MULOTB 33 : Heroes

2.2K 78 0
                                    

Ang higpit ng hawak sa 'kin ni Chino habang palabas kami ng office. Ramdam kong patuloy pa din ang paglandas ng luha sa pisngi ko kahit gustong-gusto kong pigilan iyun.

Hindi ko alam kung nasaan na kami, o kung saan man kami pupunta dahil masyado ng blurr ang paningin ko. Hindi ko din alam kung pinagtitinginan na kami ng studyante dahil pagpunta namin sa office ay magkahawak kami ng kamay at paglabas din namin, magkahawak pa din kami. Wala akong pakialam.

Ang gulo ng utak ko. Halong shock, frustration, panghihinayang at guilt ang nararamdaman ko ngayon. Scholarship. Wala na. Nahihiya ako. Feeling ko wala akong mukhang ihaharap sa nanay ko at sa mga kapatid ko pag nalaman nila ang nangyari.

Pero ano yung sinasabi ni Chino na siya ang magbabayad ng fees ko dito sa school? At sinabi niya bang paaalisin niya yung mga Council sa lalong madaling panahon? Bakit?

"Stop thinking. Get in." utos sa akin ni Chino.

Nung iaangat ko ang mukha ko, nakita kong nakahawak siya sa nakabukas na pinto sa front seat. Kung hindi ako nagkakamali, sasakyan niya ito pero naiba ata ang kulay.

Tinignan ko siya at nakita kong medyo naniningkit ang mata niya. Halatang galit siya.

Wala akong idea kung saan niya ko balak dalhin. Siguro iuwi?

Pumasok na ko sa loob. Mabilis siyang umikot sa harap ng sasakyan niya at umupo sa driver's seat.

Ilang minuto na din ang nakalipas nang wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Wala ako sa mood. Feeling ko, walang kwenta lahat ng sasabihin ko ngayon. May klase pa kami na papasukan pero parang ayoko nang umattend. Parang feeling ko lahat ng mata nakatingin sa akin. Lahat kinikilatis ako. Konting galaw ko, sisitahin. Ayoko ng ganun.

Bumalik ang atensyon ko nang mapansin ko na kanina pa ako dapat nasa dorm. Binaling ko ang mata ko sa daan at nakita kong nasa high way kami. Hindi ko alam ang lugar pero alam kong nasa siyudad pa din kami.

Nung bumaling ako kay Chino ay nakita kong nakatingin lang sa daan si Chino at parang may iniisip na malalim.

"Chino." tawag ko sa kanya.

Nilingon niya ako pero hindi naman nagsalita. Binuksan niya yung player niya at nagpatugtog na lang. Ang ingay naman ng kanta niya.

I'm gonna start a revolution

Of convoluted disillusion

(Start a revolution)

I'll lead a war with no conclusion

And in my final hour,

I'll be a confident coward

Cause if we stand for nothing, we'll fall for anything

"Saan tayo pupunta? Alam ko kasi hindi ito ang daan papunta sa tinutuluyan ko." untag ko sa kanya.

Lumingon ulit siya sa akin at tumingin ulit sa daan. Problema nitong lalaking to?

You're not a hero,

you're a liar

You're not a savior,

you're a vampire

Sucking the life out of all the friends you've ever known

You're just a train wreck,

MUSIC UNIVERSITY: Leader of the BandWhere stories live. Discover now