapos ngayon parang walang gana makipag-usap sakin.

Hindi na lang ko umimik at hinayaang magpatianod kung saan man siya pupunta. Pero ng ilang minuto pa na hindi niya ko kinikibo at pakiramdam ko ay parang wala siyang kasama sa sasakyan ay duon na nabuo ang pagkairita ko.

"Ibalik mo na nga lang ako sa dorm!" galit kong sabi sa kanya.

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at muntikan ng gumewang ang sasakyan sa pagkagulat niya. Akala niya siya lang ang pwedeng maging moody? Ako rin no!

Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa daan. Ng makahanap siya ng pwedeng pag-parkingan ay agad niyang ipinark ang sasakyan niya.

"What's your problem Vera?" taka niyang tanong sa akin.

"Saan ba ang sakayan pauwi? Ituro mo at uuwi na ako." masungit kong sabi habang tinatanggal ang seatbelt.

"W-wait. Why?" nakatingin siya sakin habang pinipigilan ang pagtanggal sa seatbelt ko.

MUSIC UNIVERSITY: Leader of the BandWhere stories live. Discover now